CASE NO. 03

67 1 0
                                    

KYLER

Naglalakad na ko pauwi galing sa bahay nila Kapre at medyo mabilis na nga ang paglalakad ko dahil madilim na din at wala na halos tao sa daan,  siguradong sermon nila mama ang sasalubong sakin sa bahay.

Habang naglalakad may bigla akong nabunggong babae kaya napahinto ako sa paglalakad, hindi kasi ako nakatingin sa nilalakaran ko, inaayos ko kasi yung mga documents na ginawa namin.

"Sorry po"mabilis ko namang pagsosorry dun sa babae pero nanatili lang itong nakatayo sa tabi ko habang nakayuko.

Medyo nagtaka ako kaya tinanong ko sya kung okay lang sya pero hindi nya ko sinagot at nanatili paring nakatayo sa tabi ko, hanggang may narinig akong mga footstep mula sa likuran ko, ewan ko ba pero parang automatic na nagtinghasan yung mga balahibo ko.

hindi ko nalang yon pinasin at pinilit kong ibaling yung atensyon sa babae

"Mi-miss okay ka lang ba?" Tanong ko ulit sa kanya at hinawakan ko na sya sa balikat nya, pero saktong pagpatong ng kamay ko sa balikat nya ay dahan dahan...

Dahan dahan syang tumingin sakin at halos mapasigaw ako nung makita kong wala sya muka nagulat ako nang unti unti syang naagnas na parang nabubulok na bangkay hanggang sa naging abo na sya at naglaho sa harap ko.

Napasigaw ako sa sobrang takot ko at halos di na ko makagalaw sa kinatatayuan ko, hindi ko na rin alam ang gagawin lalo na nung marinig ko ulit yung mga footstep mula sa likuran ko.

Pinilit kong wag lingunin kung ano man yon at napapikit nalang ako sa kinatatayuan ko, dahil halos mamanhid na ang buong katawan ko sa takot at kahit gustuhin ko mang sumigaw ay parang walang lumalabas na boses mula sakin.

Nung mawala na ang mga footstep ay dahan dahan ko nang dinilat yung mga mata ko, pero pinagsisihan ko din yun agad at halos maubos na ang boses ko sa pagsigaw nung makakita ako ng isang lalaki sa harapan ko na hindi na makilala sa basag basag at duguan  nitong muka.

"AaaaaaaAaaaaah !!!!!" pagsigaw ko ng malakas at napadilat na ko ng mata, nagulat ako nang malaman kong nandito parin ako sa bahay nila Kapre

Naramdaman ko ang pagtulo ng pawis sa muka ko at halos di parin ako makagalaw dahil sa takot sa napanigipan ko.

"Buti naman nagising ka na" parang medyo nagaalalang sabi ni kapre sakin habang nakaupo sa tabi ko "bakit ka ba kasi natulog dito!?" medyo inis nya pang duktong.

"Panaginip, panaginip lang pala, buti nalang panaginip lang" mahina kong nasabi sa sarili ko at halos maiyak na sa takot

"Hey stop crying okay? I tried to wake you because you're screaming and now you're crying" parang inis na sabi ni Kapre sakin pero hindi ko sya pinansin at nagpatuloy parin ako sa pagiyak.

I never dreamed such a horrifying scene like that before na parang totoo talaga.

Panaginip lang yun, pero parang totoo, maybe I'm still affected about the murdered lady that I have seen few days ago.

That incident happened in front of this place

dahil sa mga thoughts na pumapasok sa utak ko ngayon, bigla tuloy akong napatingin kay Kapre.

Maybe this man knows something about that crime, and that lady is seeking for justice.

Ano ba tong nasa isip ko, that incident is not my business, I know science have better expanations for this, dreams are only dreams, pagkalma ko sa sarili ko.

The Black-White BricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon