Chapter 9
*Xena Harvelle Dizon*
"Harv, sa ngayon umuwi ka na muna. Alam ko napagod ka sa kaka-alaga sa kanya. Alam kong 'di siya madaling alagaan." Sabi sakin ni Charlie. Buti pa si Charlie naiintindihan 'yung nararamdaman ko. Itong Zero na 'to hindi eh! Utos dito, utos doon! Samantalang nakatayo na naman siya kanina. Arte! Way niya lang 'to nang pang-aasar eh. Kung wala lang sweldo, ba-back-out talaga ako eh.
"Thank you, Charlie. Sige uwi na ako ha." Pasasalamat ko sa BFF ko sabay na kinuha 'yung bag ko.
"Bye, Yaya!" Sigaw sa'kin ni Zero. Tatamaan sa'kin 'to eh! Lagot sa'kin 'to bukas! 'Pag wala na siyang lagnat bukas, babanatan ko na siya. Matagal na akong nagtimpi. Ubos na talaga pasensya ko! Wait! Xena! Wait! Tandaan mo, siya ang magpapasweldo sayo. Okay, hinahon. Kalma lang. Happy lang.
Habang naglalakad ako, iniisip ko kung paano ko kakausapin si Ace. Matapos nang sinabi niyang 'yon. Parang nakakahiya nang makipag-usap sa kanya. I'm sure gagawin niya lahat para lang kausapin ko siya. Ganyan naman siya eh. Baka nga mag-away na naman kami pag-uwi ko dahil late na naman ako uuwi. Feeling naman niya boyfriend ko siya. 'Di sa pagmamayabang, pero ganon talaga siyang tao pagdating sa'kin.
"Nakauwi na po ako tita!" Sigaw ko matapos na makapasok sa pinto ng bahay nila tita. "Bakit bigla kang umalis, iha?" Sagot naman ni tita. Himala, nasa bahay si tita. "Nakisuyo po 'yung kaibigan ko na alagaan pinsan niya eh." Sagot ko naman kay tita habang kumukuha ng tubig sa refrigerator. "Ah. Bata ba 'yung inalagaan mo?" Tanong ulit ni tita habang nagluluto siya ng sinigang. "Favorite ko 'yan tita ah!" Bigla kong pag-iba ng topic. "Syempre, favorite pamangkin kita eh." Sagot naman ni tita nang nakangiti. "Akyat na po ako. Magbibihis lang po ako, tawagin niyo po ako 'pag luto na!" Sigaw ko kay tita habang paakyat na sa kwarto ko.
Nasaan na 'yung cellphone ko!? Naiwan ko ba don? No, nalagay ko dito 'yon eh. "Saan ka galing?" Biglang pagharang sa'kin ni Ace bago pa man ako makalapit sa pinto ng kwarto ko. "Kayla Charlie. Tabi." Sabi ko sabay na itinaboy ko siya. Paulit-ulit na lang siyang ganyan! "Sinong inalagaan mo doon?" Pangungulit pa rin niya. Nakikinig pa sa usapan ng may usapan. "Wala ka na don." Matipid ko namang sagot sa kanya. Hinablot niya ang kamay ko, "sino nga sabi ang inalagaan mo doon!?" Madiin ang pagkakasabi niya at matalim 'yung mga mata niya. Halatang gustong-gusto niya talagang malaman kung sino inalagaan ko doon. "Kayzer." Matipid kong sagot sa kanya. Mula sa matalim na mga mata naging mukhang nagtataka na 'yung mga mata niya. "Sino 'yon?" He asked. "Pinsan ni Charlie." I said. "'Wag mong sabihing 'di mo kilala? Eh diba kayo ni Charlie ng 5 years?" Pagtatanong ko rin sa kanya. Nakaganti na din nang pagtatanong. "Nope. Wala siyang nabanggit pa sa'kin noon na may pinsan siya na ang pangalan ay Kayzer." Napakunot na lang 'yung noo ko sa sagot niya. Imposible naman 'yon right?
"Tapos ka na? Papasok na ako sa kwarto ko, gusto ko na magpahinga." Sabi ko sa kanya sabay na binuksan na ang pinto ng kwarto ko at pumasok na ako. Mahirap na, baka abutin kami ng umaga sa mga tanong niya.
Noong una, iniisip ko napaka-concern niya lang sa'kin. Ngayon, parang naiiba na 'yung meaning sa'kin nung mga tanong-tanong niyang ganun dahil sa sinabi niya noong isang araw. "Ikaw, Velle. Ikaw ang matagal ko nang hinahanap." Hay! Erase! Erase!Hinalukay ko 'yung bag ko, syet! Hindi ko pa rin mahanap 'yung cellphone ko! Nadukot ba sa'kin 'yon? Imposible naman naglakad lang ako at wala naman akong nakabangga or whatever. Baka nga naiwan ko doon. Sana 'di sa kwarto ni Zero. Baka pakealaman pa non lahat ng selfies ko! Arg!
--
*Ace "Asyong" Cruz*
Sino 'yung Kayzer na 'yon? Bakit wala man lang nabanggit si Charlie sa'kin? Teka, baka 'yun 'yung Zero na tinutukoy noong isang araw ni Velle? Kasi alam ko doon siya pumupunta kayla Charlie. Matext nga.

BINABASA MO ANG
Key To Our Love
Romance[COMPLETED] Sometimes all you need is someone to hold the key of acceptance to unlock the love for the both of you. Meet Xena, The chubbiest person you'll ever met. Chubby inside and outside. Strong girl hiding her true sensitive feelings because of...