PROLOGUE

99 1 0
                                    

Another day had pass I still remember his rare smile, his masculine voice and his pure laugh.

I still remember how he teased me, and how it will end up with a fight

how he says sorry...
And how he says he loves me...

I still remember everything like it only happened yesterday, but many years passed, and the wound became scars..

Just like how his name written to my HEART it will never LAST....

--- + ---

Ghost are not real, when you died you are literally dead, sans smell, sans taste, sans sight, sans everything because your blood will stop to circulate and your lungs, brain and heart will stop to function.

Ghost are only product of our wild imagination and sometimes it was only hallucinations...

This is Kyler Samson trying to solve the mystery of the Phantom Killer.

--- + ---

08.01.16
MONDAY, 7:16 AM

"Guys! Narinig nyo ba yung balibalita sa lumang theater house?" Agad na salubong nung isa kong kaklase pagkapasok palang nya sa room

"Oo, narinig ko kanina sa mga naka kasabay ko sa daan, totoo ba yun" curious namang sagot nung isa

"Ewan ko, pero nakakatakot parin, pinagbabawalan na nga akong dumaan don ni Mama baka mapaglaruan daw ako"

"Diba nabenta na daw yung theater na yun?" tanong naman nung isa

"grabe sino naman kaya bibili non ang creapy kaya nung lugar na yon"

"ewan ko" sagot pa nung isa at nagpatuloy lang sila na magpapalitan ng mga nasagap na tsismis

"BwaaaaAaagghhhh!" Biglang paggulat sa kanila ni Ma'am na kanina pa pala nasa loob ng room at nakikinig lang sa mga usapan nila

"AAAhhhh!" at parang mga tanga naman silang nagsigawan sa gulat

"may nakakatakot? Ano ko multo para di nyo makita? kailangan pang magparamdam para mapansin? Ang mamanhid nyo naman, inuugat na ko sa harapan nyo di parin kayo natitinag dyan" tuloy nasermonan sila ng mga hugot lines ni Ma'am

"Sorry po Ma'am" mahina nilang sabi at umayos na sila ng upo

At nagsimula na nga ang klase namin pero bigla din kaming napahinto sa kalagitnaan nung biglang may nagbukas ng pinto at iniluwa ang isang nilalang na may mahabang buhok !?

Sa gulat nung iba, di na nila napigilang mapasigaw, ang sagwa naman kasi ng itsura nya, di ko nga alam kung babae to oh lalaki eh tapos ang bilis pa ng pagbukas nya ng pinto, lakas maka horror movie.

Uso naman magsuklay diba?

"Ay oo nga pala class montik ko nang makalimutan, may bago pala kayong kaklase" biglang pagpapakilala ni Ma'am "halika dito" pagaya pa nya dun sa pumasok, lalaki ata ang tangkad tsaka ang puti kaso parang si sadako naman sa buhok nya, di na tuloy makita muka nya.

"Introduce your self" utos naman ni Ma'am sa kanya

"Silent Ferous Thomlinson" yun lang yung sinabi nya at nagdirediretso na sya sa bakanteng upuan sa likod ko.

Lahat ay nakatingin sa mabagal nyang paglakad patungo di dito at tila ba pigil ang hininga ng lahat.

"Grabe para syang bangkay na hinukay sa lupa" bulong nung isa kong kaklase
"Muka syang zombie" duktong pa nung isa
"Mas muka syang killer" sabay tingin nila ulit dun sa bagong transfer
"Grabe nakakatakot itsura nya, bakit ganyan"
"di ko talaga gets fashion ng mga rakista"

Kung makapagbulungan naman yung mga 'to parang hindi naririnig 🙄

"Tsss" bigla naman akong kinilabutan nung may narinig akong may nagsmirk mula sa likod ko kaya palihim akong lumingon dun at nakita ko lang naman na nakangiti ng nakakatakot yung bago naming classmate, naaninag ko ng bahagya ang mukha nya mula sa mga hairstrand na nakabalandra dito.

Natuwa ba sya sa mga sinabi sa kanya?

Bakit sya ngumingiti, muka syang psychopath.

Bigla akong napaiwas ng tingin nung nagkatinginan kami at biglang nawala yung ngiti nya.

"Anak ng tokwa, kung psychotic ka man, wag mo kong papatayin" nasabi ko ng pabulong nung hindi padin nya inaalis yung tingin nya sakin with matching pocker face.

"Miss Samson may masakit ba sayo?" Nagulat ako nung biglang tawagin ni Ma'am yung surname ko, eh kasi naman halos isubsob ko na yung muka ko sa desk ko para mawala yung mga naiimagine kong brutal scenes kung paano ko mamurderin nitong kapre na nasa likuran ko.

"A-ah, yes Ma'am may I go out" natataranta ko namang naisagot at agad akong naglakad palabas ng room.

Paglabas ng room di ko malaman kung saan ako pupunta kung sa cr ba o sa clinic, baka dapat sa mental na ata diretso ko eh, di maalis sa utak ko yung titig na yun ng kapreng sadako nakakakilabot kasi eh, may ganon palang nagexist na tao.

Paano kung psychopath talaga sya?
Parang low key na killer, mukang normal sa panglabas pero marami na pala napatay.

Ano ba yan Kyler kung ano ano iniisip mo, kakabasa mo yan ng mga mystery novel.

"ay anak ng palaka" nagulat ako nung may biglang lumabas sa isang room, ako lang kasi tao nun sa may hallway.

"Anak na pala ko ng palaka" bati naman sakin ni Erfuegn with matching smile, sya pala yung lumabas galing locker room nila, football player sya ng school namin at malapit na yung game nila kaya exempted sila sa class ngayon.

Bigla naman akong napahinto sa paglalakad at natulalang parang tanga, oo Erfuegn isa kang gwapong lahi ng mga palaka, sigaw ko sa utak ko pero ngiti lang nasagot ko sa kanya.

My Frog Prince ❤️

"San ka pupunta Miss Presy?" Tanong naman nya habang parang model lang sya ng bench body sa suot nyang sando with matching wet look dahil sa pawisan nyang buhok.

SA PUSO MO

"Sa-sa clinic" mahina kong natatarantang sagot habang nakayuko at di makatingin sa kanya, jusko malulusaw nako sa titig mo, konting respeto naman sa puso ko.

"Bakit anong nangyari" parang worried nyang tanong

"A- ah ano may kukunin lang" sagot ko naman

Kukuha lang akong gamot sa puso kong nagwawala dahil nakita kita ngayon.

Tumango lang sya sabay punas ng pawis nya sa buhok

Sa ginagawa mong yan baka kung mapano na talaga ko

"Ah sige pupunta na ulit ako sa court, bye Miss Presy" pagpapaalam nya at patakbo na syang lumabas ng building

Si Erfuegn Byun crush ko, na crush ng mga kaklase ko, na crush ng school na crush ng bayan, na hangang pangarap ko nalang hay~

The Black-White BricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon