Chapter 11
*Xena Harvelle Dizon*
"Well, anong natapos mong kurso, Xena?" Pagtatanong sa'kin ni Tita Judy habang sumusubo ng pagkain niya. "Umm, actually Tita hindi ko po natapos ang kurso kong BSIT." Syempre, mahirap lang naman si tita. 2 years ko lang siya na-take at nakiusap na sa'kin si tita na tumigil muna ako dahil malaki ang panggastos nila sa tuition ni Joanna.
"Oh, its okay, iha. Kayzer here is graduated from college. Kinuha niya ang kursong civil engineering. 'Yun din kasi ang kurso ko kaya hindi ako palaging nandito. Busy kasi, minsan kailangan pumunta sa states." Engganyong pagkukwento ni Tita Judy. Habang si Zero, kain lang ng kain at parang walang naririnig.
"Syempre, 'pag medyo 'di ko na kaya, Kayzer will take over our company on states." Nagulat ako sa sinabi ng mama niya. Bigatin talaga 'tong si Zero. "Umm, Tita, can I ask you a question without you getting offended?" Nagsalubong ang kilay ni Tita, "Ofcourse, what is it, iha?" Napatingin naman sa'kin sina Charlie at Kayzer. Looks like I grab their attention pretty well.
"A-ampon po ba si Kayzer?" Napaluwa si Charlie sa tinanong ko. Mukhang walang nag-expect na iyon ang tanong ko kasi gulat na gulat silang lahat. "Umm, did Kayzer told you?" Tumingin naman ako kay Zero at umiling agad siya. "'Di po direkta niyang sinabi. But I believe I heard him said dati na ang pangalan niyang "Kayzer" ay galing sa nanay-nanayan niya. Well, maliban na lang po kung iba po 'yung tinutukoy niya." Napa-takip ng bibig si Zero. 'Di niya ata alam na may nasabi siyang ganun. Well, matandain akong tao eh.
"So, nasabi na naman ni Kayzer. Yes, iha. Ampon ko lang siya. I always wanted to have a son kaso namatay agad ang asawa ko kaya hindi na nagyari pa 'yon. Then, napag-isip-isip kong mag-ampon para may manahan naman ako ng mga pag-aari ko. Right decision noh?" Nakangiting pagkukwento ni Tita at tumango naman ako kaagad. Her dream came true. Even if its not her son, atleast natupad ang gusto niya.
We continue to eat and talk about personal things. Zero just sat there and ate. Wala man lang lumabas na isang word galing sa bibig niya. Mukhang tuwang-tuwa naman sa'kin si Tita Judy. Talagang gustong-gusto niya akong makilala. Pero ang hindi niya alam, fake lang 'to. Hindi ko nga rin alam kung bakit 'di na lang "yaya" ang ginamit na word ni Zero kanina imbis na "girlfriend". I would never have a boyfriend like him. He's a jerk!
--
"Hey, girl! Explain everything to me." Pagtatanong bigla ni Charlie matapos naming kumain. This is the chance para sabihin ko sa kanya lahat kasi nag-uusap 'yung mag-ina.
In-explain ko sa kanya lahat mula doon sa nangyari sa kwarto ni Zero hanggang sa humantong na sa pagiging mag-"syota" namin.
Grabe 'yung mata ni Charlie, nanlaki sa gulat dahil sa mga sinabi ko. "Well, good luck na lang, Harv. You're gonna need it." Sabi ni Charlie sabay na ngumiti sa'kin. Natawa na lang ako. Kaya ko naman si Zero, ang hindi ko lang kaya ay ang magpanggap na girlfriend niya.Maya-maya lang umalis na si Tita Judy, nangako pa sa'kin na dadalhan ako ng chocolates pag-uwi niya. Dapat lang may treat ako, hirap kayang pagtiyagaan 'yung anak niya.
Naglinis ako ulit sa kwarto ni Zero. Daig pa ang babae sa gulo ng kwarto. Sabog-sabog ang mga damit. 'Di maayos ang kama. Tapos 'di pa marunong magtapon ng basura niya doon sa trashcan niya. Ano pang silbi ng trashcan mo!? Nakakainis lang! Mas burara pa sa babae.
Matapos kong maglinis sa kwarto niya, nakita ko siyang nagbabasa ng libro. Bigla ko siyang sinigawan, "Hoy! Zero! We need to talk!" Sigaw ko sa kanya. "Bukas na lang, may binabasa pa ako." Aba! Nakakapuno na talaga 'tong lalaking to! "Ngayon na! We need to make some rules!" Sigaw ko ulit sa kanya. Bigla niyang sinarado 'yung librong hawak niya, "what rules?" Tanong naman niya. Kumuha agad ako ng ballpen at papel sa study table niya, "rule number 1: walang hawak-hawak sa iba't ibang parte ng katawan."

BINABASA MO ANG
Key To Our Love
Romance[COMPLETED] Sometimes all you need is someone to hold the key of acceptance to unlock the love for the both of you. Meet Xena, The chubbiest person you'll ever met. Chubby inside and outside. Strong girl hiding her true sensitive feelings because of...