KYLER
09.05.16
MONDAY, 10:36 AM"ano? Kamusta yung partner mo?" biglang natanong sakin ni Ela habang busy sa pagkopya ng assignment ko.
Nasa school park kami ngayon kasi vacant time namin.
"partner?" nagatataka kong naitanong at nung marealize ko yung tinutukoy nya "okay naman" tipid ko lang na nasagot habang nakatingin lang sa mga nagpufoot ball, tanaw kasi ang football court sa pwesto namin at kitang kita ko si Erfeugn na naglalaro.
Malulusaw na nga sya sa titig ko eh.
Hay Erfeugn why so gwapo?
"ayos ba sya kasama?" sunod pa nyang natanong kaya nabalik yung atensyon sa kanya, bago pa ko liparin ng imagination ko kakapantsya.
"sakto lang, teka bakit ang dami mong tanong sa kanya? Crush mo ba sya?" curious ko namang naitanong sabay balik ulit ng tingin sa may football court.
Ang dami mong tanong, naiistorbo mo ko sa isang napakagandang view.
"eeew, hindi no" mabilis naman nyang sagot na parang nandidiri na ewan "bakit naman ako magkakagusto sa kanya?" duktong pa nya.
Kaya napatingin ulit ako sa kanya, grabe naman sya, kung mapandiri kay Ferous parang may nakakahawang sakit lang yung tao.
"grabe ka naman" nasabi ko nalang sa kanya.
"muka ngang hindi naliligo yun eh" sabi pa nya "halos lahat nga ng babae sa school nakricreapyhan sa kanya, muka nga daw syang bangkay na biglang bumangon, plus sobrang dummy daw nun, muka daw basagulero at hindi gagawa ng matino, tawag nga ng iba sa kanya 'Ant headed Dummy' kasi puro bagsak daw lahat ng exams nya, wala ngang gustong lumapit don eh--"
"tapos ka na ba?" bigla kong pagputol sa mga sinasabi nya kasi ewan ko ba pero parang ako nasasaktan para kay Ferous sa mga sinabi nya.
"a-ah oo, eto na pala yung notebook mo" mabilis naman nyang sabi sabay soli ng notebook ko "tha-thank you" duktong pa nya.
"mabait na tao si Ferous, ang totoo nga nyan marami syang naitulong sa science project namin" nasabi ko naman at iniwanan ko na sya sa pwesto namin.
Grabe naman silang makapagjudge, alam kaya lahat ni Ferous yon? Ang sasakit kaya nung mga sinasabi nila.
Ang jajudge mental, pero sa bagay ganon din naman ako sa kanya nung umpisa.
--- + ---
09.05.16
5:39 PMNasa lumang theater house ako ngayon kasama si Ferous, sinisimulan na kasi naming gawin yung experiments namin.
At halos magiisang oras na walang nagsasalita samin, jusmiyo marimar mapapanisan na ata ako ng laway.
"family nyo pala yung bumili nitong lumang theater house" pagbasag ko sa katahimikan.
"We don't buy this" tipid naman nyang sagot habang nakafocus parin yung mata nya sa ginagawa naming machine.
"ah, kayo dating may ari nito?" sunod ko pang natanong
"hindi din" sagot pa nya.
"Hah!? Eh bakit nakatira ka dito?" gulat ko namang naitanong at napatingin ako sa kanya.
"gusto ko lang" sabi naman nya
"ang dami dami namang matitinong bahay dyan, bakit dito mo pa naisipan?"
BINABASA MO ANG
The Black-White Bricks
De TodoA girl named Kyler who always think that everything can be explained by science and the existence of ghost and other mysterious creature can only be found in our imaginations, but everything changed when he meet this mysterious guy and the number o...