CASE NO.05

38 1 0
                                    

KYLER

Mabilis na pumunta sila Annie at Ferous sa girl's restroom, kasalukuyan din kasi silang nasa locker at nagpapalit ng gamit nang may biglang may sumigaw mula sa comfort room.

At dahil sa curiuosity, nakisunod sunod na din ako sa kanila para tingnan kung anong nangyari at since girl's restroom yon hanggang pinto lang si Ferous habang si Annie ay nadirediretso lang sa loob.

Napakadami nang tao sa loob nung makapasok ako, kaya nakisingit nalang ako sa ibang babae na nakikiusyoso din sa loob hanggang makarating ako sa kinaroroonan nung pinagkakaguluhan nila.

Nagulat naman ako sa nakita ko.

Sa isang cubicle kasi may isang babaeng nakahandusay sa sahig at may hawak na bukas na bottle ng isang gamot.

"tumabi ka dyan!" narinig kong paghawi sakin ni Annie at agad lumapit dun sa babae, sinuot nya yung laboratory gloves namin at hinawakan nya yung pulso nito para icheck kung buhay pa.

Pero mukang huli na ata.

Nung wala na syang madetect na pulse rate nung babae, agad syang tumayo at pinicturan yung bangkay gamit yung phone nya at lumabas na ng cr.

Sinundan ko naman sya na papunta pala kay Ferous, syempre di nako lumapit sa kanila, tiningnan ko nalang sila mula sa malayo, hindi ako nagpahalata na pinapanood sila kasi baka kung ano pa isipin nila sakin noh.

May sinabi si Annie kay Ferous at pinakita nya yung phone na pinangpicture dun sa babae.

Parang ang siryoso nila sa pinaguusapan nila.

Agad silang lumingon sa paligid para icheck kung may nakatingin sa kanila at nung masecure na nila yung paligid agad sila naglakad palayo.

Tinanaw ko lang kung saan sila papunta hanggang sa di na sila matanaw ng mata ko, nagsidatingan na kasi yung mga teachers at faculty para tingnan kung anong nangyari.

Ano kayang pinagusapan nila? Obvious naman na nagsuicide yung babae ah.

Nung humupa na ang tensyon sa school pinagpatuloy na ulit yung klase pero tungkol parin don ang laman ng usapan sa lahat ng room, halos lahat na nga ng afternoon class teacher namin ay may kanya kanyang version ng pangaral tungkol sa pagpapakamatay, pero nakakapagtaka nga lang pala kasi hindi na pumasok sila Annie at Ferous sa afternoon class namin.

Tungkol naman sa babae natagpuan sa comfort room, sabi nung mga pulis na dumating, confirm daw na suicide yung nangyari, overdosed daw sa anti depressant drug, heart atery mulfunction ang possible na cause of death, at ayon naman sa mga tsismis na nasagap ko, depressed daw kasi yung babae na junior pala namin, naghiwalay daw kasi yung mga magulang non at nawala daw yung scholarship sya sa school dahil sa ilang bagsak nyang subjects.

Yung babaeng sumigaw naman ng sobrang lakas, bestfriend pala nung babaeng namatay at ngayon nasa faculty room para pakalmahin, kasi iyak nang iyak, natrauma daw at ata.

--- + ---

09.02.16
FRIDAY, 5:19 PM

Habang pauwi, bigla kong naisipang dumaan sa bahay ni Ferous, para magsorry at kausapin sya tungkol sa experiments namin.

Finally I had a courage to face him, para mawala na yung guilt na to.

Medyo takot na kong maglakad magisa kaya lagi akong nakikisunod sa mga grupo na naglalakad sa daan at nagpapanggap na kaclose sila para kunyari hindi ako magisa.

Habang papalapit ako sa lumang theater house pakonti na ng pakonti yung mga taong nakakasabay ko, kaya medyo naprapraning na naman ako.

Saktong pagtapat ko sa may theater house wala nang katok katok at agad na kong pumasok natatakot kasi akong magstay sa labas.

"Ferry !!" pagtawag ko agad pagkasara ko ng pinto pagkapasok ko "ay Ferous pala" duktong ko pa nung maalala ko yung real name nya.

Nakakailang hakbang na ko papasok pero wala paring sumasagot, hanggang nakita ko yung grand piano sa gitna.

Ewan ko ba pero parang nangati yung paa kong lapitan yon at out of nowhere bigla nalang akong naupo dun at pinagmasdan yung mga keys.

Parang may something nostalgic kasi akong naramdaman nung makita ko to, biglang may parang may tumutugtog na piece ng piano sa ulo ko, kaya unconciously kong pinindot yung isang key sa piano at nung marinig ko yun bigla nalang bumilis yung tibok ng puso ko, na parang nabuhayan ang buong katawan ko, hanggan sa nalaman ko nalang na tumutugtog na pala ko, wala akong naalalang tumutugtog ako ng piano dati pero parang bigla nalang lumalabas yung mga piece at unconciously kong natutugtog ang isang napakapamilyar na piece ng piano, parang connected sakin na ewan na parang matagal ko na tong naririnig.

"anong ginagawa mo dito" pero bigla din akong napahinto ng makarinig ako ng isang napakapamilyar na boses kaya napatayo agad ako.

"so-sorry hindi ko sinasadyang pakialamanan yung piano mo, sorry din sa pagpasok ng walang paalam" natataranta ko namang nasabi

"saan mo natutunan yung piece na yan?" parang siryoso nyang tanong.

Te-teka galit ba sya?

Baka nagtatanong lang

Pero parang galit

"tinatanong kita !!!?" bigla akong nagulat nung biglang mapalakas yung boses nya na parang galit.

Sabi na eh, galit sya

"hi-hindi ko alam, bi-bigla ko nalang natutog" natataranta na may halong takot kong nasagot

Huminga lang sya ng malalim kaya parang kumalma na sya.

"bakit ka naman nandito?" balik na sya normal.

"a-ano kasi, magso.." dapat ba kong magsorry? Eh nagsorry na ko kanina ah, pero hindi nga lang tungkol dun sa nasabi ko, pero matapos nya kong sigawan ng ganon "ay I mean para dun sa science project natin, last week na kasi natin to para gawin yung experiments, naaprove na pala ni Ma'am yung atin" pagpapatuloy ko pa.

"then let's do it fast" sabi pa nya at nilayo ako sa may piano "and don't touch it again" duktong pa nya sabay baba nung takit ng mga keys nun.

"o-okay" yun nalang nasabi "ahmm... Bakit di ka na pumasok nung hapon?" bigla ko namang natanong dahil sa curiosity

"what are the things needed for the experiments?" parang iniwasan nya yung tanong ko.

"a-ah eh" biglang akong nablanko sa biglaang papalit nya ng topic

"where's our documentation?" tanong pa nya kaya agad ko namang kinuha yon mula sa bag ko.

"e-eto" inabot ko naman yun agad

"I'll do this, go home it's already late" sabi pa nya pagkakuha nung mga papel.

"No, kahit magovernight pa ko dito para matapos yan okay lang, kaya nga by pair yan diba? Tayo gagawa" sabi ko pa, teka anong tingin nya sakin walang maitutulong sa research namin? Mamaya kasi pabayaan ko yan sa kanya tapos kapag nahirap sya bigla nyang isisi sakin na sya lang magisa gumagawa.

Sa huli, nag decide kami na sa theater house nalang kami gagawa since perfect place yung lugar nya sa experiment dahil kahit magsabog kami wala kaming masisira kasi sira na talaga yon.

To be continued....

The Black-White BricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon