CASE NO. 22

26 1 0
                                    

X

DECEMBER 24, 2006
8:00 PM

THEATER HOUSE

Lahat nakangiti, lahat masaya, parang isang lugar na walang kalungkutan.

Binabalot ng tunong ng piano at violin ang paligid, parang harana sa lahat ng tao sa kasiyahan, isang napakagandang kumbinasyon, kasabay ng pagkislap ng ilaw sa mga  maladyamanteng  dekorasyong nakasabit sa kisame.

Lahat nakasuot ng nagagarbong damit, puro halakhakan at batian.

Bata, matanda lahat ay halatang sabik sa magaganap na programa.

Gabi bago ang pagsapit ng pasko.

Magkakasama ang bawat pamilya.

Parang isang napakagandang paniginip

At hindi ko lubos maisip kung paano ito napalitan ng isang napakasamang bangungot.

Bangungot na sisira sa lahat, bangungot na uubos sa ngiti ng mga taong inosenteng nagdiriwang lamang ng masayang okasyon kasama ng kani-kanilang pamilya.

Ako ba ang may kasalanan ng lahat?

Kasalanan ko bang palayain sya?

Kasalan ko bang iligtas sya?

Na ang kapalit ay buhay ng lahat ng taong nagtipon lamang para sa kaunting kasiyahan na magaganap lamang minsan sa isang taon.

Kasalanan ko ba?

May karapatan din syang lumigaya, may karapatan din syang maging masaya.

--- + ---
KYLER

10. 04. 16.
TUESDAY

Habang naglalakad ako sa corridor, damang dama ko ang pagkakaiba ng paligid, rinig na rinig ko ang bulungan nila na parang lumulusaw sa buong pagkatao ko, pati na din ang mga tingin nila na hinuhusgahan pati ang kaluluwa ko.

Ang ilang minutong paglalakad ko papuntang classroom ay parang eath march na pang habang buhay.

Alam kong mangyayari to.

Pero hindi pa ko handa.

"Notchie !!!!!" Narinig kong sigaw ni Cliford habang patakbong sinasalubong ako.

"Kamusta? Okay ka na ba?" Tanong nya sakin habang tinitingnan lahat ng bandage ko sa katawan

"O-okay lang ako" na-aawkwardan kong sagot.

"Good" masaya nyang sabi at sinabayan nya kong maglakad habang kinukwentuhan nya ko tungkol sa buhay nya, at yung mga bulungan at mga tigtig kanina ay unti unti nang naglaho sa pandama ko.

Pagbukas ko ng classroom, nagulat ako nung may makita akong nakapatong sa desk ko.

Kaya nilapitan ko yun.

Sa itsura palang ng pagkakabalot non alam ko na agad ang laman.

"Do you like it?" Tanong nya sakin

The Black-White BricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon