KYLER
09.06.16
TUESDAYS, 5:03 PMPagkarating ko sa may football court, nagulat ako nang walang game na nagaganap at nagkukumpulan lang yung mga tao sa isang gilid habang may tinitingnan at takot na takot.
"A-anong nangyari?" bigla kong tanong dun sa dalawang babaeng padaan na galing doon at halata sa muka nila ang pagkashock at takot.
"s-si coach patay na" tipid lang nitong sagot at nagmamadali na silang umalis
Agad agad naman akong pumunta doon at nakisingit sa kumpulan para makita kung anong nangyari.
At oo na, chismosa na kung chismosa.
Pagdating ko nakita ko lang si Annie na pinapump yung dibdib ni Sir na parang pilit pang sinasalba, pero napatigil din sya nung wala na talagang pagasa.
Tumayo na sya at pinicturan din si Sir katulad nung ginawa nya sa babae sa comfort room.
Di kalayuan sa kinatatayuan ko, nakita ko si Erfeugn mula sa crowd at kita ko sa muka nya ang pagkagulat at pagkalungkot, alam kong importante si Sir sa kanila dahil sya ng coach nila, at malaking kawalan din ito sa team nila dahil ilang araw nalang bago magsimula ang School Meet para sa football, pero alam kong mas masakit para sa kanila kasi parang tatay na ang turing nila kay Sir dahil sobrang close nila dito, lalo na si Erfeugn.
Pero bakit? Anong nangyari kay Sir? Kanina nakita ko pa syang nakikipagtawanan sa mga estudyante nya, malakas na malakas pero ngayon eto na sya at wala nang buhay na nakahiga sa harapan namin.
Nagdadalawang isip kong nilapitan si Erfeugn, alam kong kailangan nya ng makakausap tungkol dito.
"a-anong nangyari kay Sir?" nagtataka kong natanong.
Ayoko sanang itanong yun sa kanya pero bigla nalang pumasok at nangulit ang curiosity ko at di ko mapigilan.
"heart attack" tipid nyang sagot na parang naiiyak na kaya napatingala nalang sya para pigilan yung luha nya.
"inatake sya sa puso but none of you brought him to the hospital?" bigla ko naman nasabi sa inis kasi kung heart attack nga yon baka naisalba pa si Sir kung naisugod agad sya sa hospital at hindi pinagpipiyestahan nila dito na parang circus "teka pupunta ko sa clinic, tatawagin ko si nurse Ninfa baka hindi pa huli ang lahat" natataranta ko pang sabi pero pinigilan lang ako ni Erfeugn.
"May tumawag na sa kanya kanina pa, may tumawag na din ng ambulansya pati mga pulis" sabi pa nya na halatang pilit nyang kinukontrol yung emosyon nya.
Hindi ko alam kung paano ko sya ikocomfort kaya tinapik ko nalang yung balikat nya.
"so-sorry kung nagover react ako" mahina at nahihiya kong sabi.
"okay lang, atleast ikaw nageffort kahit papaano, eh sila" sabi pa nya habang nakatingin sa kumpulan ng mga taong pinagpipyestahan si Sir
"kasalanan nya to, hindi ko sya mapapatawad, that asshole" napalingon ako agad kay Erfeugn hindi kasi ako makapaniwala na sa kanya nagmumula yung mga words na yun, halatang galit na galit at bigla nalang syang naglakad palayo sa crowd nung may dumating nang ambulansya para kunin si Sir.
BINABASA MO ANG
The Black-White Bricks
De TodoA girl named Kyler who always think that everything can be explained by science and the existence of ghost and other mysterious creature can only be found in our imaginations, but everything changed when he meet this mysterious guy and the number o...