CASE NO.29

17 0 0
                                    

KYLER

"Ano?" tanong ni Annie pagkababa ni Cliford ng phone nya.

Purong korean langguage kasi ang gamit nya habang kausap yung tinawagan nya kaya wala kaming naintindihan.

"Nevermind, pagpatuloy nalang natin pagiimbestiga dito" asar namang sagot ni Cliford, parang nagaway ata sila nung tinawagan nya.

"as long as hindi tayo napapansin nung killer, ligtas pa tayo" dugtong pa nya

Well may point sya don, kailangan lang naming maging maingat.

----

"itutuloy daw yung contest" mahinahong bungad sa akin ni Cliford pagkapasok sa classroom ko.

"talaga?" nabuhayan kong nasabi habang nagliligpit ng gamit.

"kaso inextend, ang balita ko christmas eve na daw gaganapin" pagpapatuloy pa nito.

Christmas eve?

Teka ilang days nalang ba bago magpasko? Masyado akong naokupa ng mga nangyayari sa paligid ko nakakalimutan ko na ang mga importanteng araw tulad ng pasko.

"One more month to practice Notchie" masayang pagpapaalala ni Cliford sabay hatak ng isang upuan at naupo sa katapat kong upuan.

Parehas kaming nagulat ni Cliford nang may biglang bumagsak na makapal na folder sa table namin.

"read that" blankong utos ni Annie na kakarating lang.

Nakita ko ang pagikot ng mata ni Cliford dahil doon.

Pero nawala ang atensyon ko sa kanila nang pumasok sa pinto si Erfeugn.

Sandali kaming nagkatinginan pero nagiwasan din kalaunan.

"Parang may nagbago kay Erfuegn" wala sa sarili kong nasabi.

"Ano yon Notchie?"

"H-hah!? A-eh wala. Wala akong sinasabi" natataranta kong nasagot.

Tiningnan lang ako ni Cliford na parang hindi naniniwala.

----

"omayghad may anti depressant bang ganito?" gulat na naitanong ni Cliford habang binabasa yung lab result nung isang tablet na galing sa boteng hawak nung nagpakamatay na babae sa girl's restroom sa school dati.

"tama ka nga, may nagpalit ng laman ng gamot na iniinom ni Lorraine" amaze kong nasabi kay Annie.

Lorraine ang pangalan nung babaeng namatay sa restroom.

"who will do that? At ano namang connect nung pagkamatay nung Lorraine na yan sa pagkamatay nung Ferous nyo?" curious namang naitanong ni Cliford.

"I don't know but we were solving this case when Ferous suddenly disappear" malungkot na sagot naman ni Annie.

"May natuklasan ba kayo na dapat nyong ikapahamak? May ginawa ba kayo? Kilala nyo yung pumatay kay Lorraine?" sunod sunod na tanong ni Cliford.

"yes and no, yes nakilala namin yung nagpalit ng laman ng mga gamot and no we did nothing about that" pagsagot naman ni Annie habang nakatitig sa board na puro yarn at pictures "sa tingin mo kung may ginawa kami ay suicide parin ang nakalagay sa mga record nya?" sarkastiko pa nitong duktong.

"hindi kami basta basta nakikialam, unless may kinalaman yon sa tunay naming hinahanap" naupo na muli si Annie.

"Kilala nyo na pala yung pumatay wala man lang kayong ginawa para bigyan ng hustisya yung pagkamatay ni Lorraine" naguguluhan kong nasabi.

The Black-White BricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon