Chapter 1
*Xena Harvelle Dizon**BOG* *BOG* *BOG*
"Heto na! Saglit lang!" Sigaw ko habang namamadaling suotin ang towel ko. Wala pa akong ten minutes gusto na akong paalisin sa banyo samantalang, kanina lang kagagaling niya lang dito.
"Hoy! Bilisan mo! Ano ba!" Sigaw sakin ng pinakakontrabidang tao sa buhay ko. Ang pinsan ko.
Binuksan ko ang pinto nang padabog, "Bakit ba sobrang tagal mo?!" Bungad sakin ni Joanna.
"Sobrang tagal!? Eh wala pa nga akong ten minutes dito! Ikaw naka-ilang balik ka na dito! Ano ka ba, Banyo Queen!?" Hirit ko naman sa kanya. Akala niya 'di ako lalaban!? 'Di ako ganun pare!
Tinaboy niya na lang ako palabas. Guilty siya eh, totoo naman kasi.
Dumiretso na agad ako sa kwarto ko at nagbihis, buti na lang maaga pa ako, maya pang 7:30 yung interview.
Tinignan ko ang orasan ko, 6:30 pa lang. Walking distance lang naman 'yong pag-aaply-an ko kaya 'di ko kailangan magmadali.
Tumingin ako sa salamin habang nagsusuklay. "Hay, kung ano ang ikinaganda ng pangalan mo, siya namang ikinataba mo." Ito ang dahilan kung bakit 'di ako matanggap-tanggap sa trabaho. Ginawa ko na lahat, nagda-diet ako pero mas lalo lang akong tumataba. "Makababa na nga."
"Tita! Alis na po ako." Pagpaalam ko sa aking Tita Alice.
Bigla siyang lumapit sa akin at binigyan ako ng pera, "Ingat ka ha, kung matanggap ka man o hindi, ayos lang sakin 'yon ha. Uwi agad okay?"
Tumango naman agad ako, "sige na tita, sana matanggap na ako. Bye!" Sabi ko habang kumakaway palabas ng gate.
Ito na 'yon! Sana itong pam- walong beses maging swerte na.
Maya-maya pa'y 'di ko namalayan na nandito na pala ako.
AXEL MOBILE CO.
Pangalan pa lang, napaka-prestigious na. Fight, Xena! Fight!
Pagpasok ko sa glass door nila, nalula na ako sa dami ng taong nag-aapply. Napalunok na lang ako dahil sa dami nila, umabot na sila hanggang sa pinto.
"Excuse me po, dito po ba pipila agad?" Tanong ko doon sa mukhang supladitang clerk. Punong-puno ng make-up tapos ang kapal ng kilay, uso na ba 'yan ngayon!?
"Yes. Just fall in line." Tipid na sagot niya sakin. Sabi na eh, napakasupladita talaga.
Pumila na agad ako, buti na lang nakaupo habang nakapila, atleast 'di ako mapapagod kakatayo.
Kinuha ko ang headphones ko at nag-start nang mag-play ng music. Iba ka talaga, Taylor Swift! Napapagaan mo pakiramdam ko sa malambing mong boses.
Maya-maya pa'y may biglang nagtanggal ng headphones ko, "Ay! Ano ba!?" Bigla akong napatigil, ang dyosa naman nito.
"Hello, dito ba ang pila?" Parang mala-anghel ang boses niya. I wish may ganyan akong boses pag nagsasalita. Para akong lalaki pag nagsalita na eh.
"Yes, miss. Actually, ito 'yung dulo ng pila." Then I give her my bright smile. Ganda eh! Pero 'di ako tomboy ha, nagagandahan lang talaga ako.
She smile back and sat beside me, "Dami nating nag-aapply." Sabay tumawa siya. 'Yon lang! Parang kontrabida sa tv kung tumawa.
"Oo nga eh, malamang abutin pa tayo nang hapon dito." Sagot ko naman sa kanya. Atleast maganda at sexy siya. Nevermind the laugh na lang.
We just sat there and continue to talk about a lot of things. Gaya nang bakit dito namin napiling mag-apply. Actually, ang ganda ng dahilan niya. Atleast siya may purpose 'yung pagpunta niya. Ako, may makita lang akong sign ng nagrerecruit na kompanya, tira agad! Pasok agad! Walang tanong-tanong. Gusto ko kasi talagang matulungan sina lolo at tita. Sila na lang ang natitira sa akin eh.
Matapos ang ilang oras na kwentuhan at tawanan, nasa harap na kami sa wakas. Ang sarap niyang kausap. Ito ang pinakamatagal kong pagkausap sa isang tao pwera sa tita at lolo ko.
Lumabas yung isa sa mga assistant, tatawagin na ata ako.
"Sorry guys, the job has been filled. Sorry po sa abala." Aba! Tangnang 'yan! Ilang oras kaming naghintay! Bwisit talaga! Kung kailan ako 'yong nasa harapan tsaka nagkaganyan. Napakamalas ko talaga sa buhay!!!Napabuntong-hininga na lang yung katabi ko, "lika na, uwi na tayo." Mahinhing sabi niya sakin sabay ngumiti. Ayan nanaman mala-dyosa na naman siya!
Tumango na lang ako. Ano pa bang magagawa ko!? Wala pa rin akong trabaho. Hay!
"Teka, ano nga pala pangalan mo?" Sa ilang oras naming magkausap, ngayon ko lang natanong yung pangalan niya.
Natawa siya bigla, "Charlie. Charlie Ricaso." Sagot niya sabay ngiti. "You?" Dagdag niya.
"Xena. Xena Harvelle Dizon." Napangiti siya, "Ang ganda ng name mo! Kasing-ganda mo." Pamumuri niya sakin. Aba, this is the first time na may namuri sakin.
Minalas man ako sa trabahong 'to. Madami namang hindi inaasahan ang nangyari. Ang makakila ng isang mala-dyosang babae, ang makausap siya nang matagal at ang mapuri for the first time.
"Can you be my friend?" Biglang tanong ko. Nagulat ako nang bigla na lang lumabas ito sa bibig ko.
"Ofcourse." She said with a smile.
"Let's go?" She added. "Where?""Sa mall, kain tayo. Pampagaan man lang ng loob." Sabi niya sabay tawa. "Tara lets!" I said happily.
This is new. Ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigan. I hope this is the start of a beautiful friendship.
This was the best day that happened to me. I will not forget this beautiful day.
By the way, I'm proud to introduce to the world, my first ever friend in my life, Charlie Ricaso. Maybe this is the start of something new in my ugly life.
~~
Author's Note:
Hey! Readers, I hope you enjoy this Chapter. Follow and read more of my stories. See you next chapter :)@wonderstruckgirl❤️
![](https://img.wattpad.com/cover/65467483-288-k795866.jpg)
BINABASA MO ANG
Key To Our Love
Romance[COMPLETED] Sometimes all you need is someone to hold the key of acceptance to unlock the love for the both of you. Meet Xena, The chubbiest person you'll ever met. Chubby inside and outside. Strong girl hiding her true sensitive feelings because of...