Chapter 30
*Xena Harvelle Dizon*
Matapos naming kumain, nag-offer si Zero na maghugas ng pinggan.
Sabi ni Kuya Paeng, nagpapasikat lang daw si Zero sa akin.
"Syempre, Kuya! Dapat medyo magpa-gwapings kay Xena." Nagtawanan naman si Kuya Paeng at Zero. Napa-iling na lang kaming dalawa ni Charlie.
Maya-maya pa'y hinatak ni Ace si Charlie sa kwarto niya. "Hoy! 'Wag kayong gumawa nang ikaka-sira ng buhay niyo ah!" Sigaw ni Kuya Paeng kina Charlie at Ace. Nagtawanan naman kami dahil na-gets namin 'yung ibig sabihin ni Kuya Paeng.
Inirapan lang kami ni Ace. Siya 'tong lalaki, siya pa 'tong grabe maka-irap.
Ang saya talaga ng atmosphere ngayon sa bahay namin. Sana laging ganito.
"Kayo ba ni Zero, walang planong mag-solo sa kwarto?" Sabay na kinurot ako ni Kuya Paeng sa tagiliran.
"Tumigil ka nga kuya!" Pag-awat ko sa kanya. "Tigilan mo na ako sa mga pang-aasar mo Kuya!" Dagdag ko pa.
"Lika na kasi, Xena." Sabi ni Zero na ikinataas ng kilay ko. "Alam mo na 'yon." Malambing na sabi pa sa'kin ni Zero.
Tinulak ko si Zero papalayo sa'kin, "Yuck! Bata pa ako noh!" Sigaw ko naman kay Zero.
"Bata?! Hahaha! Batang damulag kamo!" Pang-aasar ulit ni Kuya Paeng at sabay pa silang tumawa ni Zero.
"Support ako diyan, Kuya!" Sigaw pa ni Joanna habang nasa kusina at tinutulungan si Tita Alice na mag-punas ng mga basang plato.
Pinagkaisahan na naman ako. Ano pa nga bang bago do'n diba?
"Ang sakit na ng tiyan ko." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Kuya Paeng. Naiyak na sa sobrang kakatawa.
"Akyat muna ako, guys." Pagpaalam ni Kuya Paeng saming dalawa ni Zero. Hinawakan niya sa balikat si Zero at may biglang binulong.
'Di ko alam kung ano man 'yung binulong ni Kuya Paeng basta for sure tungkol sa'kin 'yon, napangiti 'yung dalawa eh.
--
"Mag-aaral ka na ulit this upcoming school year?!" Gulat na gulat na sabi ni Zero matapos kong ikwento sa kanya na naka-enroll na ako.
"Oo." Nakangiti kong sagot sa kanya.
"That's good news! Wow!" Tuwang-tuwang reaksyon ni Zero.
"Pero wait... Paano kung may makakilala kang bagong lalaki na ipapalit mo sa'kin?!" Biglang napalitan ang expression ang mukha ni Zero.
"Anong palitan ka diyan?! Nahihibang ka na ba? Ikaw nga lang ang taong nagkagusto sa'kin eh." Sagot ko sa kanya.
"'Di mo kasi alam 'yung appeal mo kasi 'di mo nakikita. Maganda ka naman talaga inside and out." Napatulala naman ako do'n sa sinabi ni Zero. At napangiti nang kaunti.
"Naiinis nga ako dahil huli ko na nakita 'yon eh." Dagdag pa ni Zero.
Wala akong magawa kundi ang mapangiti na lang dahil sa mga sinasabi niya mula kanina pa.
"Lika, akyat tayo. Pakita ko sa'yo kwarto ko." Pag-aaya ko sa kanya sa taas.
Sumama naman siya kaagad sa'kin sabay na hinawakan ang kamay ko.
Pakshitttttttttt!!!!!!!! Brain, kalma please?
"Pero wait lang..." Pagpigil ko sa kanya.
"Bakit?" Tanong naman ni Zero.
"Walang mangyayaring ano ha!" Napangiti siya bigla sa sinabi ko.
"Ewan ko lang." Sabay na tumawa siya nang malakas. Hinampas ko siya sa balikat, "Aray! Oo na! 'Eto naman! 'Di na mabiro!" Ta-tawa-tawa niyang sabi.
--
"Ang pangit ng kwarto ko diba? Maliit lang, 'di tulad sayo, kasing-laki na ng kusina namin 'yun eh." Sabi ko kay Zero.
"Haha! Okay lang naman." Maikli niyang sabi pero parang nagtataka siya.
"Bakit?" Tanong ko. "Paano ka nagkasya dito?" Isa na naman po sa pinakamalupit na pang-aasar ni Zero.
Pinalo ko siya ng malakas sa balikat at tumawa lang siya. "Joke lang." Sabay na tumawa pa siya ulit.
"Ang dami mo pa lang libro ni Lang Leav. Avid fan reader ka ba talaga niya?"
"Oo sobra. Para kasing 'pag binabasa ko 'yung mga poems niya, parang dinadala ako sa ibang mundo at damang-dama ko 'yung emosyon na gusto niyang ipadama doon sa mga tula niya." Maliwanag at maayos kong sagot sa kanya.
Napangiti lang siya sa sinagot ko at kinuha 'yung Memories na isa sa mga gawa ni Lang Leav.
Binuklat niya 'yung libro doon sa may bookmark na part. "Lullabies. Hmm." Mahina niyang sabi.
Habang binabasa niya ang bawat line na nakasulat doon ay nakakasabay ako sa isip ko. Nakabisado ko na kasi ata 'yung mga nilalaman ng libro ni Lang Leav dahil sa paulit-ulit kong pagbabasa. And Memories is my favorite.
The way he said those words was like music to my ears than me saying it.
Para bang ramdam na ramdam niya 'yung binabasa niya kahit na hindi naman niya talaga hilig ang pagbabasa.
At sa kada pagbigkas niya ng bawat sentence ay tumitingin siya sa akin sabay na ngingiti nang kaunti.
That's when I knew something was different. With the way he looked at me and with the way my heart beats this fast.
"I don't know how many millions of cells you are made of and if they have any idea they are part of something so beautiful and unimaginably perfect." Malakas na pagbabasa ni Zero habang nakaupo kami sa kama ko. Sumulyap siya ulit sa'kin and he slightly nodded. I don't even know what that means.
Sinara ko ang libro habang hawak niya at hinawakan ang kamay niya. Then, I started continuing the lines.
"I may not have a clue about any of these things, but this..."
I placed his hand on my chest.
"This. I know."
Hinawi niya ang buhok ko papunta sa aking tenga at hinawakan ang pisnge ko.
"I forgotten your tattered memories, or the pages others took; I'm your ever after---the hero of your book."
Matapos niyang sabihin ang isa sa mga lines sa Memories ni Lang Leav. That was the moment when I knew, I made the right decision.
"You're not the villain in my life anymore, Zero." Malambing na sabi ko sa kanya sabay na nginitian siya.
"Yeah. I'm your super hero now." Nakangisi niyang sabi. I slightly giggled.
"Yes." Pabulong kong sabi. That's when I know I have met my Mr. Right.
The true hero of my book.
He leaned towards me and give me a passionate kiss.
The kiss that we've all been waiting for.
The kiss that made me the luckiest fat girl in the world.
---THE END---

BINABASA MO ANG
Key To Our Love
Romance[COMPLETED] Sometimes all you need is someone to hold the key of acceptance to unlock the love for the both of you. Meet Xena, The chubbiest person you'll ever met. Chubby inside and outside. Strong girl hiding her true sensitive feelings because of...