CASE NO. 18

16 1 0
                                    

FEROUS

"Sino ka?" Tanong ko sabay hatak sa buhok na paikot ikot sa kisame ng theater house.

Lumitaw ang isang lalaking may kahabaan ang buhok at sa tingin ko mga nasa late 30s na sya.

"Ay, teka lang iho, kumalma ka muna" pagawat nya sakin habang hawak yung kamay ko na nakahawak sa buhok nya.

"Ay nako" nasabi pa nya na parang naasar sa ginawa ko at bigla nalang naglaho.

"S-sandali lang !" Pagpigil ko naman sa kanya.

"Alam mo bang ang tagal kong inayos yung buhok ko!?" Asar pa nyang nasabi sabay sulpot sa harap ng isang salamin.

"T-teka, kilala kita" nasabi ko pa nung makita ko yung muka nya.

"Kilala din kita" pangaasar pa nya habang inaayos ulit yung buhok nya habang nakaharap sa salamin kahit wala naman syang reflection doon.

"Ikaw si--"

"Shssss marinig ka pa nung matanda, papagalitan ako non" pagputol pa nya sakin "sige na sige na, alis na, di ako magpapakita sa babae na yon, di ko yon tatakutin, alis na" pagtaboy pa nya sakin.

--- + ---

KYLER

"Feruya?" Pagtawag ko kay Ferous pagkapasok ko sa theater house.

Nagtaka naman ako nung walang sumasagot, kaya nagpaikot ikot na ko sa loob habang tinatawag  sya.

Bigla naman akong napahinto nung mapadaan ako sa basement.

Dito sila nagusap ng palihim dati ni Annie, ano kayang nasa loob non?

Dahan dahan akong lumapit don.

Ewan ko ba, pero pagkahawak ko palang ng doorknob non bigla akong kinilabutan.

Unti unting lumangitngit yung pinto at kumalat ang liwanag na galing dito sa loob ng madilim na basement.

"A-ano to?" Gulat kong nasabi nung makita ko yung loob non pati yung board na puno ng mga pictures at may mga dates at details.

Tama nga ako

Tama ako sa hinala ko

Palihim din silang nagiimbestiga tungkol sa theater house.

Nakaarrange yung pictures ng crime scenes sa board according sa date na pinagganapan at sa ilalim non nakasulat yung mga details na nakuha nila.

"Anong ginagawa mo dito?" Halos malaglag ang puso nung biglang sumulpot si Ferous sa likod ko.

"Sabi ko na nga ba nagiimbestiga ka din kayo" masaya ko namang bungad sa kanya habang sya naman parang gulat na gulat yung expression ng muka.

"Pwede pala tayong maging detective buddies" sabi ko pa habang tinitingnan yung mga pictures.

"Ay, oo nga pala, hinahanap ka ni Annie nung isang araw, bakit bigla ka nalang nawala non? Pinagtataguan mo ba sya?" Tanong ko pa.

Hindi sya sumagot.

"Nacurios din kayo sa nangyari dito sa theater house dati?" Tanong ko pa sabay lapit sa isang picture "galing nito ah"

The Black-White BricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon