CASE NO. 12

21 1 0
                                    

KYLER

Parang nabunutan ako ng tinik nung makita ko sya na nakatayo sa tapat ng piano nya habang nakatingin lang sakin.

Sa sobrang saya ko na makitang buhay sya, dali dali akong lumapit sa kanya at niyakap sya.

Halata sa muka nya ang pagkagulat sa ginawa ko.

"Akala ko namatay ka nang Parrot ka" inis kong sabi sabay tulak sa kanya palayo nung marealize ko na medyo OA yung pagyakap ko sa kanya "akala ko kasi namatay ka na" sabi ko pa habang umiiyak parin "buhay ka pa pala" pinunasan ko na yung luha ko.

Pero yung muka nya gulat na gulat parin.

"Paano mo ko nakita" Out of nowhere naman nyang biglang natanong na parang takang taka,kaya ayun nabatukan ko tuloy sya bigla

"Ang layo ng tinakbo ko ah, tapos magbibiro ka lang ng ganyan!?" Asar kong nasabi "bakit anong tingin mo sakin bulag? Ano yan nakikipaghide and seek ka hah!? Sabihin mo nga, may pinagtataguan ka ba!?" Asar ko pang nasabi, kaya bigla syang napatahimik

"Ano ba talagang nangyari? Ano ba talagang nangyari sayo nung Friday!? Bakit hindi ka pumunta nung Science fair hah!? Bakit hindi ka na pumapasok hah!? Bakit kumakalat sa palengke na namatay ka na daw !!?" Taranta ko pang natanong sabay check ng mga braso nya kung may bakas ng mga sugat.

Pero wala akong nakita kahit gasgas.

Mga tsimis nga naman oh, di pala totoo

"why are you here? Diba sinabi ko wag ka nang pupunta dito" malamig lang nitong sabi sabay bawi ng mga braso nya sa pagakahawak ko.

"Di ba dapat maging thankful ka kasi atleast may nagaalala pa sayo kung buhay ka pa!? Na may pake pa ko sayo kahit magaspang pa sa sand paper yung ugali mo!?" Inis ko namang nasabi.

"I don't ask you to do that" sabi pa nya

Siguro kung dati nya yan sinabi malamang kinalbo ko na sya, eh sobrang tragedy pala ng buhay ng taong to eh kaya ang lakas magbitter.

pero nakakainis parin eh, sya na nga tong pinagmamalasakitan sya pa tong masungit.

Pero nakakaawa talaga sya, di ko alam na ganun pala kalungkot yung buhay nya.

"You don't ask me, but I still do" sagot ko naman "because I'm your friend" ayan napaenglish tuloy ako bigla.

"I told you, I don't make friends" sabi pa nya sabay taas ng kilay

"Pwede ba wag ka na ngang magmatigas dyan!!!!?" Inis ko namang nasabi "alam ko na lahat" sabi ko pa kaya bigla syang napatingin sakin

"Alam mo ang ano?"

"Na dito namatay yung mga magulang mo, na kaya ka nandito kasi namimiss mo sila" sagot ko naman "hindi mo naman kailangang solohin ang lahat, kung ayaw mong makipagkaibigan ituring mo nalang akong kakilala, pwede mo naman akong sabihan ng mga problema mo, kaya wag na wag kang magtatangkang magpakamatay okay!?"

"Who told you na may balak akong magpakamatay?" Taas kilay naman nyang naitanong

"Hindi ba?" Nagtataka kong itanong "a-akala ko kasi, ay de bale na nga. Basta simula ngayon magkaibigan na tayo sa ayaw at sa gusto mo, okay!?" Sabi ko pa sabay alis pero bigla din akong bumalik.

"Aalis lang ako kasi kailangan ko pang bilhin yung mga pinapabili ng nanay ko sa palengke, pero babalik ako dito kahit kailan ko gusto at wala kang karapatan na paalisin ako hangga't wala kang hawak na certificate of title ng lupang kinatitirikan ng Theater house, okay!?" Pahabol ko pang sabi sabay takbo papuntang palengke.

The Black-White BricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon