CASE NO. 24

12 1 0
                                    

Kyler

"h-hinde, w-wala akong ginagawa" naiiyak kong nasabi.

"finger print mo lang ang nakita sa mga gamit ni Ms Genova at maaari tong gamitin bilang matibay na ebidensya laban sayo" pagpapaliwanag naman nung prosecutor sa police station.

"N-nakabunggo ko sya sa daan, tinulungan ko syang pulutin yung mga bumagsak nyang libro" pagpapaliwanag ko naman.

"Hindi ko sya sasaktan, hindi ko magagawa yon" duktong ko pa.

"Pasensya na Ms. Samsom, sa ngayon ikaw ang itinuturing namin na primary suspect sa pananakit kay Ms. Ginova"

"Pero kasama ko si Notchie nung nangyari yon" biglang singit ni Cliford

--- + ---

"okay ka lang?" tanong sakin ni Erfeugn sabay abot sakin ng isang coke in can.

Tumango lang ako ng tipid sabay abot nung binibigay nya.

"s-salamat" tipid kong sagot

"Natawagan mo na ba yung mga magulang mo?" tanong pa nya habang nakatingin lang sa coke in can nya.

Napailing lang ako.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanila.

Tiniwagan na si Mama kanina ng mga pulis.

Ayoko nang maalala yung sinagot nya.

Hindi ko lang maintidihan bakit sakin nila ibinibintang lahat.

Sinaktan ko daw si Ginger dahil nalamangan nya ko sa rank, dahil hindi ko daw matanggap na wala na ako sa rank one.

Tanggap kong pangatlo nalang ako, at mas lalo hindi ko kayang pumatay.

"Ginger is still unconcious" pagbasag pa nya sa katahimikan.

Alam kong wala akong ginawang kasalanan, pero nahihiya akong magpakita kay Erfeugn ngayon.

"nasa critical condition parin sya, hindi pa alam kung successful yung operation nya" pagpapaliwanag ko naman.

Ang tanging makakapaglinis sa pangalan ko ay si Ginger lang.

Pero paano kung hindi na sya magising?

"dahil hindi pa tapos yung imbestigasyon at wala pa silang malinaw na ebidensya, pwede na tayo munang umuwi sa ngayon" pagaaya ni Erfeugn.

"P-pwede ba nating puntahan si Kc?" out of nowhere kong nasabi.

Hindi sya nakasagot agad.

"A-ah pasensya na, andyan nga pala si Sandy, sabay kayong uuwi" mahina kong nasabi.

Sobrang pathetic ko.

Bakit ko yun nasabi, wala ako sa posisyon.

"A-ah s-siguro kay Cliford nalang ako magpapasama, pasensya na" nasabi ko sabay punas ng mga luha ko sa muka, dahil kanina pa ko iyak ng iyak.

Nagulat ako nang bigla akong hawakan sa braso ni Erfeugn para pigilan.

"nakauwi na si Cliford, si Sandy din" mahina nyang nasabi.

"A-ah ganun ba, s-siguro bukas nalang ako pupunta kala Kc" nasabi ko pa at ikinawala ko na yung braso ko sa pagkakahawak nya at naglakad na palayo.

Gabi na, at parang lutang akong naglalakad papuntang kung saan.

Hindi ko alam kung anong ihaharap ko kay Xyne.

The Black-White BricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon