Glaine's POV
Apat na taon na rin ang lumipas nung una akong nagmahal sa isang pinakamabuting lalaking nakilala ko..
At ngayon ay narito ako sa harap...
....Ng puntod nya.
Ang tanging naiwan nya lang sakin ay alaala at itong orasan na hawak-hawak ko ngayon.
"Glaine, wag ka masyadong lumuha ha, baka kung anong mangyari na naman dyan sa puso mo... I mean, puso ni scar.." pag aalala sakin ni ate nikki
"Hay naku nikki pabayaan mo na yang kapatid kong yan.. apat na taon na ang lumipas pero di parin nya makalimutan yang scar na yan.." saway ni kuya.
"Wag ka ngang epal Ron di naman ikaw ang kinakausap ko e!."
"Tsk. Whatever.."
"E Ron, pano kung namatay ako, mamahalin mo rin ba ako kahit ilang taon pa ang lumipas?" Tanong ni ate nikki kay kuya habang nagbu-beautiful eyes.
"Ano bang klaseng tanong yan.." masungit na tugon ni kuya.
"Dali na ron, sige na..." maamong pagmamakaawa ni ate nikki.
"Tsk..
S----Syempre naman nu! Kaw lang ang una at huling babae kong mamahalin!" Sigaw ni kuya habang namumula ang pisngi sabay iwas ng tingin kay ate Nikki.
May pagkaromantic-side din pala ang kuya ko!
"Aww...Ang sweet mo talaga ron... payakap nga!..."
Tumakbo si ate nikki at niyakap ng mahigpit si kuya.
"Nikki! Di na ako makahinga oh!"
"E Ayaw mo ba?" Tanong ni ate nikki.
"Ah eh... gusto naman.." mahinang sagot ni kuya na parang nahihiya pa.
"Yun naman pala e..."
Mas lalo pang hinigpitan ni ate nikki ung yakap nya.
"Ano ba nikki, tigilan mo nga ako!"
Sigaw ni kuya samantalang parang walang naririnig si ate nikki at tuloy pa rin sa pagyakap.
Naiinggit ako sa kanila. Kung nandito lang sana si scar...
***************************************************************************
Louie's POV
Dumaan ako sa bahay nila scar para hiramin muna sina rei, toshi at Nori para isama ko sa pagjajogging ko.
Apat na taon na rin ang nakalipas pero palagi ko paring binabalik balikan ang bahay nya.
"Salamat po sir!" Pasasalamat ko sa butler ni scar matapos iabot sakin ang mga taling nakakunekta sa leeg nung tatlong aso.
"Welcome, louie.. pagkabalik mo pagluluto pa kita ng favorite nyo ni scar.."
" Salamat po.. sige po.. aalis na po ako." Sabi ko habang mabagal na tumakbo kasama yung tatlo.
****************************************************************************
Napadaan kami sa ospital na dating binibisita ni scar.
Palayo na kami ng biglang tumahol si Nori pagkatapos ay tumahol na rin yung dalawa sa direksyon ng isang eskinita malapit sa ospital..
"Sinong..."
Biglang kumawala yung tatlo papunta sa isang lalaking nakahood at nakatakip ang bibig.
Lumuhod yung lalaki at niyakap yung tatlong asong lumapit sa kanya.
"Impossible... panong..."
Hindi ako makagalaw sa pwesto ko habang nanginginig ang buong katawan ko kasabay ng pagtulo ng luha sa mga mata ko.
-------------------------------------end-------------------------------------------
Author's note: Gusto ko sanang mag ka-book 2, kaso it depends naman sa mga readers kung magugustuhan nila itong book 1.Di pa kasi narereveal kung bakit magaan yung loob ni scar kay glaine. Di parin nahighlights kung ano yung laman ng packbag ni scar.Di pa rin nalinaw kung namatay ba talaga yung tatay nya. Di rin nalinaw kung heart ba talaga ni scar yung na kay glaine.At di rin ipinakita kung paano nakaligtas si scar sa aksidente.
Comment please!