CASE NO. 02

47 1 0
                                    

KYLER

08.22.16
MONDAY, 6:53 AM

"Anong meron dito?" nagtataka kong tanong papasok na kasi ako ng school nang makakita ako  maraming kumpulan ng tao malapit sa lumang theater house at may mga sasakyan ng pulis at ambulansya.

Sa sobrang chismosa ko nakisama na rin ako sa panguusisa pero pinagsisihan ko rin yun agad nung makakita ako ng isang bangkay ng babae na puro saksak at halata sa muka nya ang takot bago mamatay nakadilat pa nga ang mga mata nito na parang nakatitig sakin, halos magtinghasan lahat ng balahibo ko sa katawan, hindi ko naman kakilala yung babae pero ngayon palang kasi ako nakakita ng ganitong kabrutal na eksena halos maduwal na nga ako at nanginig sa takot, sinong walang kaluluwa ang gagawa ng ganitong uri ng krimen? Anong karapatan nyang kumuha ng buhay?

Nung mailagay na yung bangkay sa ambulansya unti unti na din humupa ang mga tao, sabi nila di naman daw tiga dito yung babae at baka nagkataon lang daw na natapon yung bangkay nya dito nung mga kidnapers nya.

Di parin ako makagalaw sa kinatatayuan ko, first time kong makakita ng ganun, kasi puro sa balita ko lang yun nakikita.

Pero alam kong matagal nang may nangyayari ganitong eksena sa lugar namin, sa iba't ibang lugar taon taon, pero ang sabi nila nagkakataon lang daw lahat, kasi yung ibang case suicide daw ang dahilan at hindi murder, pero pakiramdam ko may mali dito eh.

Tulala na kong nagpatuloy at halos mapraning na kakahinala sa mga nakakasabay kong maglakad, pano kung ako mapagtripan nung killer? Oh kaya isa sa pamilya ko ang sumunod, hindi ayoko, ayokong mangyari yun, lord god please protect us, halos mapapikit na ko kakapanalangin at maiyak na na parang baliw na walang dahilan, natatakot kasi ako sa nangyari dun sa babae pano kung samin mangyari yun?

Natapos ang buong araw na lutang, sabog at praning ako, halos liparin ko na nga ang daan pauwi samin eh, di lang dahil sa nakita kong crime scene kanina kundi dahil nagloloko kasi talaga yung tiyan ko, dahil ata sa peanut butter na kinain ko kaninang umaga expired na pala yun di agad nasabi sakin ni mama

5:15 PM

Saktong padaan ako sa lumang theater house nung maramdaman kong lalabas na talaga at sakto din namang papasok si kapre dun...

Di ko na talaga kaya at mukang di na talaga ko aabot nito sa bahay, kaya sobrang kinapalan ko na talaga muka ko at nagtatakbo papunta kay kapre na parang nagulat sakin

"A-ano" sabi ko na halos mamalipit na at tumagaktak ang malagkit pero malamig na pawis
"Pwe-pwede bang makitae, lalabas na talaga, please" halos pagmamakaawa ko, jusko kainin na talaga ko ng lupa, bakit sa lahat ng pagkakataon ngayon ko pa nakalimutan ang tamang term sa pakikitae na medyo formal, nauubusan na kasi ako ng words na maisip sa adrenaline rush na aking nararamdaman.

Agad naman nyang sinusian yung pinto at pinapasok I mean pumasok pala ko agad sa loob kahit walang pahintulot at naghanap na paraiso para sa papalabas kong kayamanan, pero halos mabaliw din ako nung di ko mahanap yung cr at paritparito lang ako kakahanap

"Sa kaliwa" sabi lang nya habang pinapanood lang ako

Habang ako sinunod ko lang sya, di na din kasi ako makapagisip ng matino, di ko parin makita cr

"Saan !?" Natataranta ko nang tanong kasi pakiramdam ko kasi lalabas na talaga.

Agad naman nya kong hinigit sa tapat ng isang pinto at sya na mismo nagbukas nun, habang ako parang nakakita talaga ng paraiso

"Thank you" nasabi ko nalang at dali dali na kong pumasok sa loob at naglabas ng pinakamatinding pabango sa lahat na parang fireworks sa sobrang excited lumabas.

The Black-White BricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon