CASE NO. 27

17 1 0
                                    

KYLER

"Ang tagal na pala!?" gulat kong nasabi.

Ang tagal na palang patay ni Ferous.

Bakit hindi ko napansin agad na multo na pala yung kausap ko.

SIMULA PA NUNG SCIENCE FAIR SA SCHOOL, anak ng kamote ang tagal ko na palang nagmumukhang tanga sa kanila ng lolo nya na mas matagal pang patay kaysa sa kanya.

Kailan pa nabuksan ang third eye ko huh!? Bakit hindi man lang ako nagkakagoose bumbs tuwing nakikita sila tulad nung mga palabas sa tv.

Ganoon na ba ko kamanhid!?

"may gusto lang akong itama, hindi ko sya lolo, hindi nga kami magkaano ano" iritadong pagsagot naman ni Ferous habang nakaharap sa piano nya.

Nakangiti lang na tumango yung matanda.

"hah!?" gulat ko nalang ulit na nasabi.

Kung hindi sya lolo ni Ferous? Sino sya? Kasama ba sya sa mga namatay noon sa theater house?

"ako si Cristopher Del Rosario ija, tama ka sa iyong iniisip, namatay nga ako sa dito sa theater house" pagsagot naman nya na parang nabasa yung iniisip ko.

"p-paano nyo nalaman - nababasa nyo ang iniisip ko!?" naguguluhan kong balik

"isa sa mga kakayahan naming mga naipit sa dalawang mundo ay makabasa ng isip ng tao kapag ginusto namin" nagulat ako sa biglang pagsulpot ng isang lalaki na may kahabaan ang buhok mula sa kisame. Nakalutang ito habang nakangiti sa akin.

Pansin ko ang pagtingin ng masama sa kanya ni Ferous.

"Bakit? Bistado na kayo ah, ibig sabihin pwede na kong magpakita sa kanya" defensive naman nyang paliwanag.

Matagal na din sya dito!?

"Kamusta bata, ako nga pala si--"

"Huwag kang makisali dito!" pagputol naman sa kanya ni Lolo Cristop

"Papa naman" pagrereklamo naman nung lalaki.

"Magama kayo!?" sabay namin gulat na nasabi ni Ferous.

Hindi din alam ni Ferous? Kasakasama nya dito hindi nya alam na magama sila?

"Manugang" pagtama nung matanda.

"kamusta miss, matagal na kitang gustong makausap, eto kasi si bata masyado--"

"Aalis ka dito o makakalbo ka" pagputol sa kanya ni Ferous na parang nilalabasan na ng itim na aura.

"wala namang ganyanan" pagrereklamo naman nung lalaki

Tiningnan lang sya ng sobrang sama ni Ferous.

"Fine fine" pagsuko nung lalaki at umaktong zinipper yung bibig nya.

"bukod sa nakakabasa kami ng isip, nakakakontrol din kami ng mga bagay" pagiba sa usapan nung matanda kaya nabaling pabalik muli ang atensyon ko sa kanya.

"Ang galing naman po pala, parang may super powers din kayo" amaze ko namang nasabi, pero napailing lang sya.

"bawat paggamit namin sa mga kakayahang ito ay may kapalit, kapag sumobra kami sa paggamit nito maglalaho nalang kami ng tuluyan, hindi sa langit o sa lupa, walag kabilang buhay, mawawala lang kami na walang maiiwang kahit anong bakas" pagpapaliwanag naman nya.

"Ganoon ang nangyari sa iba naming kasamahan dito" dagdag pa nung lalaki.

"bakit nahahawakan ko kayo? Nakikita? Bakit pa kayo nagstay dito sa mundo pwede namang diretso nalang agad kayo sa, sa pupuntahan nyo kung saan man yon" sunod sunod ko namang panguusisa.

The Black-White BricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon