ANNIE
"Ferous!?" Sigaw ko agad pagkapasok ko sa theater house
"Annie?" Gulat namang nasabi ni Kyler nung makita ako
Teka anong ginagawa nya dito?
Nasaan si Ferous
"Asan si Ferous?"
"A-andito--" putol nyang nasabi habang nakaturo sa isang parte ng theater house
"Niloloko mo ba ko!?" Taas kilay kong tanong nung wala akong makitang Ferous sa tinuro nya.
"T-teka, nandito lang sya kanina ah" sabi pa nya at lumapit sa pwestong yon.
"Tumabi ka nga dyan" paghawi ko sa kanya at nilibot ang buong theater house para hanapin si Ferous, pero kahit anino nya ay wala akong nakita.
"Nasaan, ba sya!? Pwede ba wag ka nang makipagbiruan sakin!?" Inis ko nang tanong sa kanya nung hindi ko parin makita si Ferous.
"H-hindi ko nga alam" sagot naman nito na parang naguguluhan na
"Okay, fine pagpalagay na nating hindi mo alam?" Sabi ko pa sabay cross arm sa harap nya "anong ginagawa mo dito sa theater house? At bakit ka tumawag kay Kuya nung isang araw?" Sunod sunod kong tanong.
KYLER
"Kasi may nakita akong pugot na ulo malapit dito" sagot ko naman
"At bakit samin ka pa tumawag!? Pwede namang dumiretso ka nalang agad sa police, hindi ba?" Sunod pa nyang tanong, feeling ko tuloy nasa isang interrogation ako sa krimeng hindi malutas lutas.
"S-sabi kasi ni---" bigla akong napahinto sa sasabihin ko nung bigla tumunog yung phone ko "teka lang" sabi ko pa sa kanya sabay sagot non.
"Xyne bakit?" Pagbungad ko agad sa tumawag, yung kapatid ko kasing bunso yun.
"A-te, si P-papa, inatake daw sa puso habang nasa trabaho, n-nasa ospital kami ngayon" pagkasabi nya non ay parang binagsakan ako ng langit at lupa.
"S-sige, p-pupunta na ko agad dyan"
Dali dali ako nagtatakbo palabas at iniwan ko lang si Annie sa loob ng theater house.
"Hoy ! Saan ka pupunta!? kinakausap pa kita!!" Narinig kong sigaw nya habang tumatakbo ako palayo.
Pagdating ko sa ospital sinalubong agad ako ni Xyne, habang si Mama naman ay iyak ng iyak sa waiting area.
Nagmamadali kong nilapitan si Mama.
"M-mam--" nagulat ako nung bigla nya kong sampalin pagkalapit ko sa kanya.
"Kasalanan mo to eh" pagsisi nya sakin habang iyak ng iyak
"Mama, hindi kasalanan ni Ate Kai yon, aksidente yon" pagtatanggol naman sakin ni Xyne
"Wag mo nga syang ipagtanggol Xyne! Bakit nandito yan!? May sinabi ba kong pumunta yan dito?" Galit pang sabi ni Mama, habang ako parang nafreeze sa kinatatayuan ko.
"T-tinawagan ko sya" sagot naman ni Xyne
"Bakit mo sya tinawagan? Sinabi ko bang tawagan mo sya!?" Galit namang sabi ni Mama kay Xyne kaya napayuko nalang ito.
BINABASA MO ANG
The Black-White Bricks
RandomA girl named Kyler who always think that everything can be explained by science and the existence of ghost and other mysterious creature can only be found in our imaginations, but everything changed when he meet this mysterious guy and the number o...