CHAPTER 10: Unexpected

105 13 4
                                    

Chapter 10

*Xena Harvelle Dizon*

Bzzzzt! Bzzzzt!
Hay nako! Its only 7am. Wtf! May tumatawag na!?

Incoming call from Charlie_BFF
'Wag mo akong ayain mag-jogging baka masapak kita.

"Ano!?"
"Aray!"
"Wala naman akong ginagawa ah."
"Sorry hindi ikaw, Harv. Si Kayzer kasi pinagbabato ako, bakit daw wala ka pa dito. Aray! Sabi nang ibaba mo 'yan eh!"
"Maligo at magbihis lang ako tapos pupunta na ako. Pakainin mo ako diyan, Charlie."
"Oo sige. Punta ka na bilis. Aray! Bitiwan mo 'yan, Kayzer!"
*toot toot toot*

Hay! Umagang-umaga nambibwiset na naman si Zero.
Bakit ba Zero pangalan non?! Baka zero ang IQ!? "Hahhahahha!" Tawa ko nang malakas. Nakakatawa naman kasi talaga. Sino kaya nagpangalan sa kanya non? 'Yung Kayzer sabi niya sa nanay-nanayan niya. Ay! Takte! Bakit ngayon ko lang napansin, 'nanay-nanayan'!? It means 'yung tita ni Charlie, hindi niya tunay na ina!? Big revelation 'to.

Kung anu-ano iniisip ko habang naliligo ako, makapagbihis na nga. Tutal yaya lang naman ang trabaho ko, t-shirt at jeans ay sapat na. Tsaka na ako mag-mamagarang damit 'pag day-off na.

Lumabas na ako ng kwarto ko at nakita kong nakapang-alis din si Ace. Tumitig siya sa'kin at bumaba na ng hagdan. Okay, wala talagang pansinan. Bumaba na rin ako, tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad nang hindi sumulyap man lang sa'kin. This is your play? I'm game!

Kinuha ko 'yung bike ko, habang nilalakad ko palabas ng gate namin 'yung bike ko, nakita kong sumakay ng tricycle si Ace. Saan kaya punta non? Hay! Bahala siya.

Sumakay na ako sa bike at nagtungo na ako kayla Charlie. Maya-maya pa'y nakarating na din ako, pinark ko muna sa gilid 'yung bike ko at nag-doorbell na ako.

"Lika na, dali! Nako! Nagwawala na 'yung isa!" Pamamadali sa'kin ni Charlie sabay na hinatak ako papasok. "Sabi ko pakainin mo muna ako. Para may sigla ako. Ibang klase ang aalagaan ko eh. Medyo wild." Tumango lang si Charlie at pinagsilbihan na ako. Masarap talaga 'pag mayaman ang bestfriend mo, may bacon ka sa almusal. Napangiti na lang ako dahil ngayon na lang ulit ako makakakain nito. Sumubo na ako agad at inubos ang apat na bacon na may isang mangkok na rice. Bigatin ako eh, kaya dapat bigatin din ang kakainin ko. Uminom na ako ng tubig at umakyat na ako patungo sa kwarto 'nung Zero na 'yon. Nag-fighting sign pa sa'kin si Charlie, as if naman makakatulong 'yon.

"What took you so long? Sa susunod dapat 6am pa lang nandito ka na, understand?" P*ta! Kung pwede ka lang sipain sa mukha ngayon, nagawa ko na eh. Tumango na lang ako kahit gusto ko siyang ibalibag ngayon sa sahig.

"Here! Take this towel, I'll just take a shower then after that, you'll hand me my clothes. Ikaw na pumili. Gusto ko comfortable." Pagkasabi niyang 'yun binigay niya sa'kin 'yung towel niya at tumungo na sa banyo niya. Ang sarap niyang murahin. Kung 'di lang sa 15,000, 'di talaga ako papayag dito. Napa-face palm na lang ako. Ano ba 'tong napasok ko?!

Humiga muna ako sa kama niya, ang lambot ng kama niya. Mas malambot pa sa kama ko. Buhay mayaman kasi! Tapos ang bango 'nung bed sheet at kumot niya. Hay! Tinry kong magkumot at nahiga sa malambot niyang unan. Ang sarap ng ganitong higaan. Parang ayaw ko nang bumangon.

"Aaaaaahhhh!" Nagulat ako nang biglang sumampa sa kama si Zero. 1 inch na lang ang agwat ng mga mukha namin. P*ta!

"Anong ginagawa mo ha?!" Sabi niya sabay na nag-smirk. Subukan mo lang lumapit pa matatadyakan kita. Napatingin ako sa baba, p*ta! Topless pa siya!

"Wa-wala. Na-naki-hi-higa lang a-ako." Ay nako, Xena! Bakit ka ba kinakabahan?! Maybe there's a guy on top of me with no shirt!

Lumaki 'yung mala-demonyo niyang ngiti, at unti-unting nilalapit 'yung mukha niya sa'kin.
My gosh! Napapikit na lang ako.
"Hahahahaha!" Napadilat ako dahil tumawa siya. "Inaasahan mong hahalikan kita?" Sabi niya habang nakangiti. "N-no!" Sigaw ko sa pagmumukha niya. G*go pala 'to eh! "Then, why did you close your eyes?" Tanong niya sa'kin sabay na nag-smirk.

Key To Our LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon