CHAPTER 21: A Painful Birthday Gift

89 8 0
                                    

Chapter 21

*Xena Harvelle Dizon*

Bigla akong napabangon dahil naramdaman kong nag-vibrate 'yung cellphone ko. Aga-aga may tumatawag! Late na nga nakatulog eh, nambulabog pa!

"Hello?"
"Happy Birthday!!!!"
Napalayo ako bigla sa cellphone ko sa sobrang lakas ng boses ni Charlie.
"Birthday?" Sabay na tinignan ko kung anong date ngayon. P*ta! Kaarawan ko nga!
"Ano ba, Harv! 'Di mo ba alam na birthday mo ngayon? Hay nako, may handaan ba dyan? Kung wala, dito ako magpapahanda."
As usual. Ever since na nawalan ako ng magulang, wala na laging handa sa birthday ko.
"Ahhh, baka wala." Napaisip ako bigla. This time kaya pinaghanda ako ni Tita?
"Osige, punta ka dito mga before lunch, magpapaluto na ako. See you!" Parang mas excited pa ata siya kaysa sa'kin.
"Okay, see you." Malumanay kong sabi.

Sus, bukas tapos na rin naman 'to. Hindi ako 'yung taong sobrang saya pag 'birthday niya, ako 'yung taong parang ordinaryong araw lang ang turing sa kaarawan.
Simula 'nung nawala sila mama, 'di ko na naranasan pang sumaya sa birthday ko.

Pagkatapos kong maligo at magbihis, bumaba na agad ako. Nagugutom na ako eh.

"Tita?!" Sigaw ko sabay na hinanap si Tita sa kwarto nila. "Tita?! May almusal na po ba?!"
Sigaw ko pa rin habang hinahanap sila sa living room. "Nasaan 'yung mga 'yon?" Sabi ko sa sarili ko.

Kadalasan nakikita ko na sila dito na palakad-lakad eh, lalo na si Joanna. Si Ace baka tulog pa. Pero alam ko si Kuya Paeng tinutulungan na dapat sa kusina si Tita Alice eh.

Pagkarating ko sa kusina, "HAPPY BIRTHDAY, XENA!" napa-hawak ako bigla sa dibdib ko dahil sa gulat. Nandito lang pala silang lahat sa kusina. May banner pa at cake, may pansit at fried chicken. Sigurado si Tita Alice nagluto 'nung pansit. At 'yung fried chicken ay luto naman ni Kuya Paeng.

"Salamat!" Masayang bati ko sa kanila. Nilapitan ako agad ni Tita at niyakap. Ginulo naman ni Kuya Paeng ang buhok ko sabay na inakbayan ako at si Ace naman ay hinila ang kamay ko papalapit sa cake. "I-blow mo na 'yung candle." Sabay na sinindihan niya na 'yung birthday candle. "Hep hep!" Pagpigil bigla sa'kin ni Ace. "Ano?" Pagtataka ko. "Mag-wish ka muna." "Sus, hindi na ako bata noh!" Sabi ko sabay na aakmang hihipan na.
Sabay naman na tinakpan ni Ace ang bibig ko. "Mag-wish ka muna." Seryosong sabi ni Ace. Nag-a-ala-Asyong na 'yung mga mata niya. Nanlilisik na eh. "Ang arte naman! Mag-wish ka nga muna daw para makakain na ako." Pag-rereklamo naman ni Joanna. I just rolled my eyes at her na lang. She's not worth my effort.

Anyway, nag-wish na lang ako at tsaka hinipan ko na. Palakpakan sila bigla. Para talagang nasa children's birthday party ako nito.

--

Nang matapos na ang aming magarbong almusal. Napaisip tuloy ako kung sino gumastos ng lahat ng 'to. Eh alam ko walang trabaho ngayon si Kuya Paeng.

Sumingit bigla sa tabi ko si Ace. "Ako na maghuhugas diyan." Sabay angat ng sleeves niya. "Hindi, ako na." Pagtanggi ko naman. "Ikaw may birthday tapos ikaw naghuhugas? 'Di pwede sa'kin 'yan." Sabay na kinindatan ako. Tumaas bigla ang kilay ko. Eh ano naman diba? "Para na rin 'tong bayad ko sa'yo." Mahina kong sabi sa kanya. Tumingin ako sa kanya at siya naman ngayon ang nakataas ang kilay. "Para saan?" Tanong niya. "Para sa pagbili ng hinanda niyo ngayong birthday ko at para sa pagbibigay sa'kin ng tuition." Sabi ko habang nakangiti. Tinaboy niya ako bigla at siya na ang nagpatuloy ng paghuhugas. "Paano mo nalaman na ako gumastos sa mga handa?" Pagtatakang tanong niya habang binabanlawan 'yung mga platong nasabon ko na. "So, totoo pala? Hula ko lang 'yon eh." Sabay na nag-smirk ako. Galing ko talaga! Nahuli ko siya kaagad. "'Di mo na dapat ginawa 'yon. Sanay naman akong walang handa pag birthday ko eh."

Key To Our LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon