CHAPTER 23: Hesitations

111 7 0
                                    

Chapter 23

*Xena Harvelle Dizon*

Well, everything's came back to normal. Wala ng mukha ni Zero for almost one week.

Start na rin 'to para ituon ang atensyon ko sa mga mas importanteng bagay gaya ng paghahanda para sa pag-enroll ko next school year. 4 months na lang at pasukan na ulit.

Ito na ang pagkakataon ko para tapusin ang pag-aaral ko. Ito ang gusto nila mama at papa. At ito rin ang gusto ko.

Para matanggap na rin ako sa anumang trabaho na papasukin ko. May advantage na ako kapag ganoon.

"Oy! Ace! Pupunta daw dito mamaya si Charlie." Sigaw ko kay Ace na ikinagulat niya. Iba talaga ang nadudulot sa kanya 'pag pangalan na ni Charlie ang nababanggit ko.

"Tapos?" Sagot niya sa'kin habang nanonood ng telebisyon. Sus, umarte pa 'tong isang 'to. Napaka-torpe kasi eh.

"'Tapos' ka diyan! Alam kong excited ka, kaya umayos ka diyan!" Sinabayan ko pa ng mapang-asar na tawa. Nagiging katulad na ako ni Zero sa ginagawa kong 'to.

Ayt! Nasali na naman 'yung Zero na 'yon sa utak ko. Masaya na siya sa Jesse na 'yun, okay Xena?

"Ba't ayaw mo pa ba kasing aminin, Ace!?" Sabay na tumabi ako sa kanya.

"Aminin ang ano?" Tinaasan pa ako ng kilay, loko talaga 'to.

"Na gusto mo pa rin si Charlie." Bigla niyang pinatay ang telebisyon at sinagot ako.

"Hindi nga! Paulit-ulit naman!" Napaka-denial talaga nitong lalaking 'to.

"Aminin mo na! Alam ko kapag nagsisinungaling ka!"

"Talaga lang? Paano kong sabihin ko na ikaw ang gusto ko?"

Nanlaki ang mga mata ko, "oh ano, natameme ka na diyan!" Sigaw niya sa'kin.

Napapansin ko na noon na pwedeng mayroon ngang gusto sa'kin si Ace. Pero ang puso't isip ko, itinatakwil 'yung ideyang 'yon. Sadyang imposible lang talaga.

"Hindi rin, Ace. Hihintayin ko 'yung araw na maamin mo na sa'kin na gusto mo pa rin si Charlie."

Napa-'tsk' na lang siya. "Masyado kang makulit." Inis na sabi niya sabay na umakyat at pumunta sa kwarto niya. Napaka-stubborn talaga nitong lalaking 'to.

Sarap dyombagin.

--

*Kayzer Evangelista*

It's been almost one week na hindi kami nag-uusap at nagkikita ni Xena. Medyo nakakapanibago dahil 'nung nakita ko siya ulit 'nung time na 'yon, bumalik ang sigla ko na i-bully siya ulit.

Alam ko na dapat maayos na ako ngayon dahil wala nang epal at panira sa buhay ko. Malapit ko na ring pakasalan ang mahal ko na si Jess. Lahat ay napakaganda na, pero bakit parang may kulang?

"Tignan mo, babe, maganda 'tong cake na 'to diba para sa wedding natin?" Kasama ko ngayon si Jess at ang wedding planner o organizer namin.

As expected, natuwa si mama sa balita namin ni Jess na engaged na kami kahit na walang proper na engagement.

Si tita naman na mama ni Jesse ay sobrang natuwa din, nabalitaan din ng papa niya, na sa sobrang tuwa ay napauwi sa Pilipinas.

Noong nakaraang linggo lang ay may dinner kaming magkakasama at nagtatawagan na silang 'balae' sa isa't isa.

"Ahh-- oo. Maganda." Hindi ko talaga alam kung bakit saan-saan nagtutungo 'tong isip ko ngayon. Ni hindi ko nga alam na may malubha na palang sakit si Jess. Biglaan lang ang lahat.

Key To Our LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon