Chapter 3: Parang... parang...

5 1 0
                                    


Scar's POV

"Boss! Kaw na naman ang highest sa ACCO (accounting) ah!!"

Malakas na papuri ni mika sabay kunwaring masahe sa balikat ko.

"Ano pa bang aasahan mo kay boss, mika? Halimaw na talaga yan!" Sabi ni ken.

Tinitigan ng masama ni max si ken.

"Ah.. i mean halimaw sa ACCO!" ulit pa nya.

Nagets ko na naman ken. Di mo kelangang ulitin.

Nga pala, silang tatlo ay kaklase namin ni louie nung elementary pa lang kami. At lahat kami ay sa iisang school din nung highschool nag-aral.

"Ah boss, uuna na kami mamaya kaya di ka na kami makakasabay sa'yo pag uwi.."

"Okay lang max, walang problema sakin yon.." sabi ko.

"Anong meron dito ha?!"

Singit ni louie. Alam kong malalim ang galit ni louie sa grupo ni max simula nung elementary pa lang kami. At di na yon nawala hanggang ngayon.

"Ay dumating na ang epal.." bulong ni mika.

"Anung sabi mo?!"

"Oh tama na wala namang masamang ginagawa sina max,louie!" Awat ko.

"Ken, mika, tara na.. may gagawin pa tayo diba?"

"Ah eh o--oo nga !" Napilitang sagot nina mika at ken.

"Boss, uuna na po kami!" Sabi ni max..

"Ah sige sige"

Sabay alis nina max, habang sinusundan ng masamang tingin ni louie.

"Oy scar, anung sinabi sa'yo ng mga gagong yon ha?!"

"Wala lang yun Louie.Hanggang ngayon ba ay di mo parin kinakalimutan yung pambubully nila sa'yo noon?"

"Hindi mo ako katulad Scar na basta basta na lang nagpapatawad."

"Louie, nakaraan na yon. Hindi mo na dapat---"

Napansin kong dumaan sa tapat namin si Glaine, ang kinahuhumalingan ng mga lalaki kong kaklase sa section namin. Di sya gaanong katangkaran, maputi at maappeal sa mga lalaki. 'Sexy' nga ang description sa kanya ni louie. Manyak talaga 'tong kaibigan kong ito.

Mukhang nagmamadali sya.

Di ko naiwasang makita ang kulay pulang tinta sa pantalon nya sa may bandang likod. Parang.. parang..

"Hindi mo na dapat ano?

Sino yung tinitingnan----"

"Ah louie!" Sabay hawak ko sa balikat nya para agaran kong makuha ang atensyon nya.

".. may kailangan lang akong puntahan ah.. mauna ka nang umalis sakin.."

"Anung meron?"

"Wala basta aalis nako.." sabay bibit ng bag paalis sa room na yun.

"Huh? Iiwanan mo ak----"

Madali kong sinundan si glaine.. mukhang kelangan nya ng tulong..

--------

SCAR (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon