Chapter 16
*Xena Harvelle Dizon*
Maaga akong pinapunta ni Charlie sa bahay nila dahil nga ngayon na ang alis niya. Nagpaalam na rin ako kay Tita Alice na 'di muna ako matutulog doon ng isang buong linggo. Sinabi ko 'yung totoo kay Tita dahil 'di naman habang buhay matatago ko sa kanya 'yon eh.
Napa-oo na lang sa'kin si Tita kahit mukhang ayaw niya. Binalaan pa ako kay Zero, sabi ko naman kaya ko naman siya tsaka alam naman niya na boyfriend ko si Zero, kahit hindi.
"Tandaan mo, Harv, 'pag may problema, tawagan or i-text mo lang ako okay?" Paalala ni Charlie. "Yes, Ma'am!" Nakangiting sagot ko na ikinatawa niya. "Kaya mo 'to, Harv! Madidisiplina mo 'yan. Good luck." Bulong niya sa'kin na ikinataas naman ng kilay ni Zero.
Nagbeso siya sa'kin at lumabas na siya ng bahay at sumakay sa kotse kasama ang tatlong maid at 'yung chef nila. Ito na ang umpisa ng bangungot ko. Napaka-tagal ng bangungot na 'to, biro mo, aabutin ng isang linggo. Tsk!
"Well, it's just you and me then." Nakangising sabi niya. "Ewan ko sa'yo!" Sigaw ko sa kanya sabay na pumunta ng kusina. Kailangan kong uminom ng malamig na tubig, mag-uumpisa na ang kalbaryo ko.
"Hoy! Zero! Kumain na tayo, may hinanda dito na ham at bacon. Kung ayaw mo, sa'kin na lang 'to!" Sana ayaw niya, sana ayaw niya. Para akin na lang 'to... Please! "Okay! Papunta na ako diyan!" Sigaw niya pabalik sa'kin. Bakit mo pa kasi inaya, Xena!? May pagka-tanga ka talaga eh noh!?
Umupo na kami at kumain nang tahimik. Sasabihin ko pa sana 'yung tungkol doon sa dare namin kahapon kaso naalala kong baka matalo lang ako kaya nanatili na lang akong tahimik.
"Busog ka na ba?" Tanong niya nang matapos kaming kumain. Tumango naman ako. "Okay. Good. Pahinga ka ng 30 minutes then, we'll play." Sabi niya sabay na tumayo. "Play!?" Pagtataka ko. "Yes. Don't you remember? Maglalaro tayo ngayon ng basketball." Sabi niya na nakangisi. P*ta! Naalala pa! Akala ko naman nakalimutan niya na. "You think I forget? Ha! Asa ka pa." Pahabol niya sabay na pumunta sa sala nila. Takte talaga! Ano ba kasing naisip ko kahapon at nagpadala na naman ako sa mga pakulo niya!?
Matapos kong magpahinga, hinatak niya na ako palabas. "Umm, medyo masakit ang tiyan ko. Mamaya na lang kaya?" Pagpapalusot ko at nagpapanggap na masakit talaga ang tiyan ko. "Nope, kaya mo 'yan! 'Lika na!" Sabay na binigay sa'kin 'yung bola. Pakitaan ko nga nang kaunti. Dinribble ko ang bola at dinedepensahan niya na ako. Nilito ko siya nang kaunti. Nag-go hard ako sa kanan pero tumakbo nang mabilis sa kaliwa at nag-lay-up. Shoot! "Bang! Not so good defender, Mr. Zero?" Sabi ko sabay na tumawa. Makakaganti na rin ako nang pang-aasar sa kanya.
"Well, 'wag ka masyadong makampante, piggy. 1 point pa lang 'yan. Hanggang 21 points, deal?" Hirit ni Zero. "Okay! Deal!" Madali lang 'to. Madali siyang lituhin eh. Tinuruan kaya ako 'nung bata ako ni papa. Hay, papa... Naalala ko na naman kayo bigla.
Dahil sa kanya naman ang bola, dinepensahan ko na siyang mabuti. Magaling siya mag-handle ng bola, mahirap siyang maagawan eh. I played great defense. Kaya napatira siya bigla sa malayo. At 'yon, shoot! P*tang*na!
"Bang! Not so good on far shots, Ms. Piggy?" Nakangisi niyang sabi. "Ibigay mo na 'yung bola!" 1 point 'pag malapit, pero pag behind the line 2 points na. "2-1 na." Nakangiti niyang sabi. Habang nag-depensa agad sa'kin.
'Nung nagdidribble ako at magko-crossover, 'di ko napansing naagawan niya ako ng bola. 'Nung nakuha niya, dinire-diretso niya sa ring. Bwiset!
"That's 3-1, piggy." Nakangisi niyang sabi. P*ta! Inis na ako! Ayaw kong matulog katabi siya noh! Kaya 'nung pagkapasa pa lang niya sa'kin 'nung bola, tinira ko agad mula sa malayo. P*ta akala ko 'di magshu-shoot, pagkatalbog, ayon! Shoot!

BINABASA MO ANG
Key To Our Love
Romance[COMPLETED] Sometimes all you need is someone to hold the key of acceptance to unlock the love for the both of you. Meet Xena, The chubbiest person you'll ever met. Chubby inside and outside. Strong girl hiding her true sensitive feelings because of...