--- + ---
UNKNOWN PERSON10.01.16
SATURDAY
8:00 PM"N-nanakita nyo ba yung anak ko?" Balisa kong tanong sa isang babae na napadaan.
Tiningnan nya lang ako na parang nadidiri at niliagpasan lang ako.
B-bakit hindi nya ko sinagot!?
Alam nya kung nasaan ang anak ko.
Namamdali ko syang sinundan at hinawakan sa braso.
"Nasaan ang anak ko!? Ilabas mo ang anak ko" galit kong pagpigil sa kanya habang mahigpit na hinawakan yung braso nya.
"Ano ba nasasaktan na ko" inis naman nyang sabi habang pilit na binabawi yung braso nya sa pagkakahawak ko "hindi ko alam kung nasaan ang anak mo" duktong pa nya.
"Sinungalin ! Ilabas mo ang anak ko!!" Mas galit kong sabi at mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa braso nya at halos bumaon na yung kuko ko sa balat nya dahilan para mapasigaw na sya.
"B-baliw ka! Bitawan mo ko" sabi pa nya na parang takot na takot na.
Bakit sya natatakot?
Nasa kanya nga ang anak ko.
"Ilabas mo ang anak ko!!" Pagpupumilit ko pa at mas lalo ko pang hinigpitan yung pagkakahawak ko sa kanya at kita ko na ang pagsirit ng dugo nya mula sa balat nya na pinagbabaunan ng kuko ko.
"Tulong!!!! Tulungan nyo ko!" sigaw na nya at halos mamalipit na sa pagkahawak ko. "M-maawa ka, wala sakin ang anak mo, hindi nga kita kilala eh, bitawan mo ko" pagmamakaawa pa nya.
"Sinungalin ka!!!!!" Parang wala sa sarili kong nasabi at tinulak ko sya ng malakas dahilan upang mapasandig sya sa isang nakausling bakal.
Blaaaag !
Kitang kita ko kung paano tumusok sa katawan nya yon at kung paano sya sumuka ng dugo habang nakatitig lang sakin at halata sa muka nya ang pagkatakot.
"Asan ang anak ko" tanong ko parin sa kanya sabay sakal sa leeg nya pero hindi na sya sumasagot.
"Asan ang anak ko!!!" Tanong ko pa habang hinihigpitan yung sakal sa kanya.
"Nasaan!!!!"
"Ilabas mo sya!!!"
Nung mapansin kong hindi na sya gumagalaw ay bigla akong napabitaw.
Napatig lang ako sa katawan ng babae na parang lechon na tinusok ng bakal sa katawan nya.
"N-nasaan ang anak ko?" Mahina ko nalang na nasabi habang hinihimas yung kamay kong puno ng dugo ng babae at mabagal na nagalakad paalis.
"Nasaan ang anak ko?"
--- + ---
KYLER10.03.16
MONDAY
6:45 AM"May bago na namang namatay!?" Gulat kong nasabi habang palihim na nakikinig sa tsismisan ng mga kaklase ko, dahilan upang mapatingin sila sakin.
BINABASA MO ANG
The Black-White Bricks
RandomA girl named Kyler who always think that everything can be explained by science and the existence of ghost and other mysterious creature can only be found in our imaginations, but everything changed when he meet this mysterious guy and the number o...