Chapter 29
*Xena Harvelle Dizon*
"Can you be my girl, for real, Xena?"
Pagkasabing-pagkasabi 'non ni Zero ay agad akong napainom ng isang basong tubig. Ini-straight ko talaga! Jusko, para mahimasmasan man lang ako sa mga nangyayari sa'kin ngayon.
Sunod kong ginawa ay pinagsasampal ang sarili ko, "T*ngina, bumangon ka na, Xena! Gising! Gising!" Sigaw ko sa sarili ko hanggang sa nararamdaman ko nang namumula na ang pisnge ko.
Biglang hinawakan ni Zero 'yung kamay ko, "Hindi ka nananaginip, Xena! Mulang-mula na tuloy 'yang pisnge mo. Ba't naisipan mong sampalin sarili mo? Para kang baliw." Sabi sa'kin ni Zero na halatang takang-taka sa pinaggagawa at pinagsasabi ko.
Naramdaman ko na ang dami na palang nakatingin sa'kin. Pakshit!
Tumingin si Zero sa paligid at nakita niya rin na lahat ay nakatingin na sa'kin at pinagtatawanan ako.
Tanga mo talaga, Xena!
Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at niyaya akong tumayo, "Let's go." Seryosong sabi niya.
"Parang baboy na pinagsasampal sa pisnge sa sobrang kakaingay. HAHAHAHA!" Narinig kong mga pang-aasar at tawa 'nung ibang tao sa restaurant.
I suddenly felt small. Oo nga pala, baboy pa rin ako. Kahit na pagsuotin ako ng napakagarang damit, it still doesn't changed the fact that I'm fat.
Really really fat.
"Mukha ngang suman sa suot niya eh. Napakatabang suman! HAHAHA!" Hirit pa 'nung ibang customer habang papalabas kami ni Zero sa restaurant.
"Sayang naman 'yung pagkain." Mahina kong sabi. Tinawag ni Zero 'yung isang waiter sa labas, "'Yung in-order ko, pakibalot na lang lahat. I-take home ko na lang. Salamat."
"Sige po, sir." Sagot naman agad sa kanya 'nung waiter.
"Bakit hinila mo ako bigla dito sa labas?" Pinipigilan ko talagang maiyak sa sobrang kahihiyan na ginawa ko doon sa loob ng restaurant.
"Hindi maganda 'yung ambiance." Pagalit niyang sagot sa'kin. "Maganda kaya. Nakaka-relax 'yung aura 'nung restaurant." Pinuri ko pa talaga 'yung lugar na napahiya ako ng sobra.
"Hindi maganda 'yung aura. Hindi ko gusto 'yung mga tao." Seryosong sagot niya na naman sa'kin.
"Sir, ito na po 'yung take-out niyo. Come back again po, sir." Magalang na sabi 'nung waiter.
After na makuha ni Zero 'yung take-out ay agad na kaming sumakay sa kotse.
Napakatahimik niya. Magsasalita na ba ako? Napakaseryoso niya eh. Mamaya baka bigla akong sigawan. Galit ba siya? Hindi naman siya mukhang galit. Inis kaya? Hm. Parang hindi naman.
"May gusto ka bang sabihin o itanong?" Bigla niyang sabi.
"Huh? Ba't mo naman nasabi 'yan?"
"Kanina ka pa kasi nakatitig sa'kin." Seryoso pa rin siya. Kanina pa pala niya akong nahuli na nakatitig sa kanya, ba't ngayon lang siya nagsalita?
BINABASA MO ANG
Key To Our Love
Romance[COMPLETED] Sometimes all you need is someone to hold the key of acceptance to unlock the love for the both of you. Meet Xena, The chubbiest person you'll ever met. Chubby inside and outside. Strong girl hiding her true sensitive feelings because of...