CASE NO. 01

76 1 0
                                    

KYLER

"Class malapit na ang Science fair and as usual routine everyone is oblige to have an entry" announcement kaagad ni Ma'am pagkastart palang  ng klase

Lahat naman kami ay parang sinabuyan ng malamig na tubig na may asin.

Here comes the mkst hated event of the school year...

"At wag nyo kong masimangutan ng ganyan, be thankful dahil by pair ang science fair this year" duktong pa nya.

"Ma'am pwede po bang kami na pipili ng makakapartner namin" tanong agad nung isa kong kaklase

"NO" mabilis naman nyang sagot "having your friend as partner was also a good idea you can exchange ideas freely and had a good communication, HOWEVER a friend can also be your worst ENEMY, they know all your secrets and weaknesses they can used it to ruin you, baka puro backfights ang mangyari sa project nyo, kaya NO ang sagot ko, and I already created the list of pairs" hugot na hugot pa nyang sabi sabay dikit ng papel sa may upper right corner ng blackboard.

Magsisilapitan na sana lahat pero agad din na binawal ni Ma'am "Mamaya nyo na tingnan may klase pa tayo"

"Sobrang sayang girl, si Erfuegn na makakapartner mo naging bato pa" pagpapaalala pa ni Ela habang papunta kaming canteen

Kaklase kasi namin si Erfeugn sa Science at kanina kami na dapat magiging magkapartner sa science fair kaso nagreklamo si Sandy at pinareshuffle ulit ying list ng pairs.

kaya eto...

"Lahat talaga nakukuha ni Sandy, grabe talaga yun kung makabakod kay Erfuegn dinaig pa ang greatwall of china"duktong pa nya.

Sige Ela paalala mo pa, dagdagan mo pa panghihinayang ko

"Biruin mo yung mukang killer pa na transfer ang makakapartner mo ngayon? Pero sa bagay kayang kaya mo naman yun eh, ikaw pa, ikaw yata si miss sinalo na lahat ng talino sa mundo" duktong pa nya ulit

Mukang alam ko na pinahihiwatig nito

"Anong subject ba?" Tanong ko agad

"A-ah eh sa math sana, nakalimutan ko kasing gawin yung assignment ko kagabi" nagaalangan pa nyang sagot at inabot ko naman yung notebook ko sa kanya.

"Thank you Kai-kai" agad naman nya yun kinuha

"Bilis ah"pagbati ko naman

"Mahirap na baka magbago pa isip mo"sabi pa nya na parang natatawa sa sarili nya sabay tago ng notebook ko sa bag nya "ay, montik ko nang makalimutan may practice pala kami ngayon" duktong pa nya

"di ba sabi mo sabay tayong malalunch?" natanong ko bigla

"Sorry Kai-kai, babalik ko nalang notebook  mo mamaya" sabi pa nya sabay takbo palabas ng canteen, baliw talaga yun.

08.09.16
TUESDAY, 11:43 AM

Habang naglalunch ako magisa dahil binoykot ako ng dapat na kasabay ko, nagulat ako nung biglang umupo sa may table ko yung mukang killer naming classmate at doon sya naglunch, ako lang kasi magisa sa table na yun at pinagtritripan kasi sya nung mga lalaki sa ibang table.

Mukang okay lang naman, kaya di ko nalang pinansin at mukang ganun din sya, kaso ang awkward lang kumain para sakin, ewan ko ba pero natatakot ako sa kanya yung mix feeling na natatakot na naaawa, yung ganung feeling kaya binilisan ko nalang kumain at kunyari nagrereview nalang ako para sa next subject namin.

Pero nagulat ako nung bigla syang nagsalita

"Baligtad yung libro" sobrang lamig ng boses nya at nun ko lang napansin na baligtad nga yung libro kong pinantakip sa muka ko para kunyari nagbabasa ko, grabe effort pa naman akong umakting, nakakahiya...

The Black-White BricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon