CASE NO. 11

25 1 0
                                    

FEROUS

09.16.16
FRIDAY, 5:55 PM

"Hello Annie" pagtawag ko kay Annie sa telepono pagkaalis nung babae na yon

Sinadya ko talaga syang galitin para umalis sya matapos kong makita yung corpse sa kitchen, walang dapat makaalam sa ginagawa namin dito sa theater house

"Bakit Ferous?" Tanong naman nito agad

"Magpadala ka ng forensic dito sa theater house" utos ko agad sa kanya

"Hah!? Bakit !? May nangyari ba!? Okay ka lang ba!?" Parang natataranta naman nitong tanong

"I'm okay, I found something interesting" sagot ko naman habang nakatingin sa isang well preserve corpse skeleton sa kitchen ng theater house.

For almost months kong paninirahan dito, ngayon ko lang to nakita. Sure akong kasama sya sa mga namatay noon.

Bigla akong napatigil sa pagiisip nung matanaw ko mula sa bintana na may sumusunod kay Samson na kahinahinala, kaya bigla akong napalabas ng theater house para palihim silang sinundan.

Hindi kasi maganda yung kutob ko dito.

Sinabi ko na kasing wag na syang pumunta dito, bakit kasi ang tigas ng ulo nya.

--- + ---

6:32 PM

"Hello Ferous !? Asan ka ba? Pinapunta mo kami dito, wala ka naman" galit na tanong sakin ni Annie pagkasagot nya sa tawag ko.

"Y-you need to do me a-a f-favor" hirap kong sabi habang hawak ko ang tagliran kong may saksak at halos maligo na ko sa sarili kong dugo.

"A-ano yon Ferous!? Okay ka lang ba!? Anong nangyayari sayo bakit ganyan ang boses mo?" Natataranta na nyang tanong.

--- + ---

KYLER

09.24.16
SATURDAY, 8:08 AM

Ano kayang pinaglalaban nung Parrot na yon!? Halos buong linggo na syang hindi pumapasok, talagang pinangatawanan nya yung pangookray sakin hah.

Pero impernes may natatago din palang kabaitan yung taong yon. Akala ko talaga tuluyan na kong mapapahiya nung Science Fair, pinadala pala nya kay Annie yung ginawa nyang machine para sa experiments namin, at dahil wala na ko nun sa School, dahil sa katangahan kong hindi man lang sumilip sa school grounds kung saan ginaganap yung Science Fair bago lumayas at magself pity sa isang sulok, kaya ayon, si Annie tuloy ang napilitang magpresent ng gawa namin, pero credited parin sa pangalan namin.

Ginawan pa nga nya kami ng alibi na nafood poison daw kami kaya parehas kaming hindi nakapasok nung araw na yon.

At ayon, yung project pa namin ang napili at nanalo.

Gusto ko sanang magpasalamat sa dalawang yon, pero bigla nalang silang hindi pumasok, si Annie nagdrop daw bigla, kay Ferous naman, walang balita.

Ano kayang nangyari?

"Ay, ate magkano po to" tanong ko sa tindera ng gulay habang nakaturo sa may sayote. Inutusan kasi ako ni Mama na manindahan sa palengke para  sa pagkain namin.

The Black-White BricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon