CHAPTER 28: The New Zero

67 6 0
                                    

Chapter 28

*Xena Harvelle Dizon*

"Anong kunin ang kamay? Tsa-chop-chop-in ko na ba? Nako, malaki-laki 'to, mahal 'to, p're." Nakakaasar na biro pa ni Kuya Paeng.

"Wow ah! Ang sakit ha!" Pagre-react ko naman sa sinabi ni Kuya Paeng.

Habang ang galit na mukha ni Ace ay napalitan ng ngiti at tumawa pa nang malakas ang sira ulo.

Napatakip naman sa bibig si Zero, mukhang pinipigilan niyang matawa. At ako? Well, tinarayan ko lang silang lahat.

"Uma-aray ka na kaagad eh hindi pa nga kita na-tsa-chop-chop." Na sinabayan pa nang malakas na tawa ni Kuya Paeng.

Ganyan po dito. Lalo na 'pag nandito si Kuya. Ewan ko ba kung marunong mag-seryoso 'tong pinsan ko eh. 'Di ko talaga alam kung ano 'yung nakita sa kanya ng bago niyang girlfriend.

Ay alam ko na pala... Sense of humor.

"Nakakatuwa talaga 'yung pinsan mo, Xena." Maginoong sabi ni Zero. 'Di ko alam kung anong nangyayari dito kay Zero. Hindi na umalis 'yung anghel na sumapi sa kanya.

"Kuya! Ace! Wala ba kayong gagawin kundi ang tumawa?!" Sigaw ko dito sa dalawang mokong na kasama ko sa bahay.

"Ay, sorry." Sabi ni Ace sabay na tumawa nang mahina.

"Maiba ako, Zero... Nakwento sa akin noon ni Ace na peke lang pala 'yung relasyon niyo." Wow! Nag-palit agad 'yung expression ni Kuya Paeng. Real quick!

"Opo. Totoo po 'yon." Sagot naman agad ni Zero.

"Tapos nasabi pa sa'kin ni Ace na ginamit mo pa si Xena para mapagselos ang papakasalan mo dapat na niloloko ka pala. Totoo rin ba 'yon?" Wow! Napaka-updated ni Kuya Paeng. Napaka-daldal pala talaga ni Ace.

"Opo. Totoo rin po 'yon." Ibang-iba talaga si Zero ngayon. Parang hindi ko na siya kilala. Ibang tao talaga 'yung nasa harap namin ngayon. Napaka-disiplinado niya. Malayong-malayo doon sa dating Zero na nakilala ko.

"So, anong ginagawa mo dito?" Pagtatanong nang pagalit ni Kuya Paeng.

"Sinusundo po si Xena. May date po kami eh. 'Di niya po ba nasabi sa inyo?" Patay na! Talaga nga naman Zero! Isinama mo pa ako sa kalokohan mo!

Tumingin naman bigla sa'kin nang masama sina Ace at Kuya Paeng. "Hay! Hindi kasi date 'yon!" Napatingin kami lahat kay Zero nang bigla siyang humirit, "Ehem! Sinabi ko sa'yo kahapon na may date tayo ngayon diba?" Aba! Ang sarap i-untog ng ulo ni Zero sa pader!

"Nagbibiro ka lang 'non!" Sigaw ko kay Zero. "Hindi." Matipid na sagot sa'kin ni Zero na ubod nang seryoso.

"Sige na. Umalis na kayo." Biglang sabi ni Kuya Paeng. "Kuya?! Hahayaan mo lang na masaktan na naman 'tong si Velle?" Sabi ni Ace kay Kuya Paeng.

"Edi 'pag pinaiyak niya ulit si Xena, hindi na siya makakauwi sa kanila ng buhay." Biglang napalunok si Zero at tuwang-tuwa naman si Ace. "Naiintindihan mo ba 'yon, Zero?" Pagtatanong ni Kuya Paeng.

"Opo." Medyo takot na sagot ni Zero.

"Sige na.. Humayo kayo at magparami.."
Bigla kaming natigilan sa sinabi ni Kuya. Sinapak siya sa braso ni Ace. "Ay! Este, magpakabusog pala. Sorry naman.." Sabay na tumawa pa si Kuya. Hay nako! Minsan talaga napapaisip na ako kung bakit ko siya naging pinsan.

"Hoy! Sandali, Zero!" Humarap naman si Zero kay Ace. "May curfew 'yan. Kailangan alas-kwatro, nandito na 'yan sa bahay."

"Masusunod." Nakangiting sabi ni Zero. Ibang tao na po talaga 'tong makakasama kong kumain. Mukhang wala na talagang planong umalis 'nung anghel na sumapi sa kanya.

Key To Our LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon