Chapter 22
*Xena Harvelle Dizon*
This is the best and the worst birthday ever! Best siya kasi ngayon lang ako pinaghandaan at sinurprise ulit. Worst siya dahil kay.... Who else? The bully, Zero.
"Hindi ko siya mahal noh!" Sigaw ko sa pagmumukha ni Ace. Hindi naman talaga. Mahal agad?! Alam ko naman kung hanggang saan lang kami. "I know what we are and what we are not." Mahina kong sabi sa kanya. Napatitig naman sa'kin si Ace, "for all the people, ba't si Zero pa?!" Sigaw niya sa'kin sabay na ginulo buhok niya. Ibig sabihin niyan ay naiinis na siya. "'Di ko nga siya mahal! Masyado ka naman! Masyado ng malayo ang salitang 'love' para sa'min." Pagpapaliwanag ko sa kanya. "Eh ba't nagkakaganyan ka?!" Siguro dahil nakakalito 'yung mga kinilos niya 'nung nakaraan. Mapapa-isip ka talaga kung ano ba talaga kami.
"Naguluhan lang ako." Mahina kong sagot sa kanya sabay na pumasok sa kwarto ko at ni-lock agad ang pinto. Kinakatok niya ako nang kinakatok at sinisigawan pa pero 'di ko na iniintindi.
'Di ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising ako bigla dahil nakakaramdam na ako ng gutom. Tinignan ko ang orasan ko sa cellphone. Alas-syete na! Need to eat!
Pagbukas ko ng pinto ay may nakita akong isang regalo sa sahig. malaki siya, polka-dots na wrapper at may pink ribbon pa. Kinuha ko agad at tinignan kung may pangalan ng nagbigay.
"Asyong"
Sabi na eh! Sino pa nga ba, Xena diba?
Pumasok muna ako ulit sa kwarto ko at doon binuksan ang regalo. Oh my! Ang ganda ng relo. Ocean blue ang kulay ng bracelet 'nung relo at mukha siyang glow in the dark.
May nakita akong card doon sa loob ng box nitong relo.
"Dear Velle,
Dahil 'di kita nakitang nagsuot ng relo, naisipan kong bilhan ka. Pinag-ipunan kong mabili 'yan. Sana magustuhan mo. 'Wag mo nang isipin 'yung bully na 'yon.
Asyong"Aysus! Ka-touch naman nitong lalaking 'to. Sana ganyan din si Zero. Ay! No no no! Ano ba 'yan, Xena!? Anong iniisip mo ha?
Napa-iling na lang ako at nilagay sa maliit na lalagyan 'yung relo.Kailangan ko na talagang kumain, naririnig ko na 'yung tiyan ko eh.
Masyado na siyang maingay. Parang kanina lang ang dami kong nilamon, ngayon gutom na naman?! Hay, kaya ganito figure ko eh. 'Di naman nila ako masisisi, masarap kasi talagang kumain.--
Kinuha ko 'yung cake mula sa refrigerator. Favorite ko talaga ang chocolate, kilalang-kilala talaga ako ni Ace.
"'Di mo talaga mapigilan sarili mo ah." Napainom ako bigla nang mabilaukan dahil bigla na lang nagsasalita si Ace.
"Nagutom ako eh." Sagot ko sa kanya. Nakita ko namang napangiti na lang siya dahil sa sagot ko. "Pahingi naman ako diyan." Sabay na nginitian ako nang nakakaloko. Ang iniisip niya ata ipagdadamot ko 'tong cake kasi nasa isip niya na baboy talaga ako. Pwes, 'di ko hahayaang mangyari 'yon, "osige ba. Kuha ka na lang plato, lalagyan kita." At nakita ko na ang gulat face ni Ace. Akala niya ha! Akala mo lang 'yon, hahaha!
Habang kumakain kami at dahil napakatahimik namin, may naisipan akong itanong na napakalayo sa pinag-awayan namin kanina. "'Di mo na ba gusto si Charlie?" At ngayon naman ay siya naman ang nabilaukan.
"Easy lang, p're. Magtubig ka." Sabay abot ko ng tubig sa kanya. Napangiti na lang ako kasi ganiyan siya 'pag nababanggit ko ang pangalan ng bff ko.
"Ba't mo naman natanong 'yan?" Seryosong mukha na ang tumambad sa harap ko ngayon, "wala lang. Sagutin mo na lang." Sumubo muna siya ulit bago ako sinagot, "wala." Napangiti ako bigla, "ano nginingiti-ngiti mo diyan?" Inis niyang tanong.
BINABASA MO ANG
Key To Our Love
Romance[COMPLETED] Sometimes all you need is someone to hold the key of acceptance to unlock the love for the both of you. Meet Xena, The chubbiest person you'll ever met. Chubby inside and outside. Strong girl hiding her true sensitive feelings because of...