CASE NO. 25

33 1 0
                                    

KYLER

"Ayos ka lang?" Tanong sakin ni Cliford habang pauwi kami galing sa burol ni Kc.

Oo, wala na si Kc, di tulad ni Ginger hindi sya pinalad.

Nabundol daw sya ng isang rumaragasang sasakyan sa tapat mismo ng kanilang bahay, dahil sa mga pinsala nyang natamo hindi na sya nakaabot pa sa hospital.

Walang plate number yung SUV na nakahit and run sa kanya at sa kutob ko sinadya talaga yung nangyari, sinadyang patayin si Kc.

Pero bakit?

Bakit may magtatangka sa buhay ni Kc? Halos kasabay lang nung may mangyari kay Ginger sa school.

Parang hindi na talaga normal yung mga nangyayari.

Pero paano napapalabas na aksidente lang lahat?

Yung babae sa girl's comfort room

Yung coach nila Erfeugn

Si Ginger at si Kc.

Lahat konektado sa School, pero paano napapanatili na kalmado ang lahat sa kabila ng mga biglaang pagkamatay.

Kapanipaniwala ba talagang suicide yung nangyari sa babae sa Cr, yung sa coach nila Erfeugn totoo bang away magkaibigan ang dahilan sa panglalason sa kanya? At yung kay Ginger, paano nila nabaling sakin yung sise sa pananakit sa kanya, parang planado talaga lahat, at halos wala kang makita kahit anong butas sa mga krimen.

Sino? Sino pa ang bibiktimahin nila? Bakit nila to ginagawa? Ano ba talagang motibo nila?

Sa lalim ng mga iniisip ko, di ko namalayang nasa harap na pala ko ng theater house.

Sanay na ko na dito palagi dumidiretso kapag gusto kong magmuni muni at magisip ng tungkol sa kung ano ano.

At tsaka tuloy parin kasi yung piano lesson namin ni Kapre para sa contest na sasalihan ko next week

Bigla kong nalaglag yung violin kong hawak sa nakita ko pagkabukas ng pinto ng theater house.

Si Ferous kasi....

Si Ferous kasi nakalutang....

--- + ---
Erfeugn

"Sa tingin mo may kinalaman dito yung insidente sa theater house?" siryosong tanong ko kay Bronse habang pinagmamasdan namin yung litrato ng nangyari kay Ginger sa school.

"Sa tingin ko ibang tao ang gumawa nito" sagot naman nya kaya napatingin lang ako sa kanya "you haven't notice, all people involves here is connected to you" duktong pa nya sabay turo sa listahan ng mga cases ng pagkamatay.

--- + ---
Kyler

Okay, namalik mata lang ako, bakit lulutang si Ferous?

Naglakad na ko ng ilang step papasok.

Once lang ako nakakita ng multo, kung multo nga yun at hindi hallucination.

Nakita ko yung multo ni Kc pero ano to!? Bakit lulutang si Ferous!?

Kailan pa sya nagkaroon ng super power?

Ano ba to? Hallucination lang to diba? Masyado kasi akong stress nitong mga nakaraan, tama. Stress lang to.

Baka nagprapractice lang sya ng isang magic trick, tama magic trick lang yon.

The Black-White BricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon