KYLER
Hindi ko alam, pero paglayo ko sa court bigla nalang akong naiyak.
Self pity?
Kasi ang tanga tanga ko?
Kasi tama lahat ng sinabi ni Sandy?
Kasi pakiramdam ko nagamit ako?
Pati ba naman si Erfeugn?
I don't even know where to go now
Ayoko pang umuwi sa bahay.
Magaaway lang kami ni Mama. Maalala ko lang yung sitwasyon ni Papa.
I feel so suffocated.
Pakiramdam ko wala nakong kakampi.
The reason why I tried so hard to excel in school is to prove to my parents that I'm worth of their attention, that I'm not a worthless rat rots in their house, nagbabakasali na sana mapansin din nila ko, that they would care for me like my two siblings.
Kasi pakiramdam ko yon nalang ang silbi ko sa kanila.
Na kapag nawala ako sa pagiging top one, hindi na nila ulit ako makikita, matatago na naman ako sa anino ng mga kapatid ko.
Pero wala eh.
Kahit anong gawin ko, kahit ilang tropies at medals ang maiuwi ko sa kanila, parang kulang parin.
Ang hirap manghingi ng attention.
Ang hirap nyang pantayan.
Ang hirap humiling na sana bigyan din nila ako ng atensyon na kapantay nya.
Kahit wala na sya, eto parin ako nakikipagcompete para sa kakaunting atensyon na makukuha ko sa magulang namin lalo na kay Mama, na simula't sapul, ramdam ko naman na ayaw nya talaga sakin.
Ang unfair naman kasi, ang hirap talagang maging middle child.
Sa school naman, ang taas taas ng tingin nila sakin, feeling nila sobrang talino ko na, kasi ako ang top one sa amin.
Marami ngang kumakausap sakin, maraming sumasama at nakikipagkaibigan.
Pero alam ko, lahat yon may purpose.
May purpose na gamitin ako.
Yung tipong, dadating lang sila kapag may kailangan at pagkatapos non iiwanan ka na nila ulit.
They are not even interested in my stories, they are not even present during my hard times.
Inspite of that, I can't erase the fact that I need them too, It's hard to survive alone in the school, so I let them used me but in return I used them too.
They are just my companion labelled as my 'friends'.
Kaya kapag nawala ako sa top one.
Magiging isang bato nalang ako na tinatalisod at inaapakan sa daan hanggang madurog ng pinong pino at magiging isang alikabok.
BINABASA MO ANG
The Black-White Bricks
CasualeA girl named Kyler who always think that everything can be explained by science and the existence of ghost and other mysterious creature can only be found in our imaginations, but everything changed when he meet this mysterious guy and the number o...