CASE NO. 15

18 1 0
                                    

FEROUS
(Theater House, 10 years ago)

"Huwag kang bibitiw" sigaw ko sa kanya habang hawak ko ang kamay nya habang nakabitin sya sa may balcony.

"Natatakot ako" sigaw din nya habang umiiyak

"Ililigtas kita, huwag kang bibitiw" sabi ko pa habang pilit syang hinahatak pataas.

"Hindi ko na kaya" sabi pa nya at unti unting lumuluwag ang pagkakahawak nya sa kamay ko.

Hanggang may biglang may sumabog dahilan para mabitawan ko sya ng tuluyan.

"Annie !!!!" Sigaw ko habang pilit syang inaabot habang nahuhulog sya mula sa balcony sa loob ng theater house.

Hindi sya sumigaw sa halip ay nakatitig lang sya sakin habang nahuhulog.

Kita ko sa mata nya ang takot

Kitang kita ko din ang pagbagsak nya sa sahig ng lobby, kitang kita ko ang pagtama ng ulo nya sa sahig hanggang mawalan sya ng malay.

Wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak ng umiyak at sisihin ang sarili ko.

Nakakagulo na sa paligid habang ako ay nanatiling nakatingin parin sa kanya na duguan at walang malay na halos matabunan na ng mga taong nagtatakbuhan dahil sa sunog.

Para kong nauubos na baterya at gusto ko nalang tumalon mula sa balcony at samahan sya.

Pero wala akong magawa kundi ang umiyak.

Napakahina ko.

--- + ---


KYLER

"Hoy Feruya, hindi ka ba kumakain?" Tanong ko nung makita ko yung laman ng refrigerator nya, kung ano kasi yung laman nung last time kong buksan ganon parin yung laman.

Hindi nya ko pinansin at pinagpatuloy parin nya ang pagtugtog sa piano nya.

"Tingnan mo, expired na yung iba" sabi ko pa sabay labas nung ilang pagkain.

"Talagang nagpapakamatay ka na noh?" Tanong ko pa sabay lapit sa kanya.

Pero sinagot lang nya ko ng isang matalim na tingin.

"Okay, tatahimik na" sabi ko pa sabay aktong siniper yung bibig ko.

"Saan ka natutong magpiano?" Tanong ko pa habang nakatayo sa bandang likuran at kumakain nung pagkaing kinuha ko sa refrigerator nila.

"Tinuruan sya ng mga magulang nya" nagulat ako nung biglang sumulpot yung Lolo ni Ferous.

"Kayo po pala, hello po Lolo" pagbati ko naman dito sabay mano "a-ah nagutom po kasi ako k-kaya nakialam na ko sa ref nyo" pagpapaalam ko pa sabay pakita nung pagkaing hawak ko.

Ngumiti naman ito "ayos lang yon Iha, ituring mo na ring bahay ito" sabi pa nya habang nakahawak sa tungkod nya.

"Narinig mo yon Feruya?" Pangaasar ko pa, dahilan upang mapatigil na sya nang tuluyan sa pagtugtog.

Si Lolo naman pumasok sa isang kwarto.

"Wala ka bang ibang gagawin kundi makikain dito?" Tanong pa nya na halatang asar na.

"Ay, grabe ka naman, nanghinayang lang ako sa pagkain, malapit ng maexpired" sabi ko pa sabay pakita yung expiration date sa kanya.

The Black-White BricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon