Chapter 17
*Xena Harvelle Dizon*
Bigla siyang bumitaw sa pagkakahawak sa'kin at unti-unting lumayo sa mukha ko--sa labi ko. "I-i'm so-sorry." Mahina niyang sabi habang nakayuko. Habang ako'y tulala pa rin sa nangyari--sa ginawa niya. "La-la-lalabas mu-muna ako." Pautal-utal kong sabi sabay kumaripas ng takbo papunta sa pinto ng kwarto niya. Dumiretso agad ako sa kusina at kumuha ng malamig na tubig mula sa refrigerator. 'Di ako makapaniwala sa nangyari kanina.
"Parang may fireworks akong narinig at parang tumigil ang mundo ko kanina nung--nung--" napatakip ako ng bibig ko at tumingin sa salamin. "P*ta! Mulang-mula ako!" Kasing-pula ko na 'ata 'yung kamatis. "Hoy!" Sigaw sa'kin ni Zero. "Waaaah! Bakit ka ba nanggugulat!?" Muntik na akong atakihin sa puso sa ginawa niya. "Bakit ba kasi napaka-magugulatin mo!?" Sabi niya sabay na naghugas ng mukha sa lababo. "Matutulog na ako." Seryoso niyang sabi at umakyat papunta sa kwarto niya. Parang wala lang nangyari ah!? Kung sa'yo malamang ilang beses nang nangyari 'yon, pero sa'kin hindi, FIRST KISS ko kaya 'yon! Bwiset! Napunta pa sa isang bully!
Pumunta na ako sa guest room na magiging kwarto ko ngayong isang buong linggo. Kahit guest room nila, napakaganda. Magara. Pero mas pang-mayaman 'yung kay Zero, syempre. Humiga agad ako sa kama ko. "Bakit pumikit ako?" sabi ko habang nakatingin sa kisame at hawak ang labi ko. "Bakit hindi ko siya tinulak kaagad?" Litong-lito na ako sa mga pinaggagawa ni Zero. Magiging mapang-asar siya tapos magiging seryoso tapos magiging mayabang tapos biglang mag-a-advice at ang huli, tumatawa pala nang ganun 'yung lokong 'yon.
Madaming nangyari kanina na hindi ko inasahan na magagawa niya. Isa na do'n ay 'yung humalakhak nang ganun at 'yung-- "hay! Tigilan mo na kakaisip, Xena! Matulog ka na!" Sigaw ko sa sarili ko sabay na nagtakip ng kumot.
--
Nagising 'agad ako dahil nag-alarm ako ng 6am, naalala ko na dito nga pala ako natulog kaya 'di ko na kailangang gumising nang ganoon kaaga. "Magluluto na lang ako ng almusal." Sabi ko sa sarili ko sabay na inayos ang pinaghigaan ko. "Another day with him." Parang ngayon pa lang, suko na ako eh.
Bumaba na ako at dumiretso sa kusina. Binuksan ko ang refrigerator nila, napaka-dami talaga nilang pagkain. Kumuha ako ng dalawang itlog at apat na piraso ng bacon. Kinuha ko rin 'yung kaning lamig, gagawin kong fried rice.
Nang matapos na akong magluto at maghanda sa mesa. Naisip ko kung tatawagin ko ba siya o hindi!? Umakyat ako at nasa labas na ako ng kwarto niya. "Kakatukin ko ba o hindi?" "Anong sasabihin ko?--umm, Zero, handa na ang almusal. Ay hindi! Zero, almusal na hoy!--hindi! Masyado namang rude. Hay!" Nag-eensayo ako kung anong sasabihin ko sa kanya. Parang mas lalo lang akong nailang dahil sa ginawa niya kagabi. "Aaaaaah!" Napasigaw ako dahil bigla niyang binuksan 'yung pinto. "Ano bang ginagawa mo diyan!?--tabi!" Sigaw niya sa'kin sabay na hinawi ako paalis sa dadaanan niya. Sinundan ko siya pababa ng hagdan. "May almusal na ba?" Seryosong tanong ni Zero. "Oo." Seryosong sagot ko din sa kanya.
Sabay kaming kumain nang tahimik. Wala na naman kaming pansinan. Tinitignan ko siya habang kumakain, nakatingin lang siyang diretso sa plato niya at magkasalubong ang kilay. Halatang may iniisip siya.
Ayaw niya magsalita kaya ako na lang ang naunang nagsalita. "Umm, Zero, 'yung kagabi--" inudlot niya ako dahil nagsalita siya agad. "Walang nangyari okay? Kalimutan mo na 'yon." Galit niyang sabi. "Bakit ikaw pa 'tong galit!? Eh ako nga ninakawan mo ng hali--" inudlot na naman niya ako nang bigla siyang sumigaw, "ANO BA!? Sabi ko kalimutan mo na 'yon! Inasar mo kasi akong bading! 'Di ko napigilan ang sarili ko." Galit na galit niyang sabi sa'kin.
Aba! Ang tindi rin talaga nitong lalaking 'to eh! Ang sarap niyang hindi pakainin ng isang linggo! Ang sarap niyang itapon sa outer space! Bwiset!
"So, kahit ang lalaki sabihan ka ng bading, hahalikan mo din ha!?" Galit ko ring sabi sa kanya. "Syempre hindi! Baliw ka ba!?" Agad naman niyang sagot sa'kin. "'Yon naman pala eh!" Sigaw ko sa kanya. "Iba 'yung kagabi. Basta! Kalimutan mo na!" Sigaw niya sabay na tumayo at pumunta sa sala at binuksan ang T.V.
BINABASA MO ANG
Key To Our Love
Romantizm[COMPLETED] Sometimes all you need is someone to hold the key of acceptance to unlock the love for the both of you. Meet Xena, The chubbiest person you'll ever met. Chubby inside and outside. Strong girl hiding her true sensitive feelings because of...