CHAPTER 18: His Soft Side

88 8 0
                                    

Chapter 18

*Xena Harvelle Dizon*

"Bakit 'di ko makalimutan 'yung halik na 'yon!?" Pagsisigaw niya habang tulog. Nagulat ako dahil 'di ko akalain na hindi rin pala niya malimutan 'yon. Akala ko wala lang sa kanya 'yon. Bakit parang sa tono ng pagsasalita niyang 'yon, parang burden sa kanya 'yung ginawa niya? Problema niya 'yan! Siya naman ang gumawa no'n, hindi ako.

Inayos ko 'yung higa niya at kinumutan siya. "Atleast 'di ko siya tatabihan ngayong gabi." Mahina kong sabi. "Tulog lang ng mahimbing." Bulong ko sa kanya sabay tumawa ng mahina.

Dahan-dahan akong pumunta sa pinto at dahan-dahan ko ring isinarado ito. Kumain na lang ako ng hapunan mag-isa, gutom na rin kasi ako. Bahala siya kung ayaw niyang kumain, mas importante 'ata sa kanya ang tulog. Sa'kin hindi eh, mas importante sa'kin ang food.

Naisipan kong pumunta ulit sa kwarto niya at kumuha ng isang libro. Nag-ala-ninja ako sa loob ng kwarto niya sa kagustuhan na makakuha ng isang libro. Mas mabilis kasi akong nakakatulog 'pag nagbabasa ng libro. Humablot na lang ako ng isang libro at dahan-dahang umalis sa kwarto niya at dumiretso ako agad sa guest room.

Lang Leav again? Well, siguro mahilig siya sa mga books ng author na 'to. Magaling naman kasi. Sinimulan ko nang buklatin at magbasa ng ilang mga salita na nakapukaw ng aking atensyon.

Binasa ko nang malakas 'yung lines na nagandahan ako.
"What I feel—I shouldn't show you, so when you're around I won't--" napatigil ako nang biglang may bumukas ng pinto at nagsalita. "I know I've no right to feel it but it doesn't mean I don't."
Nakangiting sabi ni Zero. Nagulat ako dahil nagising pala siya. Siguro narinig niya 'yung malakas na pagbabasa ko. "Oh, akala ko magtutuloy-tuloy na 'yang pagtulog mo eh. Bakit ka pa pumasok dito? May pagkain naman do'n sa baba eh." Once again, inirapan na naman ako.
Ano bang problema nitong lalaking 'to!? "Alam mo! Nakakainis na 'yang pagiging moody mo!" Sigaw ko sa kanya habang kaharap ko na siya malapit sa pinto. "Eh ano naman ngayon kung mainis ka? 'Yon nga ang kasayahan ko eh." Nakangisi niyang pang-aasar. Napuno na ako kaya sinuntok ko na siya sa tiyan. "ARAAAAAY! P*ta ka talaga!" Pagsisigaw niya sa'kin. "Tignan natin kung makakain ka pa." Sabi ko sabay na tinulak siya palabas ng guest room. "Hoy saglit!" Sigaw niya habang nakahawak sa tiyan niya. "Ang sakit p*ta! Hay! Diba natalo ka kanina sa dare natin?! Dapat nandoon ka sa kwarto ko ngayon!" Bwiset! Bakit kasi nagising ka pa!? Edi sana nakalimutan mo na! Kainis talaga!

"Tabi!" Sigaw ko sabay na galit na pumunta sa kwarto niya. Sigurado nakangisi na naman 'tong mokong na 'to kasi siya na naman nagwagi. Umupo muna ako doon sa silya malapit sa study table niya at doon yumuko. Nakakainis! Bakit ba siya na lang lagi 'yung panalo kahit anong gawin ko!?

"Ba't nandiyaan ka? Doon sa kama!" Sigaw niya sa'kin. "Hindi pa ako inaantok." Pagsuway ko naman sa kanya. Hihintayin ko na lang siya makatulog tapos tsaka ako aalis. "Doon ka sabi sa kama!" Pilit niya pa ring pag-uutos sa'kin. "Nakakainis na talaga 'yang ugali mo! Minsan sobrang saya mo tapos bigla kang magagalit tapos bigla kang sasaya ulit, baliw ka na ba!?" Sigaw ko sa pagmumukha niya. Puno na talaga ako eh. Nakakapuno naman kasi 'yung ganoon. "Eh ano naman pake mo kung ganun ako?!" Pabalik niyang sigaw sa'kin. "Nakakainis kasi! Ako na nga lang kasama mo dito eh!"
Inirapan na naman ako ng g*go. T*ngina, ayaw ko na. Suko na ako. Aalis na ako dito.

Malapit na ako sa pinto nang bigla na naman siyang magsalita, "'pag umalis ka, wala ng 15,000." Seryoso niyang sabi. Humarap ako para tignan siya, "isaksak mo diyan sa bibig mo 'yang pera mo!" Matapang na sagot ko sa kanya. Tama si Ace, nagmumukha akong pera sa ginagawa kong 'to.

Bago pa man ako makalabas ng kwarto niya ay agad niyang hinawakan ang braso ko, "ANO NANAM--" napatigil ako nang makita siyang nakayuko at nakatakip ang isang kamay sa mukha niya. "'Wag kang umalis." Mahina niyang sabi. "Sino ka para utusan ako aber!?" Sigaw ko sa kanya. 'Di mo ako madadala sa drama mo, Zero! "Kahit ito lang natitirang araw na wala si Charlie. 'Wag ka munang umalis." Nakatingin lang ako sa kanya habang nakayuko siya at nakatakip pa rin ang kamay niya sa mukha niya. Ba't ba siya nagtatakip ng mukha!? "Please.." Mahina niyang sabi. Nagulat ako dahil first time niyang mag-"please". World record 'tong ginawa mo, Zero. Sayang 'di ko na-video-han. "Humarap ka sa'kin nang maayos." Utos ko sa kanya. Tinanggal niya ang kamay niya at humarap sa'kin. "Please.. Dito ka muna." Sincere niyang sabi. "Teka, umiyak ka ba?" Pansin ko kasing namumula 'yung mga mata niya. Baka naman may sore eyes siya!? Luh! Ayaw kong mahawa!

Key To Our LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon