KYLER
09.12.16
MONDAY, 7:12AMOooooookay? Anong nangyayari dito? Bakit sila napapatingin sakin? Bakit nila ko nginingitian? Bakit sila naggugood morning sakin? Dahil ba sa bagong suot kong watch ngayon? Mura ko lang naman to nabili ah?
Naglalakad kasi ako ngayon sa may hallway papuntang class room, at pansin ko lang, simula nung pumasok ako sa school lahat halos ng nakasalubong kong babae napapatingin sakin na parang gulat na gulat at nagugood morning pa.
Bakit? may dumi ba ko sa muka? May muta ba ko sa mata? Palihim kong tiningnan yung sarili ko sa reflected glass window ng isang classroom na nadaanan ko at nagulat ako sa nakita ko.
"Kaya naman pala" Inis kong nasabi at agad akong lumingon sa likod ko.
"Kanina ka pa ba dyan!?" Medyo inis kong nasabi nung makita ko yung pagmumuka ni Ferous,natanaw ko kasi sya pagtingin ko sa salamin, kasunod ko pala syang naglalakd, habang nginingitian ng mga babae.
So hindi pala ako yung sinasabihan nila ng good morning!?
Napahinto lang sya sandali at tiningnan lang ako with his blank looking face at nagpatuloy na ulit sya paglalakad papasok sa room.
Okay, nagevolve lang sya, di na sya namamansin ah!
"Teka? Kailan nya ba ko pinansin? Eh lagi nga yon mukang kapreng bagong gising" pabulong kong nasabi at naglakas na din ako, papasok ng room.
"Hi Ferous, may assignment ka na sa Science?" Tanong nung isa kong kaklase kay Ferous, si Ella
Pero sinagot nya lang sya ng blankong tingin.
"Ah Ferous, may dala ka bang libro sa English? Naiwan ko kasi yung akin eh" pagsingit naman ni Kc
"Ferous saan ka nagpagupit? Magpapagupit din kasi ako?" Tanong naman ni Christine na parang nakikipagkompetensya sa dalawang nauna.
"Ano ba, ako unang nagtanong sa kanya ah" pagawat naman ni Ella sa dalawa at hinarang pa ang dalawa nyang kamay.
"Wala naman dun yon noh!?" Inis namang nasabi ni Christine
Habang si Kc lumapit na sa table ni Ferous
"Dala mo yung book mo sa English, pwedeng makahiram?" Tanong lang nito na parang walang pakialam sa dalawang kaklase kong malapit ng magaway, sabay ngiti na parang nangaakit.
Pero wala padin, di sila pinapansin ni Ferous
"Tssss, ang iingay, di na ako mapagreview" inis ko namang nabulong habang nagpliflip ng mga pages ng notebook ko.
Nagpagupit lang at nagmukang malinis yung tao, grabe na kung magpacute yung mga babaeng to, nasaan na yun 'Ant Headed Dummy' nilang tinatawag? Hay sarap maging bitch ngayon at ibunyag yung mga pinagsasabi nila kay Ferous dati, mga judgemental kasi.
"Ferous magusap tayo" biglang singit ni Annie pagkapasok nya sa room, tumayo naman si Ferous at lumapit sa kanya at sabay silang lumabas ng room.
Kaya ayon, natahimik yung mga maiingay kong kaklase.
"Hay, ang swerte naman ni Annie, kaclose nya si Ferous" biglang bulong nung isa
"Syempre galing sila sa isang school noh" Sagot naman nung isa.
"Grabe ang gwapo pala nya noh?" Sabi pa nung isa habang parang kinikilig na ewan
"Oo nga eh, sana pala dati palang kinaibigan ko na sya" biglang singit ni Kc sa kumpulan ng ibang mga babae sa bandang haparan ko.
BINABASA MO ANG
The Black-White Bricks
AlteleA girl named Kyler who always think that everything can be explained by science and the existence of ghost and other mysterious creature can only be found in our imaginations, but everything changed when he meet this mysterious guy and the number o...