--- + ---
KYLERAgad akong napasilip sa bintana nung makarinig akong may parang bumagsak mula sa labas.
"Ano ba yon?" Kabado kong naitanong habang nakahawak sa kurtina ng bintana.
Magisa parin kasi ako sa bahay, tumawag kasi si Xyne sakin kanina at baka hindi daw sila makauwi ni Mama ngayong gabi dahil kinumbulusyon na naman daw si Papa kanina sa hospital, hindi ko na nga alam ang gagawin at kanina pa ko hindi mapakali sa bahay habang iyak ng iyak.
Gusto kong puntahan si Papa.
Gusto kong makita yung lagay nya, kung okay na ba sya, gusto ko nasa tabi nya lang ako.
Pero hindi ko magawa.
Hindi ako makapunta doon.
Hindi lang dahil kay Mama.
Kinakain kasi ako ng konsensya ko.
Pakiramdam ko kasalanan ko yung nangyari.
Kung hindi lang sana ako nagpumilit noon, di sana hindi ko nadisappoint si Papa, hindi sya naistress dahil sa makasarili kong dahilan, hindi sana sya inatake sa puso, dapat sumunod nalang kasi ako.
Kasalan ko to lahat eh.
Tapos ngayon, magisa pa ko sa bahay, at kung ano anong thoughts ang pumapasok sa utak ko, exams pa naman namin bukas at hanggang ngayon wala parin akong matinong review dahil puro pagseself pity yung ginagawa ko.
Nagulat ulit ako nung makarinig ako na parang galit na ingay ng pusa mula sa labas, at ewan ko ba sa sistema ko dahil bigla nalang akong nagtatakbo sa loob ng kwarto ko, habang parang naguunahang kabayo ang tibok ng puso ko.
Natatakot ako.
Pero bakit?
Naupo ako sa pinasulok na parte ng kama ko at halos isiksik ko na yung sarili ko sa pader sabay talukbong ng kumot.
Sa sobrang pagmamadali ko, hindi ko na nabuksan pa yung ilaw sa kwarto ko kaya sobrang dilim sa loob nito.
Natatakot ako.
Gusto kong may makapitan.
Gusto kong may sumagip sakin.
Gusto kong may dumating para alisin yung takot ko.
Gusto kong may magcomfort sakin.
Pero alam kong wala, alam kong walang dadating para sa akin.
Sinubukan ko pang kalmahin yung sarili ko, pero hindi ko na to makontrol sa takot.
Napatakip na ko sa tenga ko habang paulit ulit yung ingay na ginagawa nung pusa na parang may kaaway.
Hindi ko mapaliwanag, pero pakiramdam ko mababaliw na ko sa sobrang takot sa di ko malamang dahilan.
Ayoko ng pusa, ayoko nung ginagawa nyang ingay ngayon.
Natatakot ako.
"Tama na please" nasabi ko habang tuluyan na ulit na pumatak yug luha ko habang nanginginig sa takot.
"Ayoko na" halos mapasigaw na ko "ayoko na" habang humahagulgol ng iyak "ayoko na"
"May problema ba?" Tanong sakin ni Ferous habang nakalean sa may piano habang nakaharap sakin, habang ako naman nakikipaglaban lang ng titigan sa papel na nasa harapan ko.
"Tsss... why you're still not starting?" Parang medyo naiinip na nyang tanong
Ang ingay naman nitong tao na to, hindi ako mapagconcentrate.
Ano bang ibig sabihin nung mga line na to?
Tsaka bakit may number sign pa?
Plus nakakadistract yung titig nung taong to, pakiramdam ko malulusaw na ko.
.
.
.
....Okay suko na ko, di ko talaga mainndihan.
Patayo na sana ako pero pagangat ng ulo ko parang biglang namagnet yung mata ko sa pagmumuka ni Ferous na konti nalang ang pagitan sa muka ko kasi nakalean pala sya sa bandang harapan ko habang natitig din sa papel na binabasa ko.
Ang gwapo nya, ang haba ng pilik mata nya, ang tangos ng ilong ang kinis ng balat, parang anghel.
Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakatitig sa kanya na busy sa pagbaasa at bigla nalang akong napabalintuwas nung mapatingin na din sya sakin, dahilan tuloy para malaglag ako sa kinauupuan ko.
"A-aray" pagdaing ko habang hinihimas yung bandang likuran ko na napuruhan sa pagbagsak ko.
Agad naman syang lumapit sakin
"Tsss what are you doing?" Parang inis nyang naitanong at inabot nya yung kamay nya para tulungan akong tumayo.
Pero ewan ko ba, mukang tanga ko lang yon na tinitigan.
Teka anong nangyayari sakin?
Bakit ganito?
Bakit biglang ang bilis ng tibok ng puso ko?
Ano to?
Bigla akong napahinto sa mga pinagiisip ko nung mapansin kong parang naging transparent sandali yung kamay ni Ferous.
Namalik mata lang ako siguro ako.
Bakit naman magiginga transparent yung kamay ni Ferous?
Epekto lang siguro to ng kape na ininom ko kaninang umaga, pati heart beat ko ang weird na.
Di ko alam, pero nasa instinct ko na wag abutin yung kamay ni Ferous, di ko alam dahil ba sa pride o ano.
Napansin ko yung pagkadisappoint nya sa di ko pagabot ng kamay nya, napahiya ko ata sya.
Pero bakit ganito? Ang weird talaga ng pakiramdam ko.
"A-ah, u-uuwi muna ko, a-ano b-bukas nalang" parang hindi mapakali kong nasabi at nagtatakbo nalang ako palabas ng theater house.
To be continued...
BINABASA MO ANG
The Black-White Bricks
AcakA girl named Kyler who always think that everything can be explained by science and the existence of ghost and other mysterious creature can only be found in our imaginations, but everything changed when he meet this mysterious guy and the number o...