Chapter 24
*Charlie Ricaso*
"Okay na ako, pwede ka nang bumaba." Sabi sa'kin ni Ace na halata namang peke lang 'yung smiley face niya.
"Kilala kita. Alam kong hindi ka okay. Bakit ka ba naiinis kay Kayzer?" Tanong ko sa kanya sabay na tumabi ako sa kanya.
"Wala ka na do'n!" Bigla niyang pagsigaw sa'kin na ikinagulat ko.
Ang kapal din nitong lalaking 'to! Tinatanong ko lang kung makasigaw, wagas!
"Tinatanong ka lang naman! Dahil ba kay Harv ha?!" Sigaw ko sa kanya pabalik. Biglang nag-iba 'yung expression ng mukha niya, "Ewan." Matipid niyang sagot sa'kin. Ang smiley face niya ay naging sad face agad-agad.
"Anong connection niyo ni Harv? May malalim ba kayong pinagsamahan?" Halatang nagulat siya sa bigla kong itinanong.
"Kababata ko." Matipid niyang sagot, "tapos?" Napatingin siya bigla sa'kin, "First love ko." Parang may biglang kumirot sa dibdib ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Ba't 'di man lang niya nasabi sa'kin 'to no'n?
"Siya ba 'yung nasabi mo sa'kin dati na mahal mo?" Medyo humina bigla ang boses ko. Nakakahadlang kasi 'yung kirot na nararamdaman ko eh.
Tumango lang siya habang nakatingin sa sahig. 'Di ko na kaya, tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa kama niya.
Bigla akong napatigil nang bigla niya akong hawakan, "dati 'yon. Iba na ngayon." Sabi niya sa'kin na medyo naguluhan talaga ako.
"Akala ko siya 'yung kulang na nararamdaman ko dito sa puso ko. 'Yun pala, ako pala ang dahilan kung bakit may nararamdaman akong kakulangan." Tinitignan ko siya nang diretso pero nakatingin pa rin siya sa sahig.
"Naramdaman ko 'yung tunay na kakulangan 'nung nakipag-break ako sa taong minahal ko ng 5 years." Nagsalubong ang mga kilay ko. 'Kami' ba 'yung tinutukoy niya?
Tumingin na rin siya sa'kin nang diretso sa wakas, "Ikaw pa rin pala talaga, Charlie." Sinamahan pa niya ng isang matamis na ngiti.
Gulat na gulat ako sa mga sinabi niya pero 'di ko maiwasang ngumiti pabalik. "Mahal pa rin kita." Sabay na hinawakan ang pisnge ko.
Hinawakan ko ang kamay niya na nakadampi sa pisnge ko sabay sabing, "Ako din, Ace."
--
*Xena Harvelle Dizon*
"Anong pinagsasabi mo diyan?!" Bigla kong sigaw sa kanya. Ako ang magsusuot ng wedding dress? Shunga ba 'to?! Eh sila ni Jess ang ikakasal. Kung isa na naman 'to sa pakulo niya, well, 'di na ako magpapaloko.
Napatawa na lang siya nang mahina sa sinabi ko, nakakapang-asar talaga 'tong mokong na 'to.
"'Di pa ba kayo uuwi?" Medyo nakaka-offend 'ata ang tanong ko.
Kahit siya lang talaga ang gusto kong pauwiin. "Ay ganyan ka pala ha! Bestfriend mo si Charlie tapos pinapauwi mo na siya, tsk tsk." Aba't nakakapanloko na talaga 'to! "Excuse me, ikaw lang talaga ang gusto kong pauwiin." Diniin ko 'yung mga salitang sinabi ko, para ma-emphasize lalo sa maliit niyang utak."Maya na." Sabay na pumunta sa sofa namin at binuksan ang telebisyon. Pinatong pa ang paa sa maliit na lamesa namin. Pinalo ko 'yung paa niya, "ano ka? Senorito ang peg mo? 'Wag mong isasampa 'yang madumi mong paa!" Sigaw ko sa kanya.
Binaba naman niya ang paa niya tapos pinatong niya ulit. That's it!
"Get out!" Sigaw ko sa kanya. Nagsalubong ang mga kilay niya, "ayaw ko nga." Tinulak ko siya nang ubod ng lakas kaya napahiga siya sa sofa. Bigla naman niya akong hinatak. Tatangkain ko sana siyang sampalin pero nakahawak ang dalawang kamay niya sa magkabilang braso ko.
BINABASA MO ANG
Key To Our Love
Romance[COMPLETED] Sometimes all you need is someone to hold the key of acceptance to unlock the love for the both of you. Meet Xena, The chubbiest person you'll ever met. Chubby inside and outside. Strong girl hiding her true sensitive feelings because of...