CASE NO. 04

42 1 0
                                    

KYLER

08.29.16
MONDAY, 6:02 PM

"sigurado ba kayo sa nakita nyo?" tanong samin nung pulis na nagbabantay sa police station

Doon kasi kami agad dumiretso ni Annie pagkayari nya kong iligtas.

Tama, si Annie nga yung bago naming kaklase, at maski ako hindi ko rin alam kung anong ginagawa nya doon at bigla nalang syang sumulpot.

Hanggang ngayon nanginginig parin ako sa takot at hindi parin makausap ng matino kaya si Annie nalang lahat sumasagot sa mga tanong ng mga pulis.

Pagkaraan ng ilang minutong pagtatanong ng pulis kay Annie, lumapit sya sakin at tumabi sa kinauupuan ko.

"dumiretso ka nalang sana ng uwi kanina" parang inis nyang sabi sa akin "di sana, hindi ka nainvolve dito" duktong pa nya.

Umalis din sila matapos maconfirm ng pulis sa prisinto yung nagyari sa may abandonadong ricemill at sinamahan sila ni Annie na pumunta doon, habang ako naiwan lang sa police station habang iyak ng iyak at nanginginig parin sa takot.

Di ko kasi lubos maisip na magkakatotoo pala lahat ng iniisip ko, nangyari nga at montik pa kong mapahamak kanina kung hindi pa ako hinigit palayo ni Annie kanina.

Nagulat ako nang biglang dumating sa Ferry sa police station at lumapit sakin.

"a-anong ginagawa mo dito?" nagtataka kong bungad na naitanong.

"let's go" pagaaya nya sakin sabay hawak sa braso ko.

"te-teka bakit ako sasama sayo? Paano mo nalaman na nandito ako?"sunod ko pang naitanong

"Annie texted me to pick you here, this place is not safe anymore" ngayon ko lang kasi narinig na magsalita si Ferry ng may emosyon, parang nagaalala sya na ewan, kaya mas lalo akong natakot, anong nangyayari? Bakit sila nagkakaganyan? Bakit parang may alam sila tungkol sa mga pagpatay?

Sa sobrang gulo ng isip ko wala akong nagawa kundi umiyak, ayoko pa naman na may nakakakita saking umiiyak kasi pakiramdam ko ang liit liit at ang hina hina ko, pero hindi ko kasi mapigilang matakot para sa sarili ko at sa pamilya ko, paano kung namukaan ako nung killer? Paano kung ako ang isunod nya? Pano kung idamay nya pa pati pamilya ko?

"hey, stop crying okay? Everything is fine" sabi pa nya na parang naiinis na sa pagiyak ko.

Pero hindi ko sya pinansin at nagpatuloy parin ako sa pagiyak, everything is fine? Don't fool me, I know he just said that to comfort me, but it's not working.

"tsss, I think we should go to the hospital instead, you need to consult a psychiatrist, you're in trauma" sabi pa nya sabay higit sakin patayo sa kinauupuan ko.

"No, hindi ako nababaliw okay? Pero pano kasi kung nakilala ako nung killer? Paano kung idamay nya ang pamilya ko!?" inis ko namang nasabi sa kanya.

"hey what are you saying?" parang naguguluhan nyang naitanong "killer? Stop thinking like a psyco okay? You only bothered yourself too much" duktong pa nya.

"bothering too much? Sa bagay ano nga bang alam mo? Wala ka namang pamilyang ipagaalalang mawala? paano mo ko maiintindihan?" parang wala sa sarili kong nasabi kaya natahimik lang sya.

Napasobra ata ako sa sinabi ko, ang kulit nya kasi eh.

"Ferous, I thought you already sent her home?" tanong ni Annie nung makabalik na ulit sila nung mga pulis.

Agad ko naman silang sinalubong "nahuli na ba yung killer? Yung babae kamusta yung babae?" agad ko namang naitanong

"killer? Babae?" parang nagtataka nyang balik na naitanong sakin.

The Black-White BricksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon