CHAPTER 3: Memories

254 19 15
                                    

(Ace on the multimedia)

Chapter 3
*Ace "Asyong" Cruz*

"Yes. Kamusta na Velle?" Tanong ko sa kanya na may buong ngiti.

It's been 7 years, since nung huli naming pagkikita at pag-uusap. Nakakamiss din 'tong tabachoy na 'to. Hahaha. Si tabachingching Velle.

Halatang gulat na gulat siya kasi nandito ako. 'Di ko rin naman kasi alam na dito na pala siya nakatira.

Nagulat ako nang bigla akong hinatak palabas ni Velle.

"Bakit sa lahat naman nang uupahan, dito pa napili mo ha!?"

Sus, ang sabihin mo namiss mo ako. Pakipot pa 'tong tabachoy na 'to. Nung inagawan ko siya ng album, para sa kanya talaga 'yon. Gusto ko kasi ako ang magbibigay. Eh ito namang tabachoy na 'to, 'di ako nakilala. Sobra na kasi akong gumwapo.

"Eh bakit ba!? Tsaka 'di ko naman alam na dito ka nakatira. Kung alam ko lang, 'di ako pupunta dito." Sabi ko sa tabachoy na kaharap ko, mukhang naiinis na sya, lumalaki na butas ng ilong eh hahaha.

"Kilala mo naman siguro si Tita Alice diba!?" Sigaw niya sa akin.

"Malay ko bang dito ka pala titira sa tita mo matapos maaksidente mga magulang mo!" Sigaw ko sa kanya.

Ay! Takte napalungkot siya. Sh*t nako, Ace! Kahit kailan talaga, 'di mo makontrol bibig mo. Sh*t talaga!

"Sige, maya na lang. Welcome sa bahay ni Tita Alice. Akyat na ako." Malungkot niyang sabi at nakita ko pa habang papatalikod siya, may luhang lumabas.

Sh*t talaga! Ano ba Ace! Kahit kailan talaga! 'Yang bibig mo, i-stapler ko eh!

"Tsk. Sorry." Mahina kong sabi na ikinahinto niya sa paglalakad at parang inisnob lang 'yung sinabi ko at patuloy na umakyat na patungo sa kwarto niya. Sh*t!


--
*Xena Harvelle Dizon*

Bwisit 'yong Ace na 'yon! Pwede namang 'di na banggitin 'yung pamilya ko. Napaiyak pa tuloy ako sa harap ng bugok na 'yon. Kainis!

'Di pa rin talaga siya nagbabago. Hindi pa rin makontrol 'yung mga salitang ilalabas niya sa bibig niya. Bakit ba bumalik pa siya dito!?

"Hoy itigil niyo 'yung pang-aasar kay Velle. Kung ayaw niyong magulpi ko kayo!" Pananakot ni Ace sa mga nambubully sakin.

Siya ang pinakakinakatakutan dito sa lugar namin. Kahit 12 years old pa lang kami, matangkad na siya at medyo ma-muscle na. Moreno at gwapo. Ang ibinansag sa kanya dito ay "Asyong".

"Sorry na, Asyong." Sabay kumaripas ng takbo 'yung mga nambubully sakin. Sanay na ako. Bata pa lang ako marami nang nambubully dahil sa katawan ko kahit nga mga kamag-anak ko eh.

"Umalis ka na nga! Kaya ko naman 'yung mga 'yon!" Sigaw ko sa kanya. Kaya ko naman talaga sila, nakialam lang siya.

"Kaya!? Eh halos maiiyak ka na eh." Sabay napatawa siya nang malakas. "Magpasalamat ka na lang kasi. Tsaka ako lang ang mambubully sa'yo noh!" Patuloy na pang-aasar sakin ng bugok na 'to! Bwiset ka talaga kahit kailan!

Sabay na kinurot ang pisnge ko. "Kahit na ikaw ang pinakamataba sa buong mundo, cute ka pa din." Nakangiti niyang sabi. 'Di ko rin maintindihan 'yung takbo ng utak nitong mokong na 'to eh!

"Bakit pa siya bumalik!?" Sigaw ko habang nandito ako sa loob ng kwarto ko, naibato ko na lang 'yung unan sa sobrang inis ko.

Aaminin ko, crush ko siya dati. Tapos nandito na naman siya. Baka madala nanaman ako sa mga bola niya. 'Yon yung nakakainis!

--

*TOK TOK TOK*

"Pasok po." Sabi ko doon sa kumakatok, 11 na ng gabi may kumakatok pa. Baka si Tita Alice. Eh ano naman kailangan ni Tita?

"'Di ka pa rin makatulog? O nagising kita?" Nagulat ako sa nagsalita, si Ace pala.

Hirap na ako makatulog sa gabi simula pa lang noong 12 years old ako. Mahirap kasing makalimutan 'yung bangungot na naging totoo.
Parang natatakot na akong managinip ulit.

"Nagising mo 'ko." Inis na sabi ko. Nagsinungaling ako. Baka kasi mabadtrip niya na naman ako.

Napabuntong-hininga siya, "sorry. Ito, gatas. Inumin mo para mabilis ka makatulog." Palapit siya nang palapit sakin para maibigay sa'kin 'yung isang baso ng gatas.

Ano 'ko bata!? 'Di pa rin talaga nagbago 'yung Ace na kilala ko.

"Salamat." Hinawakan ko ang baso at uminom agad habang tumabi na siya sa'kin dito sa kama.

Aaminin ko, namiss ko 'to sa kanya. Halos lahat ng taong kilala ko, takot sa kanya. Pero ang hindi nila alam, napakamaaalalahanin niya.

"Sorry sa sinabi ko kani-" bago pa niya ituloy, tinakpan ko na 'yung bibig niya. "Ayoko nang marinig." Matipid kong sabi.

Ayaw ko na ngang maalala 'yun eh! Pinipilit pa niyang ipaalala sa'kin.

Ang lungkot ng mukha niya, "'di mo naman kasalanan 'yon, Velle." Hay! Sabi nang 'wag nang ulitin eh! Ang kulit talaga nitong Asyong na 'to!

"Matulog ka na, matutulog na din ako. Salamat dito sa gatas." Sabay na hinatak ko siya papuntang labas ng kwarto ko at isinarado ang pinto.

Sorry, ang kulit mo kasi! Pilit mong ipinapaalala sa'kin 'yung kasalanan ko. Kasalanan ko 'yon! Walang ibang dapat sisihin kung hindi ako!

Napaiyak na naman ako. Kahit anong gawin ko 'di ko malimutan 'yung pagkamatay nina mama at papa. Ang tanga ko kasi noong mga oras na 'yon! Bwiset!

*BZZZT BZZZT BZZZT*

From: 0933*******
Sorry ha. Treat kita ng ice cream bukas. Cookies n' cream. Alam ko naiyak ka diyan. Tigilan mo na, 'di bagay. Nyt, vellevelle. :D -Ace

Nang-asar pa! Oo na marami na akong bilbil. Buset! Kung nandito ka lang nasapak na kita sa panga eh. Sigurado bagsak ka. Kamao ko, mukha mo na ata eh.
OA ko lang.

To: 0933*******
Ge. Accepted na. Nyt, PANGA! XD

Kung ako mabilbil, ikaw naman ma-panga. Noong ipinanganak 'yan, panga lang eh, tapos tsaka tinubuan ng katawan.

Teka! Paano niya nakuha number ko!? Takte may pagka-stalker na din pala 'tong si Ace eh. Masyado akong crush. Pero malabo 'yon alam ko. Bangag na siguro ako.



--
*Ace "Asyong" Cruz*

Buti na lang binigay sakin ni Charlie 'yung number ni Velle. Kung hindi, baka bumaha na ng luha dito. Sa laki ba naman niya, masasakop 'tong buong bahay sa kakaiyak niya.

'Yon ang dahilan kung bakit naiinis ako 'pag umiiyak siya.
Ang OA noh?
Mga 5% lang 'yung concern ko.

Pero totoo naman na hindi niya kasalanan 'yon, masyado niya lang dinidibdib. Magulang niya kasi, pero aksidente lang 'yon.

Wala siyang kasalanan. Ito 'yung mga oras na kailangan ako ni Harvelle. Simula bata pa lang kami, itinuring ko na siyang kaibigan at kalaro pero pilit niya na akong tinataboy noon pa.

Ano bang mali sa'kin? Gusto ko lang naman nakikita siyang masaya.

Gusto kong nakikita siyang masaya na ako ang dahilan.





~~

Author's Note:
Paki-share din sa inyong mga friends and relatives kung nagugustuhan niyo story ko. Sa mga nakakita na, comment ka naman sa mga reaction mo. Loveyou! :* Good comments please..

Key To Our LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon