KYLER
Hindi kinausap ni Ferous ang Kuya ni Annie sa halip ay iniwanan nya lang ko sa loob ng kanyang kwarto.
Nung binalikan ko yung linya ay putol na ito.
Marahil binaba na ng Kuya ni Annie dahil sa inip sa paghihintay.
Lumabas na ko sa kwarto at nakita ko lang si Ferous na nakaupo sa harap ng piano nya.
Pinagmamasdan nya lang ito na tila may malalim na iniisip.
Ako lang ba o parang may nagiba sa kanya?
Narinig kong tumunog ulit yung telepono sa kwarto ni Ferous at parang wala syang balak na sagutin yon kaya ako nalang ang sumagot.
Yung Kuya pala ni Annie ang tumatawag.
Sinabi lang nya na tinawag na nya sa mga pulis ang nangyari at paparating na sila upang makita ito.
Pinasabi din nito kay Ferous na tawagan sila dahil may importante syang gustong itanong sa kanya.
Pagkaraan nga ng ilang minuto, dumating na ang mga police.
Nagtaka ako nang biglang mawala si Ferous sa theater house at magisa ko lang hinarap ang mga ito.
Takot man ako habang inaalala yung itsura ng nakita ko kanina ay pinilit ko paring ikinalma ang sarili ko habang nagbibigay ng pahayag sa mga pulis na sinama ako sa may police station.
Pagkaraan ng ilang interrogation ay tinawagan na nila ang mga magulang ko para sunduin ako.
Sobrang bilis ng mga pangyayari at halos ako ay hindi din makapaniwala.
May namatay na naman sa lugar na namin at mukang walang parin sa kaalaman ng mga pulis ang motibo ng mga pagpatay at kung sino ang walang pusong kriminal.
--- + ---
09.27.16
TUESDAY, 11:46 AM"Hinintay kita kahapon, bakit hindi ka nakapunta?" Biglang tanong sakin ni Erfeugn habang magkaharap kami sa table sa school canteen.
Sumabay kasi sa sakin kumain si Erfeugn.
"Saan mo sya inintay Ef?" Biglang singit ni Sandy na sumabay din saming kumain
Ef, tawag ni Sandy kay Erfeugn.
Kaya ang awkward tuloy sa table namin.
"Sa music room" sagot naman nya
"Kaya ba hindi mo ko sinamahang umuwi kahapon?" Taas kilay na tanong naman ni Sandy sabay tingin sakin ng masama.
"May driver ka naman Sandy" sagot naman ni Erfeugn habang ako nakatingin lang sa kanilang dalawa.
Maganda si Sandy parang model ang katawan at sikat din sya school.
Si Erfeugn naman matangkad, medyo may kasingkitan kasi may lahi silang koreano, sobrang puti at di mapagkakaila na sikat din sya sa school
Bagay talaga sila.
Halatang asar na inirapan lang ni Sandy si Erfeugn at pinagpatuloy nalang ang pagkain nya.
Kaya tumahimik na sa table namin habang pinapaligran ng awkward na aura.
Di ako makapagsalita, ewan ko ba bigla nalang umaatras ang dila ko kapag kaharap ko si Erfeugn.
BINABASA MO ANG
The Black-White Bricks
РазноеA girl named Kyler who always think that everything can be explained by science and the existence of ghost and other mysterious creature can only be found in our imaginations, but everything changed when he meet this mysterious guy and the number o...