Chapter 1: Happy Birthday!

13 2 1
                                    


Scar's POV

"Boss... san kayo?"

"Sto. Tomas po. Estudyante.."

"Estudyante?!"

"Opo"

"Patingin ng i.d. mo."

Ugh. Ayaw pa atang maniwala ni kuyang kundoktor.

Sabagay nasanay na naman ako sa ganitong sitwasyon. Lagi akong napagkakamalang kung anu-ano dahil sa porma ko.

Nasanay na akong magsuot ng itim na hood at panyong nakapalibot sa bibig ko.

Ayokong makita ng iba ang mukha ko... hindi dahil sa ikinahihiya ko ang itsura ko..

ayokong lang mahusgahan ng tao ang personality ko based sa mukha ko.

"Ito po oh"

"Kinjima C. Condex ha..."

"Ahh op--"

"Bat ganito ang picture mo?"

itinapat nya sakin ang i.d. ko. Nilagyan ko kc ng 'smiley face' na sticker yung picture ko.

"Ah yan po b---"

"hihi"

Ugh. Tinatawanan na ata ako ni ateng katabi ko sa bus na'to. Cute naman ung sticker ah?

Di ko na lang pinansin at tiningnam si ate. Mas nakakahiya yun e. Pero teka.. parang pamilyar sakin yung boses na yun ah. Narinig ko na yun e. Ugh. Nevermind.

"Ah ehh.. tatanggalin ko na lang po."

Matapos tanggalin ung sticker, ibinalik ko kay kuya ung i.d.

Tiningnan nyang mabuti ung picture. Ilang beses nyang palita palitang tiningnan ako at ang i.d. ko.

Feeling ko na-gets nya na yung situation ko.

"Ah.. toy pasensya na. 28 pesos lang."

"Ah okay lang po"

bago nya bigyan ng ticket yung nasa likod kong pasahero, nilagay nya ang kanang kamay nya sa ulo ko at hinimas ito. I get what he mean to say.

***************************************************************************

"Bakit ganang ka makatingin ha?!" Sigaw ng kaibigan ko.

Anong problema nito?!

Sya si louie. 'Famous' sya sa campus namin dahil sa kagwapuhan at angas nyang pumorma simula pa lang nung highschool kami.Napakaraming babae ang nagkakandara pa sa kanya.

-----------flashback-----------

Sa School namin ngayong college ay may isang "rk" na babaeng patay na patay sa kanya. Grabeng makaeffort yung babae. Humagilap sya ng maraming studyante para maform lang ung phrase na

W-I-L-L-Y-O-U-B-E-M-Y-B-O-Y-F-R-I-E-N-D-?

Note: "rk"= rich kid

Grabe sya.

Maganda naman ung babae. Joahna ata ung pangalan. Matagal na nung sinusuyo si louie.

Yung babae pa talaga ung nanliligaw!

"Will you be my boyfriend!!??"sigaw nung babae na abot 4th floor sa sobrang lakas. Gusto pa atang ipamalita sa buong campus ang ginagawa nya.

Asa ground lang naman si louie at ung babae kasama ung mga usisero at fans club ni loiue.

Grabe! sya na ang may fansclub!

Ngumiti si louie. Nagtilian naman ung ibang mga estudyante, except syempre dun sa fans club nya.

Halata ang pagkaexcite ng babae na parang kampanteng makukuha nya ang 'oo' ni louie.

Yun ang pagkakamali nya.....

"No." Komportableng sagot ni louie.

"Hhhhhhuhh?!!!"

"No. But thanks" ulit nya na parang walang pakiramdam sa nararamdaman nung babae.

"Haaaaaaaaaaaaaa?!"

Umalis lang si louie na parang walang nangyari.

Yan ang mahirap sa mga taong umaasa e. Tsk..ate nakikiramay ako..

Nadagdagan na naman ang listahan ng mga babaeng napaiyak nya.

Simula noon ay di ko na nakitang ang mukha nung babaeng yun na aaligid aligid kay louie.

-------end of flashback---------

*pak*

"Aray!! Bakit mo ko sinapak?!"

"Loko ka, anung nahithit mo?"Tugon ko

" Hahahaha!"

Aba at nakuha pang tumawa. Iba na talaga ''to..

"Sinira mo plano ko.."

"Huh?"

"Oh!"

Hinagis nya sakin yung jacket na kulay itim kagaya ng brand ng mga sinusuot ko. Mukhang bago kc may price tag pa.

"Happy birthday, pre!"

Ah.. oo nga pala birthday ko nga pala ngayon!

------

SCAR (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon