Chapter 15
*Xena Harvelle Dizon*
"'Di lang siya..." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Naguguluhan na ako!
Nagkakatitigan lang kami ng halos mga tatlong minuto. Tapos natauhan ako at bigla ko siyang tinulak palayo. "AAAAHH! Aray, p*ta!" Sigaw ni Zero dahil napasobra 'yung tulak ko kaya nalaglag siya sa sahig. "Sorry.." Mahina kong sabi. "Dapat lang! Sakit kaya sa pwet!" Sigaw niya sa'kin habang nagpapagpag ng damit niya. "Wala ka namang pwet." Mahinang sabi ko. Sabay na binato sa'kin 'yung twalya niya. "Ikaw! Napaka-ma-pwet mo! Mapipisa ang isang tao 'pag inupuan mo!" Sigaw niya pabalik sa'kin. P*ta! Bumalik na siya sa pagiging bully. Mas masakit ang balik ah! Tindi nito! "Aba! Sakit mo rin magsalita ah! Ano gagawin ko sa mabaho mong twalya!?"
"Hawakan mo muna, iabot mo sa'kin 'pag tapos na ako maligo tapos labhan mo na." Utos niya sa'kin. Aba! Namumuro na siya!
"Sila Manang Estelle na lang maglaba nito. Ang lakas mo mang-utos ah!" Sigaw ko sa kanya, "dapat lang naman na mag-utos ako eh, 'di biro ang 15,000 kada buwan!" Sigaw niya pabalik sa'kin sabay na pumasok na sa loob ng banyo.Oo na! Kung 'di lang dahil diyan sa malaking pera na 'yan, malamang wala ako dito eh. Napakaburara mo na, ang bantot pa ng mga gamit mo! Napakahirap mo talagang alagaan. Paano ka kaya nasurvive ni Tita Judy!?
--
Bumaba muna ako habang naliligo pa si Zero. Isang oras maligo 'yan eh. Parang babae talaga.
"Charlie!" Sigaw ko sa bff ko habang pababa ng hagdan. "Oh bakit, Harv?" Tanong niya. "Nagkaka-text kayo ni Ace?" Sabay na umupo ako sa tabi niya habang nanunuod siya ng T.V.
"Hindi, bakit? Hindi ba siya nagtetext sa'yo?" Tanong niya rin pabalik sa'kin. "Hindi eh." Sagot ko naman agad. "Namimiss mo na noh?" Pang-aasar ni Charlie. "Hindi ah! Tsaka.. May isa pa pala akong tanong." Sabi ko sabay na napakamot ng ulo. 'Di ko alam paano ko itatanong sa kanya 'to. "Ano 'yon, Harv?" Lakas ng tibok ng puso ko. "May gusto ka pa ba kay--Ace?" Pahiya-hiya kong pagtatanong sa kanya. Napa-tigil siya at biglang pinatay 'yung T.V. "Ewan ko, Harv. 'Pag wala naman siya, hindi ko siya hinahanap at hindi ko rin siya namimiss. Pero pag nakikita ko siya---bumibilis tibok ng puso ko." Nakayukong pag-amin niya sa'kin. Sabi na nga ba eh! May feelings pa rin siya kay Ace. Kahit kailan talaga walang pakealam si Ace sa mga taong nagmamahal sa kanya. Hinimas ko na lang ang likod ni Charlie parang tanda nang pagdamay ko sa kanya. "Nga pala, Harv, itong isang linggo mawawala ako dito sa bahay. Kasi pinapasama ako ni mama sa trip nila sa Palawan, titignan ko rin 'yung mga ginagawang trabaho doon ni mama kasi balang araw ako na lang daw mag-take over nung trabaho niya doon. Dahil pamilya lang daw namin ang inaasahan sa trabaho na 'yon ni mama." Buong pagpapaliwanag niya sa'kin. Napa-tango na lang ako. Once again, I'm stuck with him. "Basta pag may problema dito, text mo lang ako ah. Kayang-kaya mo 'yang si Kayzer." Nakangiti niyang sabi. Ngumiti na lang din ako pabalik. "'Yung mga tatlong maid dito at 'yung chef namin ay isasama ko rin kasi parang day-off na rin daw nila 'to sabi ni mama. Sinabi rin kasi ni Kayzer na may bagong hire na yaya niya kaya napagdesisyunan 'yon ni Tita. Okay lang naman sa'yo na dito muna matulog ng isang linggo diba?" Nakangiti niyang sabi. "A-ayaw ko nga!" Buong pagtanggi ko. Kaya kong linisin 'tong buong bahay at magluto pero ang makasama 'yang si Zero nang isang linggo na kami lang? 'Di ko kakayanin! "Sige na, please? Pwede ka namang matulog doon sa guest room eh." Pagmamakaawa sa'kin ni Charlie. Nako! 'Di ako makatingin sa kanya ng diretso kasi ang ganda niyang mag-puppy eyes baka mapapayag pa ako. "A-ayoko talaga, sorry Charlie." Sabi ko sa kanya. "Hay.. Well, atleast sinubukan kong mapapayag ka. Magpa-iwan na lang ako ng isang maid dito." Nakokonsensya tuloy ako 'pag ganyan siya. Eh paano kasi, 'di na rin kabata-an 'yung mga maid nila dito. Kailangan din ng pahinga. Pero ang hirap talagang makasama ng isang linggo si Zero eh. "Hoy!" Napatingin kami sa sumigaw, si Zero lang pala. Topless at may nakasampay lang na twalya sa balikat niya. "Wala kang 15,000 kung 'di ka papayag kay Charlie." Nakangisi niyang sabi. "Ano!?" Bigla kong sigaw. "'Wag ka naman ganyan kay Harv, Kayzer! Kung ayaw niya, 'wag mo siyang pili--" tinakpan ko bigla 'yung bibig ni Charlie at nagsalita, "'To naman si Charlie, binibiro ka lang eh. Syempre payag ako." Sinabayan ko pa ng pekeng ngiti. Tinignan ko si Zero, abot tenga ang ngiti ng loko. Nagmumukha na talaga akong pera sa ginagawa ko. "Pero sabi mo kani--" pag-udlot ko na naman sa sasabihin ni Charlie. "Biro nga lang 'yon, ikaw naman sineryoso mo." Sabay na ngumiti ako. Takte! Mapapasubo talaga ako sa ginagawa kong 'to.
"'Yon naman pala, Charlie eh. Payag na si Xena." Nakangising sabi ni Zero. Sarap upakan ng mukhang 'yan at ingudngod sa hagdanan. "O-osi-sige. Sabi mo 'yan, Harv ah! Bukas na ang alis ko kaya aakyat muna ako, mag-iimpake na ako." Sabi ni Charlie sabay na umakyat patungo sa kwarto niya.
BINABASA MO ANG
Key To Our Love
Romance[COMPLETED] Sometimes all you need is someone to hold the key of acceptance to unlock the love for the both of you. Meet Xena, The chubbiest person you'll ever met. Chubby inside and outside. Strong girl hiding her true sensitive feelings because of...