CASE NO. 10

27 1 0
                                    

KYLER

09.19.16
MONDAY, 7:41 AM

"Pupunta pa kaya sya?" Bulong ko habang naghihintay sa harap ng school gate namin habang dala dala yung machine kong ginawa para sa science project namin na iprepresent na mamaya.

Tama, eto na ang araw ng Science Fair, at namumuti na yung mata ko kakaintay kay Ferry (mas prefer ko syang tawaging Ferry kaysa sa Ferous, tunog parrot kasi)

Nagaway kasi kami nung Friday at hanggang ngayon, hindi parin kami naguusap, hindi din ako pumupunta sa lumang theater house at hinding hindi na talaga ako babalik doon.

Pero hindi naman sapat na dahilan yon para boykotin nya ko ngayon diba? Tsaka sya tong nagpalayas sakin na parang pusang ligaw sa lumang theater house na hindi naman nila pagmamay-ari, big day tong araw na to para sakin at alam na alam nya yon, marami akong dapat na patunayan at maraming nageexpect na maganda ang gagawin ko ngayon.

Hindi parin kasi gumagana kung machine na ginawa ko at umaasa nalang ako na dadalin nya yung ginawa nya.

Kung hindi lang naman dahil don hindi ako matutuliro ngayon dito noh, kaya ko naman magisa magpresent at hindi ko kailangan ng presensya nung Parrot na yon.

"Bakit ba ang tagal nya !!?" Medyo inis ko nang nasabi, ang tagal ko na kasing nakatayo sa school gate kahit dulo ng buhok ni Ferous wala parin akong nakikita "talaga bang hindi talaga sya pupunta!? Ganon ba talaga kasama ang ugali nya!?" Duktong ko pa at pumasok na ko sa loob ng school

Kung hindi talaga sya pupunta, Fine ! Kaya ko tong gawin mag-isa.

Pumasok ako sa isang vacant room at sinubukang ayusin ulit yung machine ko na ayaw gumana.

"Nakakainis" inis ko na talagang nasabi nung ayaw paring gumana nung machine na ginagawa ko at mas lalo pa kong nainis nung bigla kong naalala yung nangyari nung Friday "Bwiset ka talagang Parrot ka"

FLASHBACKS

"Na-nasa kusina, ikukuha ka daw nya ng maiinom" pagkasabi ko non ay nagmamadali syang pumunta sa may kusina pero bumalik din ulit sya agad na parang walang nakita doon.

"Niloloko mo ba ko!?" Mukang galit nitong tanong sakin.

"Te-teka, bakit naman kita lolokohin?" Panguusisa ko naman

"DAHIL WALA AKONG KASAMA DITO, kahit isa" sagot naman nito kaya bigla akong napaupo ulit sa coach. Sino yung nakausap ko kanina at nung isang araw?

"Pe-pero sino yung kasama ko kanina?" Tanong ko pa na parang naguguluhan "doon pa nga sya nakaupo sa may rockin' chair" pagkasabi ko nun ay bigla akong napatahimik dahil walang rockin' chair na nakaharap sa may malaking bintana.

"Pwede bang wag ka nang gumawa ng storya! Sino nangsabi sayong pumasok ka dito ng walang pahintulot at makialam ng mga gamit ko!?" sunod sunod nyang tanong at medyo napataas na ang boses nya.

"Hindi ako kusang pumasok dito okay!? Wala naman talaga kong balak pumasok dito eh, pinapasok lang ako ng Lolo mo, eto nga oh, binigyan pa nga nya ko ng kape" pagpapaliwanag ko pa sabay pakita nung mugs na binigay nung kanina.

"Can you stop lying okay, I told you na wala nga akong kasamang iba dito sa bahay!!!" Pasigaw na nyang sabi.

"Hindi nga ako nagsisinungalin, bakit ba ang kulit mo!!!? At tsaka hindi mo naman to talaga bahay, ang totoo nga nyan ikaw ang nakikitira dito ng walang pahintulot!" Nasabi ko narin sa inis dahil ayaw nya kong paniwalaan.

"Patingin ng mga gamit mo" bigla nyang utos at bigla nalang hinigit yung bag ko.

"Te-teka" pero bago pa ko makapalag naisambulat na nya lahat ng laman ng bag ko sa sahig.

The Black-White BricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon