CHAPTER 25: The Truth Revealed

94 4 3
                                    

Chapter 25

*Xena Harvelle Dizon*

Daming kailangan asikasuhin. 'Yung birth certificate ko, 'yung mga grades ko 'nung highschool at elementary at marami pang iba.

Masyado akong excited para sa enrollment. Mas mabuti nang maagang matapos kaysa naghahabol diba? Daig nang maagap kasi ang masipag.

Bukod sa pagiging busy ko, may mga nakakatuwa ding nangyari. Katulad nang nagkakaayos na 'yung tunay na love team; sina Charlie at Ace.

Aaminin ko, mas bagay pa sila kaysa doon sa malapit nang ikasal. Dalawang araw na lang at ikakasal na 'yung bully na isip-bata.

Nakakainis pa dahil lagi akong ina-update pa ni Charlie sa nangyayari doon sa dalawa. As if naman may pake ako kay Jesse at Zero diba?!

"Tigilan mo na, Charlie. Tama na kaka-update. I don't care kung anumang nangyayari sa dalawa."
Hay! Nakakatuwa ngang nagkaka-inlove-an sila ni Ace ulit pero 'yung the fact na lagi siyang nandito para i-update ako sa status 'nung ikakasal, nakakainis na.

"Really? What if I tell you that Jesse is having an affair?" Dinugo po ako sa sinabi ni Charlie. 'Di dahil sa english niya kundi dahil sa gulat ko sa salitang 'affair' na binanggit niya.

"Based from your expression, Harv. I know gusto mong malaman." Sabay na nag-smirk. Nako, nahahawa na siya sa pinsan niya. "'Yung babae pa talaga may affair ah?" Biglang sumabat sa usapan si Ace. "Yeah, right." Pag-agree naman sa kanya agad ni Charlie.

Pag-uuntugin ko 'tong dalawa eh, "May proof ka ba diyan?" Tanong ko kay Charlie. "May pinakita sakin kahapon si Kayzer na text sa kanya ni Jesse. Ang sabi daw doon sa text ay, "I'll be there, babe. Be ready! Loveyouuu Henry!" Ganern!" Natawa pa ako sa huling sinabi niya.

"Sino naman daw 'yung Henry?" Biglang ngumiti nang nakakaloko si Charlie. "I knew it! You're getting interested!" Inasar pa ako ni ganda. "Edi hindi na ako magtatanong." Bigla kong sabi.

Pati si Ace ay natawa na rin. Mas pinahalata ko lang daw na interesado talaga ako doon sa dalawa. So, kahit anong isagot at i-action ko, ang kalalabasan pa rin ay interesado ako? What the eff!

--

*Kayzer Evangelista*

"Sino 'yung Henry na 'yon ha?!" Sigaw ko kay Jess. Nakakakulo ng dugo. Nagdedeny pa siya, eh pinakita ko na 'yung text na na-wrong send niya sa'kin.

"Just. Please, just listen to me first, babe. Let me explai---"

"Lalaki mo ba 'yon?!" Ininterrupt ko na siya kaagad kasi paulit-ulit niya na 'yang sinasabi. Puro "let me explain", pero 'nung hinahayaan ko siyang magpaliwanag, eh ayaw naman magsalita. Nakakainis talaga!

"Okay, just take it easy, babe please." Pagmamakaawa niya sa'kin. "Magpaliwanag ka na! Bilisan mo!" Sigaw ko sa kanya na ikinaiyak niya. Wow! Iniyakan pa ako.

"Henry is my doctor. Nakilala ko siya noong nagpapagaling ako noon sa US." Magkasalubong pa rin ang kilay ko sa mga sinasabi niya. "Bakit may "loveyou" pa?!" Follow-up question ko sa kanya habang umiiyak siya.

Ang tagal niyang umiiyak lang at hindi ako sinasagot. "Ano mo ba talaga 'yon, Jess? Sabihin mo na lang please." Pinahinahon ko 'yung sarili ko nang kaunti. Kasi nga umiiyak na siya. "My... My boyfriend." Parang may biglang tumusok sa puso ko. Boyfriend!? Eh ano ako!?

"ANO!?" Sigaw ko sa kanya. "So, dati pa kayong may relasyon right? Bago pa maging tayo?"

Lumihis siya ng tingin, "Oo." 'Di ko na napigilan ang sarili ko at hinagis ko lahat ng makita ko at iniwan ko siya doon sa kwarto niya. Alam ba nila tita at tito 'to?!

Key To Our LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon