CASE NO. 26

17 1 0
                                    

KYLER

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa loob ng theater house at maggagabi na nung magising ako.

Kaya dali dali akong napabalingtuwas na napatayo at agad na tiningnan yung phone ko.

Anak ng palaka alas 6:30 na pala, at may tatlong unread messages pa ko.

Bubuksan ko na sana yung unang message nung may mapansin akong nakatayo sa harapan ko.

Sa pagkakaakala kong si Ferous yun, mabilis ko itong nilingon habang nakangiti.

Ngunit nawala ang mga ngiting yon nang makita ko ang lolo  nya sa halip na sya.

"G-good afternoon po, pasensya na po at ginabi na ako dito, nakatulog po kasi ako" nahihiya kong nasabi sabay kuha ng bag ko sa gilid.

Tumango lang ng tipid yung matanda.

"s-sige po uuwi na ko" sabi ko pa at nagsimula na kong maglakad papuntang pinto.

"Gusto mo syang makita?" malumanay nyang biglang tanong sakin kaya napalingon ako pabalik sa kanya.

Nasalubong ko lang yung maamo nyang mga mata na nakatingin sakin.

Hindi ko maipaliwanag pero parang may halong lungkot at pangungulila ang mga mata nya.

Siguradong alam nya yung nangyari kay Ferous. At kung ano na sya.

Pero bakit nya nilihim? Baka hindi din nya alam katulad ko?

"sya lang ang makakasagot sa mga katanungan mo" sabi pa nya na parang nabasa yung iniisip ko.

"Nasa balkunahe sya sa ikatlong palapag" pagkasabi nya non ay bigla nalang syang naglaho na parang usok.

MULTO NA RIN BA YUNG LOLO NI FEROUS!?

Bago pa mapuno ng katanungan ang isipan ko at kainin ng pagkalito at takot ang buong katawan ko, dali dali kong tinahak ang daan patungong ikatlong palapag.

Sa may balkunahe, nakita ko kaagad ang isang binatang tahimik na nakaupo habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw na tila ba ay may malalim itong iniisip.

Naglakad ako ng maliliit patungo sa direksyon nya.

Narinig ko ang pagpapakawala nya ng isang buntong hininga nung mapalingon sya sakin.

Parang ayaw nya kong makita.

"Are you not afraid?" salubong nya agad sa pinakawalang buhay nyang tono.

"Bakit? Dapat ba?" naguguluhan kong naitanong at pinagpatuloy ko lang ang paglapit sa kanya.

Sinagot nya lang muli ako ng isang malalim na buntong hininga.

Tumabi ako sa kanya at pinagmasdan ko din ang kagandahan ng tanawin matatanaw mula sa kinaroroonan namin.

Ang berdeng kaparangan na tila kinakain ng gintong sinag ng papalubog na araw. Ang mga bulto ng ulap na sinakop ng nagaagawang kulay ng asul at kahel.

Ang banayad na pagundayog ng mga puno at paglipad ng mga grupo ng ibon.

Napakapayapa.

"hindi mo ba ko papaalisin tulad ng lagi mong ginagawa?" sarkastikong pagbasag ko sa katahimikan.

Pero nanatili paring diretso ang mga mata nya sa tanawin.

Kaya napabuntong hininga nalang din ako.

Nanatili kami sa ganong posisyon ng mga ilang minuto at dinamdam ko lang ang sensasyong dala ng kapaligiran.

Hindi ako sanay na ganito kami.

The Black-White BricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon