Kyler
“Anak ng gulay" nasabi ko sa gulat nung makita ko yung laman ng atm card ni Ferous, magwiwithdraw kasi ako ng pangbayad nila ng electric and water bill.
Yun kasi yung pabor ng Lolo nya sakin kahapon, kasi hindi na daw nila maasikaso kasi may bisita silang dadating.
Sino kaya yun?
"1,2,3... ang daming numbers" nasabi ko pa nung sinubukan kong bilangin yon "ang yaman pala nila Ferous"
Nung makapagwithdraw nako agad na kong pumunta sa bayaran ng household bills, buti nalang maiksi ang pila ngayon kaya agad akong nakapagbayad.
At buti nalang din at nasabay sa pagbabayad namin ng bill sa bahay.
Sino kaya yung bisita nilang dadating?
Pinsan ni Ferous?
Kapatid?
Teka may kapatid ba si Ferous?
Bakit ba ko curious, buhay na nila yon.
Pagkadaan sa bayaran, dumaan muna ko sa park, dala ko kasi yung violin ko.
Bigla akong napahinto nung may bigla akong naalala.
Nakita ako ni Erfeugn na tumutog ng violin dito sa park?
Teka bakit ko sya iniisip? Move on nanga diba?
--- + ---
"one week nalang, one week nalang bago yung contest" namomoblema kong nasabi sabay subsob ng ulo ko sa desk pero bigla din akong napabangon.
"sasali pa bako? Hindi ko naman sure na mananalo ako" bulong ko pa sabay tayo sa upuan ko, as usual maaga na naman ako sa room at nababaliw na ko dahil sariliko lang nakakausap ko dahil ako palang tao sa room.
Nagpasya kong lumabas muna at magmuni muni sa school.
"ay sorry!" natataranta kong nasabi nung may mabunggo ako at nalaglag nya yung mga dala nyang libro.
"o-okay lang" tipid nitong nasabi sabay upo para pulutin yung mga nabagsak nyang mga gamit at ganun din yung ginawa ko.
"s-sorry talaga" nasabi ko pa sabay bigay kay Ginger nung napulot kong libro.
"salamat" tipid nito ulit na sagot at nagpatuloy na ulit syang maglakad papuntang room namin.
Si Ginger, may fixie cut na hair style at may eyeglasses, lagi syang tahimik at laging may binabasa, sya na nga pala yung current rank two sa year level namin.
"Hi Notchie!" nagulat ako nung biglang may umakbay sakin.
Si Cliford
"good morning!" masayang pagbati nya sakin at sumabay sya sakin na maglakad.
"where are you going?" tanong pa nya.
"a-ah di ko alam" nasagot ko nalang dahil hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta.
"a-ahm..."parang may gusto syang sabihin pero naghehesitate sya.
BINABASA MO ANG
The Black-White Bricks
RandomA girl named Kyler who always think that everything can be explained by science and the existence of ghost and other mysterious creature can only be found in our imaginations, but everything changed when he meet this mysterious guy and the number o...