KYLER
Napakagat labi nalang ako habang nagiintay sa may backstage.
Kaya ko ba to?
Ngayon na yung araw ng contest.
"Notchie!!!" masayang pagbungad sa akin ni Cliford nung makita nya ko.
Bigla nya kong niyakap at tinapik sa balikat.
"Kaya mo yan Notchie, manalo matalo okay lang yan ah" pagbibigay nya ng suporta at umalis na din sa may backstage.
Napabuntong hininga nalang tuloy ako habang pinipigilan yung panginginig ng kamay ko.
Kailangan kong manalo.
Kailangan talaga.
Kailangan maipasok na si Papa sa operating room sa lalong madaling panahon.
Napalingon ako sa tabi ko nang makarinig ng mahinang pagtikhim.
Nakalimutan kong nasa tabi ko pala si Ferous.
Magkahawak kami ng kamay pero walang malisya yon kapag kasi binitiwan ko sya hihigupin sya ng kung anong enerhiya at ibabalik sya sa loob ng theater house.
At wala akong ideya kung paano ko sya nailalabas sa force field na nagkukulong daw sa kanila sa theater house sa pamamagitan lang ng paghigit ko sa kamay nya palabas.
Napatingin lang ako sa kanya, ganon din sya na nakakunot lang ang noo na para bang ineexamine ang buong muka ko.
"weak" mahina nyang nasabi sabay tingin sa ibang direksyon.
"problema mo!?" inis ko namang nasabi, kinakabahan na nga yung tao kung makapagsabi pa sya ng weak.
Bakit ko ba kasi sya sinama dito?
"then leave my hand alone" inis pa nyang sabi.
"natatakot ako" nahihiya kong nasabi, ito kasi ang unang pagkakataon na haharap ako sa maraming tao upang magtanghal, hindi ko alam kung kaya ko.
Natatakot akong magisa.
Kaya sinama ko sya.
Kailangan ko ng kasama.
Para maibsan kahit konti yung takot ko.
Nakita ko ang pagpapakawala nya ng isang malalim na buntong hininga.
"s-sorry last na to, hindi na ko manggugulo" sunod ko pang sabi habang pinipigilang mapaiyak.
Tiningnan nya ako at hindi ko mabasa yung ekspresyon nya.
"I told you to leave my case alone" mahina nyang sabi habang nakatingin sa ibang direksyon.
"hanggang ngayon ba naman Ferous" inis kong nasabi.
Nitong nakaraang araw kasi, nakakuha kami ng death threat ni Annie na nakasulat sa isang papel na iniwan sa ilalim ng kanya kanya naming desk sa school.
Habang inaalala ko yung mga nakasulat don, napupuno ng katanungan yung utak ko.
Bakit pa sya nagbanta? Why won't they kill us right away? Who's guy that they are talking about?
"shut your mind"nagulat ako sa biglang pagsasalita ni Ferous.
Nakalimutan kong nakakabasa nga pala ng isip yung multong to.
Inirapan ko nalang sya.
"stop reading my mind" inis kong sabi
"I can't help to hear it, please give my ears some rest" sabi pa nya at pilit na binabawi yung kamay nya.
BINABASA MO ANG
The Black-White Bricks
RandomA girl named Kyler who always think that everything can be explained by science and the existence of ghost and other mysterious creature can only be found in our imaginations, but everything changed when he meet this mysterious guy and the number o...