CASE NO. 13

17 1 0
                                    

KYLER


09.26.16
MONDAY, 5:07 PM

"Pupunta ba ko sa Music Room o hindi?" tanong ko sa sarili ko habang naglalakad palabas ng classroom.

"Okay sige pupunta na nga ako" sabi ko pa habang naglalakad na papuntang music room.

Ano ba kasing inaarte ko? Gusto ko naman talagang makita si Erfeugn na tumugtog ng piano.

"Okay, bawal mamula, bawal matameme, normal lang Kai, umarte kang normal" pagkalma ko sa sarili ko pagtapat ko sa pinto nung music room.

Pabukas na sana ko ng pinto nung makarinig ako ng bosesng babae mula sa loob.

Kung hindi ako nagkakamali, boses ni Sandy yon at kasama nya si Erfeugn sa loob at nagtatawanan sila.

Bigla akong napaatras.

Ewan ko ba pero nasaktan ako.

Pero bakit? Lagi naman silang magkasama ah?

Bakit ngayon ka pa nagdradrama dyan Kai!?

Kasi akala mo ikaw lang ang makakakita sa kanya tumugtog?

Umasa ka na sayo lang nya sinabi na lagi sya sa music room?

Umasa ka na sayo nya sinabing tumutugtog sya ng piano?

Umasa ka na special ka sa kanya?

Asa ka kasi ng asa eh, pasampal ka naman sa katotohanan, di lahat ng may crush sa crush nya, nagugustuhan din sya. Di to fiction, totoo to. Hindi to storya sa story book.

Sa sobrang bigat ng nararamdaman ko, umalis nalang ako at hindi na tumuloy.

Mukang hindi na din kasi ako kailangan ni Erfeugn kasi kasama nya na ulit si Sandy.

Feeling ko tuloy nabusted ako ng sampung beses.

--- + ---

5:36 PM

Habang naglalakad ako pauwi, bigla akong napahinto nung may mapansin akong kakaiba sa gilid ng damuhan na dadaanan ko.

Hindi ko nga alam kung lalapitan ko yun oh hindi, kasi baka mamaya kung ano pa yung makita ko.

Pero dahil sa kulit ng curiosity ko dahan dahan akong lumapit doon

Parang buhok kasi ng tao yung nakita ko.

Papalapit na ko doon nang bigla akong napahinto sa sobrang kaba.

Baka mamaya kasi bangkay yung makita ko.

Pero baka pinagputulan lang yun ng buhok?

Grabe naman, nagpakalbo siguro yung may ari non, ang haba kasi nung buhok.

Baka itim na pusa lang.

Habang papalapit ako, unti unting luminaw yung image sa damuhan.

Bakit may kulay pula?

The Black-White BricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon