Chapter 12
*Xena Harvelle Dizon*
"WHAT!?" Napasigaw na lang ako sa nabasa ko, tumayo agad ako at lumabas ng kwarto. Kinatok ko agad si Ace. "ACE! Pagbuksan mo ako!" Sigaw ko sa kanya habang kinakalabog ang pinto niya.
"Bakit?" Mahina niyang sabi habang kinukusot ang mga mata niya. "Sorry kung nagising kita, basahin mo." Sabi ko sabay na inabot sa kanya ang cellphone ko na nakabungad na agad ang message sa'kin ni Kuya Paeng kani-kanina lang.
Parang nagising bigla si Ace sa nabasa niya. Pwes! Ganun din ako Ace! Ganyan na ganyan ang reaksyon ko! Parehas kaming nanlaki ang mata sa nabasa namin. Bakit ngayon pa!? Kung kailan naman may pambili na ako ng gamot ni lolo.
Napayakap na lang ako kay Ace at hinagod niya ang likod ko. "Sssh, tahan na, Xena." Sabi niya sa'kin at tuluyan na akong lumuha sa kanya. Ang hirap pigilan eh! Nawalan na naman ako ng mahal sa buhay!
"Pupunta muna ako kina lolo bukas, kakausapin ko na lang si Charlie na hindi muna ako makakapunta sa pinsan niya." Sabi ko habang lumuluha pa din.
"Sige, hayaan mong samahan kita bukas ha?" Sabi niya sabay na pinunasan ang luha ko.
Tumango na lang ako at hinalikan niya ako sa noo.
--
Parang hirap akong bumangon kanina. Dati, na-eenjoy ko kapag naliligo ako. Ngayon, parang biglang nawala. Nagbihis ako ng puting polo shirt at paldang black.
*TOK! TOK! TOK!*
"Velle! Halika na, tinext na ako ni Kuya Paeng, punta na daw tayo." Narinig kong sigaw ni Ace mula sa labas ng kwarto ko.
Kinuha ko ang bag ko at lumabas na ng kwarto ko, "halika na." Mahina kong sabi.
Pagkababa namin, nakita ko si tita na nakabihis din pati si Joanna. "Sasama kami sa inyo, tinext din ako ni Paeng tungkol sa lolo mo." Malungkot na sabi ni tita. Niyakap ko siya at tumango. Sabay-sabay na kaming sumakay sa jeep.
Natatandaan ko pa noon, si lolo ang laging naghahatid-sundo sa'kin sa eskwelahan noong preschool pa lang ako dahil parehong may trabaho sina mama at papa. Nililibre ako ni lolo tuwing biyernes ng ice cream, doon lang masaya na ako. Ang aga naman, 'lo! Ang aga! Bata pa ako, iniwan mo na agad ako.
Maya-maya bumaba na kami ng jeep at naglakad patungo sa bahay nila lolo. Sinalubong agad kami ni Kuya Paeng. Niyakap niya ako dahil sa lahat ng apo ni lolo, ako ang pinakamalapit sa kanya.
"Xena, inatake si lolo. Pagdating ko dito nakahandusay na siya at nung isusugod na siya sa ospital, wala na talaga. Dineklara na patay na si lolo." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Kuya Paeng.
"'Yung kabaong ni lolo, sino nagbayad nito?" Tanong ko kay Kuya Paeng. "Ako. May ipon naman ako, Xena. Naisip ko na kung saan nilibing ang mama't papa mo ay doon na rin ilibing si lolo." Tuluyan na akong napaiyak. Tatlong mahahalagang tao na sa buhay ko ang nawala kaagad. Ganito na ba ako kamalas? Iniwan nila ako agad-agad.
"Kuya, ako na lang magdadala ng mga pagkain dito kapag may dadating na makikiramay." Sabi ko kay kuya. Nagsidating na ang ibang mga kamag-anak namin dahil tinawagan sila ni Tita para ibalita ang nangyari. Si Joanna at Ace ang nagsisilbi muna sa kanila habang nagba-budget kami ni Kuya Paeng sa gagastusin. "Saan mo nakuha 'tong malaking pera na 'to, Xena?" Tanong ni Kuya matapos kong iabot sa kanya ang 15,000. "May trabaho na ako, kuya." Napangiti naman siya. "Buti naman. Mabuti na pala ang lagay mo ngayon. Naiisip mo pa rin ba ang nangyaring aksidente noon?" Tanong sa'kin ni kuya at bigla akong napaiyak ulit. "I guess, hindi pa. Nandito lang kaming lahat para sa'yo, Xena. Hindi mo kasalanan 'yon." Sabi ni Kuya Paeng habang hinihimas ang buhok ko. Napa-tango na lang ako kahit alam kong ako naman talaga ang may kasalanan ng lahat.
BINABASA MO ANG
Key To Our Love
Romance[COMPLETED] Sometimes all you need is someone to hold the key of acceptance to unlock the love for the both of you. Meet Xena, The chubbiest person you'll ever met. Chubby inside and outside. Strong girl hiding her true sensitive feelings because of...
