KYLER
09.09.16
7:36 PM"bwiset na buhay to oh" inis kong nasabi habang ginagawa parin yung machine namin para sa experiment.
Nakakailang ulit na kasi ako kakaayos dito ayaw paring gumana, pundi na kaya yung ilaw na ginagamit ko?
Anong pundi, ni hindi nga yun umilaw eh.
"Kai di ka pa ba matutulog?" tanong sakin ni Papa pagkalabas nya sa pinto ng bahay namin, sa car garage kasi ako gumagawa.
"maya maya na po Pa" sabi ko pa habang may pinipihit na turnilyo sa ginagawa ko.
Napangiti lang si Papa at lumapit sakin.
"Ano ba yang ginagawa mo?" curious nyang natanong.
"machine po Pa, para sa research namin" sagot ko naman.
"ganun, ano naman ang ginagawa nyan?" tanong nya pa habang iniikutan yung ginagawa ko.
"ah, gusto po kasi naming makakuha ng electricity mula sa methane gas na pinoproduce ng mga basura, eto pong machine ang taga convert ng methane gas into mechanical energy hanggang maging electrical--"
"Okay na" sabi ni Papa habang nakangiti "Galing talaga ng anak ko" duktong pa nya.
"ayaw nga pong gumana eh, sinunod ko naman yung procedure, nakakainis" pagrereklamo ko naman.
Napangiti ulit tuloy si Papa.
"kaya mo yan" sabi pa nya sabay patong ng kamay nya sa balikat ko kaya napangiti din tuloy ako.
"Opo Pa" sabi ko pa.
"Oh sya matutulog na kami ng mama mo, matulog ka narin ah, wag masyadong magpupuyat may pasok ka pa bukas" sabi pa nya at naglakad na sya ulit papasok.
"Opo Pa" sagot ko naman at nagpatuloy na ulit ako sa ginagawa ko.
Dapat ako ang maunang makatapos kesa kay Ferous at ipapamuka ko sa mayabang na yun na kaya ko ding gawin to ng magisa.
--- + ---
09.10.16
SATURDAY, 9:56 AM"bakit hindi ka pumunta dito kahapon?" salubong agad sakin ni Ferous pagkapasok ko palang ng theater house.
"Aba, himala ata---" bigla akong napatigil nung mapatingin ako sa kanya.
Teka si Ferous ba tong kaharap ko?
Bakit ang gwapo nya bigla?
Siguradong Matatameme nyan yung mga judgemental na mga babae sa school pagnakita sya.
Kamuka pala nya si Jack sa titanic, oh naisip ko lang yun kasi kabuhok na nya yun ngayon.
"yung bibig mo" sabi naman nya at hindi ko alam kung nagbibiro ba sya oh siryoso talaga yun, ang pocker face kasi nung isang to.
Agad ko namang isinara yung bibig ko.
Oo na napanganga na ko kasi di ko sukat akalain na gwagwapo pa ng ganito si Ferous noh.
"I already finished the experiment" cold tone nyang sabi at naglakad na sya papunta sa isang pinto.
Pero napahinto din sya nung malaman nyang di ako sumunod sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Black-White Bricks
RandomA girl named Kyler who always think that everything can be explained by science and the existence of ghost and other mysterious creature can only be found in our imaginations, but everything changed when he meet this mysterious guy and the number o...